♚CHAPTER 27♚

20.1K 562 10
                                    


Habang papalapit ako sa mesa, may ilang mga yumuyukod sa akin kahit pa hindi sila miyembro ng aming pack, na sinusuklian ko naman ng matamis na ngiti.

Tumingin ako sa paligid at talaga namang nag kaka sayahan ang lahat. Halos malula rin ako sa dami ng pag kain na naka hain pag ka lapit ko sa mesa.

Habang kumukuha ng inumin ay nakaramdam ako ng kaba.

Tumingin ako sa aking harap at pinag masdan ko ang masukal na gubat. Lumingon pa ako sa paligid ko at napansing ako lang ang nandirito at kumukuha ng maiinom. Halos lahat kasi ay nasa kaniya-kaniya nilang puwesto at nag kukwentuhan at nag tatawanan.

Pinag sa walang kibo ko na lang ang nadamang takot na bigla na lamang lumukob sa akin.

Nag patuloy pa rin ako sa pag kuha ng maiinom ng bigla na lang may lumapit sa akin at kumukuha ng kaniyang baso para mag salin din ng maiinom.

Hindi ko na siya tiningnan pa at ng paalis na ako ay nag salita siya.

"Luna Aphrodite" napalingon ako sa kaniya ng mag salita siya, tinitigan ko siya ng mabuti at masasabi kong hindi siya Alpha o kahit anong may mataas na tungkulin dahil mapapansin mo agad na wala siyang presensiya na tinataglay ng alpha gaya ni Blue o beta gaya ni Red. Kahit hindi siya sa akin naka tingin dahil ang atensiyon niya ay nasa mga inumin sa harap.

"Ano iyon?" may pag aalinlangan kong tanong, hindi na ako nag taka pa na kilala niya ako dahil may mga bumabati din naman sa akin na hindi galing sa aming pack. Pero iba ang nadarama ko sa lalaki na ito tila ba may nakaka kilabot siyang awra na dapat ko ng iwasan.

Unti-unti siyang tumingin sa akin at ganoon na lang ang kaba sa dibdib ko ng mapansin ang naka ngisi niyang mukha.

Aalis na sana ako ng mag salita siyang muli.

"Ang nakilala mong Ina ay isang tao" pag uumpisa niya, agad akong tumigil sa pag lalakad at muli siyang hinarap.

"Ano ang kailangan mo?" saad ko sa tinig na pilit kong pinapa tatag, kahit pa ang totoo ay nakaka dama na ako ng takot, lalong lumaki ang pag ngisi niya na nag lalong nag pa kaba sa kin.

"Hindi mo naman siguro gustong mapahamak ang kinagisnan mong ina, hindi ba Luna?" tanong niya, na nag pa mutla sigurado sa aking mukha.

Hindi na niya hinintay pa ang sagot ko at muling nag salita.

"Base sa reaksiyon mo ay sigurado kong ayaw mo siyang mapa hamak. Itong gubat na ito...." tumingin siya sa buong paligid, hindi ko alam bakit sa dami ng tao ay di pa kami napapansin kahit ng isa sa galing sa aking pack.

"Napapalibutan ito ng miyembro ng Crystal Pack" nanlaki ang mata ko sa nadinig ko ang ibig sabihin ay nandito sina Angel.

"Puwede kaming sumalakay dito, pero dahil maraming Alpha ang nandito binigyan kami ng utos na isa lang ang kailangan naming patayin....." saad niya ng may demonyong ngisi.

"Ang kinagisnan mong ina"

Pag ka dinig ko non ay tila biniyak ang puso ko sa sakit ng malaman kong mapapahamak ang aking nanay.

"A-no ba ang k-kailangan mo?" tanong ko kahit na alam ko na ang sagot sa sarili kong tanong.

"Ikaw Luna" saad niya

"G-gagawin ko ang lahat ng sabihin ni Angel, basta wag niyo lang saktan ang nanay ko" pag susumamo ko.

"Kung ganoon, sumunod ka sa akin ng walang makakapansin lalo na sa Alpha mo" nag lakad siya patungo sa liblib na lugar hanggang sa pumasok siya sa kagubatan. Kusang sumunod ang aking mga paa, bago ako pumasok ng tuluyan sa kagubatan ay nilingon ko pa ang kina roroonan ni Blue. Masaya itong nakikipag kuwentuhan kay Alpha Baste. Ito na siguro ang huling beses ko na makikita ko ang pinaka mamahal kong Mate.

My Mate is a Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon