♚CHAPTER 11♚

27.1K 646 42
                                    

Mitch_002 thanks 😊

●●●

Aphrodite's POV

''Opo ma pangako mag iingat ako dito, kayo din po ahh ma mi-miss ko kayo love you mwah mwah.'' ng matapos ang tawag ko sa aking mama ay naupo na ako sa isang upuang kahoy dito sa hardin.

Nang halughugin kong muli ang aking bag ay nakita ko ang aking cellphone kaya naman agad kong tinawagan si nanay.

Haisst' buti na lang napapayag ko ang aking ina na mag babakasyon ako ng biglaan, nung una ay ayaw pa niya dahil di kami sanay na mag kakalayo ng ilang araw pero nung sinabi kong nandito ang crush kong lalaki ay ora-orada ang pag payag nito. Oh diba' kung ibang nanay yon hindi papayag dahil may lalaking involve pero ang nanay ko ay kabaligtaran. Tatawagan na lang daw niya si Riza na pinsan ko para may makasama siya sa bahay. Well good luck na lang sa aking pinsan, siguradong matinding kwentuhan ang mararanasan niya sa aking nanay na malupit.

And about my work, siguro tawagan ko na lang din mamaya sina Sha, bahala na kung anong paliwanag ang masasabi ko.

Nag mununi-muni lang ako sa hardin ng maramdaman kong 'di na lang ako nag iisa.

Nilingon ko siya at nakita kong naka tayo siya di kalayuan sa akin habang naka pamulsa at mataman akong tinititigan.

Lumakad siya sa aking direksiyon habang di inaalis ang titig sa akin. Sigurado akong nangangamatis na ang mukha ko dahil sa kaniyang nakaka tunaw na tingin.

Nang makalapit na siya ay bahagya siyang ngumiti atsaka tumabi sa aking kinauupuan.

Oh my galunggong! bakit ba ganito tong lalaki na ito, umalis lang pag balik ganire na siya!

Para naman di awkward ay una na kong nag salita, dahil mukhang walang balak mag salita itong katabi ko.

''Ahmm... kamusta naman ang pakikipag harap mo sa Rogue?'' tanong ko para naman may mapag usapan kami.

Ramdam ko ang pag lingon nito sa akin kaya tiningnan ko rin siya. At sa ginawa kong iyon ay halos kapiraso na lang ang agwat ng aming mukha dahil bukod sa akin ito naka tingin ay naka yuko na din ito habang ako ay naka tingala ng bahagya.

Lumunok pa ako ng ilang beses bago ko binawi ang tingin ko.

''So may alam ka pala about Rogues'' komento neto.

''Siyempre naman napanood ko kaya yun ng ilang beses dahil paborito yun ni nanay, mahilig kasi siya sa mga ganoong klase ng palabas''

''Ha? may palabas tungkol sa mga rogue? ibig sabihin may iba ng nakaka alam na tao sa kanila?'' tanong nito kaya naman nilingon ko siyang muli.

Tumango lang ako at nag iisip kung sasabihin ko pa ba sa kaniya itong kaninang naiisip ko.

''Ahmm... so ano na natalo mo ba?'' tanong ko kahit na may pag tataka pa din ito base sa kaniyang itsura.

''Nope, not yet.'' sagot nito ng maka bawi sa kaniyang pag ka bigla kanina.

Nang marinig ko yun ay nanlumo ako.

''Tsk! sayang naman!'' napa pitik pa ako sa ere.

Tila na amuse naman ito sa aking sinabi.

''Really ng hihinayang ka na di ko siya natapos?'' amuse nitong wika.

''Siyempre, sayang din kaya ang balat non! magandang gawing bag.''

Napanganga ito sa sinabi ko na siyang pinag taka ko. Ano bang nakaka nganga sa sinabi ko? Ah baka ngayon lang din niya naisip na ang laking pera ng sinayang niya.

My Mate is a Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon