Nagising ako ng may ngiti sa aking mga labi, ngayon ang araw na dadalo kami sa pag titipon. Ngayon din i-aanunsiyo ni ama ang pagiging Alpha at Luna namin ng black wolf.
Pero ang mga ngiti ko ay agad nag laho ng maalala ko si Angel.
Paano kung may gawin siyang hindi maganda?
Sa ilang araw namin dito ni Blue ay ni hindi na niya nabanggit pa ang usapang iyon. Siguro ay dahil may plano na sila ng aking ama o pwede rin naman na di nya lang pinapakita sa akin ang totoong nadarama niya sa nalalapit na pag titipon. Kung ano man ang iniisip niya ay tiwala akong hindi kami mapapahamak lalo na ang pack namin.
Pag tapos kong mag ayos ng aking hinigaan ay naligo ako upang maka sama na ako sa almusal na tiyak kong nag uumpisa na o maaring tapos na dahil anong oras na rin naman.
Sabi ng ilang miyembro ng pack ay maari naman na kami mag sama sa isang kuwarto ni Blue dahil sa maari naman iyon lalo na para sa mga werewolf, pero nag pumilit ang aking nanay na dapat ay kahit na may lahi kaming werewolf ay kagaya pa din ng sa mga tao ang aming susundin na bawal mag sama sa isang babae at lalaki kung hindi pa ito kasal. Na siya namang di ko na tinutol pa dahil tama ang aking nanay, maski ang aking ama at ina Aleya ay sumang ayon na din.
Ayaw man ni Blue ng ganoong sistema ay napilit ko pa din siya dahil iyon ang kinalakihan kong kagawian.
Pag ka baba ko ay tawanan mula sa kusina ang aking nadidinig kaya naman napa ngiti ako. May ilang miyembro ako na nakaka salubong na bumabati sa akin na aking ginagantihan ng magandang pag bati, nasa magandang mood talaga ang lahat dahil na din siguro sa pag titipon na gaganapin mamaya. Ang mag kakaanib na pack ay mag sasama-sama kaya tiyak na isang malaking pag sasalo-salo ang mang yayari. At maraming mga unmated na matatagpuan ang itinadhana sa kanila gaya ng kuwento ni Chelsie.
Pag pasok ko ay mga naka ngiting miyembro ng aming pack ang aking nabungaran. At siyempre sino ang bida?
walang iba kundi ang aking nanay, na ikina ngiti ko na lang.
''Ay naku! nakaka tuwa talaga yung bata na iyon. Biruin nyo sa kakahabol sa tatay niya ehh nalaglag siya tuloy sa may kanal! pag ahon niya! jusko! di kanais nais ang itsura niya '' kasunod non ay mga tawanan ng mga nasa hapag kainan ang aking nadinig. Napatigil ako sa pag lalakad at ang ngiti ko kanina ay napalitan ng ngiwi.
''Argggh!!!! si nanay talaga!'' dali-dali akong nag tungo sa hapag kainan upang pigilan ang aking nanay na i-kuwento pa ang mga pang yayaring talagang ka hiya-hiya.
Pag pasok ko ay mga naka tawang miyembro ng pack ang nasilayan ko, pero ang mas nakaka asar don ay si Blue na halos mangiyak pa sa sobrang tawa.
''Nay, pati ba naman yan i-kinuwento niyo pa? katatapos niyo lang hong kumain ohh'' agad akong lumapit sa aking kinagisnang ina at niyakap siya. Nadinig ko pa ang pag tawa ng ilan. Tiningnan ko pa ng masama si Blue dahil nangingibabaw ang boses niya, agad naman siyang nanahamik at kunwari'y inuubo na lang.
"Mabuti ng malaman nila ang istorya ng buhay mo anak, di ba mareng Aleya." nakangiting saad ng aking nanay sa isa ko pang inay.
"Oo naman, natutuwa nga akong marinig ang mga ng yari sayo ng wala ka saming tabi anak" naka ngiti din nitong saad, agad akong lumapit at niyakap sya ganoon din ang aking ama na katabi nito. Nasa tapat naman ng aking ama si Blue na nag re-request na siya naman ang aking yakapin pero inisnaban ko lang siya.
"Pero nay, baka pwede naman nating i-skip yung mga ganyang pang yayari " naka nguso ko pang saad na kinatawa muli ng mga naka dinig.
"Ay! di pwede nak... yun nga yung magandang parte ng istorya ehh" sagot ng aking nanay
BINABASA MO ANG
My Mate is a Nerd (Completed)
WerewolfBOOK 1: Unwanted Series ''Anong?! sa gwapo kong 'to! mukha akong kapre?!'' Loko itong aswang na 'to, tawagin daw ba akong kapre? ''Bakit ba para kang patay gutom na nakatanghod sa lamesa namin ha?! wala ka bang pang bili ng pagkain? doon ka sa bas...