♚CHAPTER 8♚

25.8K 1K 88
                                    

Sinundan ko si Blue ng lumabas na ito kanina sa kwarto, oo blue na tawag ko sa kaniya hehe feeling close lang, tumakbo pa ako ng kaunti para masabayan ito sa pag lalakad. Haba kasi ng biyas kaya ang bilis maglakad, idagdag pang isa itong werewolf. Nung una inaamin ko na natakot talaga ako ng makita kong mag palit ito sa pagiging lobo pero kanina napa isip ako na hindi naman siya mukhang masama, kahit pa sabihing mapang insulto siya ay tingin ko naman di niya ako sasaktan kaya naman nakampante na ako. Plus pa na ubod ito ng gwapo at sobrang macho kaye keri na kung sya ang kikitil sa aking life, pero joke lang yun ayaw ko pang ma deds ha!

At ewan ko ba pakiramdam ko ay safe ako sa kaniya. ganern!

Pag kababa namin ng hagdan ay dumiretso siya sa isang silid, pag kabukas non ay isang mahabang lamesa ang aking nakita, at mga pares ng mata na may pag tataka na naka tingin sa akin.

Napalunok ako dahil nakaramdam ako ng tensiyon, kung alam ko lang na ganito kadaming nag gagandahan at nag gagwapuhan na tao ang mabubungaran ko ehh di sana nag ayos man lang ko charot lang wala naman akong igaganda ehh.

''Ehem!'' napatingin ako kay Blue ng tumikhim ito, agad na nabaling sa kaniya ang atensyon ng lahat.

''She is Aphrodite'' tukoy nito sa akin, may mga narinig akong bulungan na di ko masyadong naintindihan

''M-my M-ate'' nauutal nitong wika atsaka ito tila nahiya at napakamot sa batok. Nakita ko pa ang pag ka bigla nila ng sabihin nito ang Mate.

My Mate? is that a kind of creamer? like coffee mate? tanong ko sa aking sarili, bakit ba mukha silang lahat nabigla.

''Ibig sabihin Alpha s-siya na po ang aming L-luna?'' tanong ng isang lalaki na matamang naka tingin sa akin, wew! pinag papawisan singit at kili-kili ko, bakit ba kasi ang daming gwapo! pero syempre mas pogi pa din si Papa Blue ko hihi.

Ehh sino kaya ang tinutukoy nitong Alpa? si Blue kaya yun? baka naman surname nya yung alpa. Ehh yung Luna naman? apelyido din ba iyon like General Luna and Pauleen Luna?

Hindi naman sumagot si Blue at agad naupo sa pinaka gitnang silya. Samantalang ako'y nanatili lang na nakatayo tsk' di man lang ako pinag usog ng upuan o di kaya naman inaya man lang, nag wewelga na kaya mga BOA ko sa tiyan kainis!

''Luna maupo ka na dito'' napatingin ako sa nag salita. Isang ubod ng gwapong lalaki na may pulang buhok ang naka ngiti at naka tayo katabi ng isang bakanteng upuan malapit kay Blue.

Lumingon ako sa likod dahil baka nasa likod ko ang Luna na tinutukoy nito. Pero wala naman akong nakita sa aking likod kaya tumingin akong muli sa kaniya.

Mahina itong tumawa na lalong nag pa labas sa malalim nitong biloy sa kaliwang pisngi. Wala sa sariling napahawak ako sa aking bewang jusmeyo marimar makalaglag panty tong red hair na 'to.

Lumapit ito sa akin ng may ngiti pa ring naka paskil sa kanyang labi.

Nagulat pa ako ng hawakan ako nito sa siko at marahang hinatak papunta sa upuang kaninang inaalok nito kay Luna.

Nang makaupo na ako ay di pa rin nito binitawan ang aking siko. Grabe ramdam ko ang pamumula ng mukha ko, nakaka kilig kasi tong poging ito!

''Do you want me to cut that dirty hand of your's Red!'' matigas na sabi ni Blue habang naka tingin sa poging may pulang buhok. So Red pala ang name nya, hindi na ako mag tataka kung ang isa sa mga nandito ay nag ngangalang yellow or green .

''Okay,okay... ngayon ko lang nalaman na possesive ka pala'' natatawang sabi ni Red saka tinanggal ang kanyang kamay na naka hawak pa din pala sa aking siko.

My Mate is a Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon