♚CHAPTER 20♚

23.5K 664 48
                                    

Hindi ko inaasahan na siya ang tutulong sa akin.

''J-jacob'' mahina kong bigkas.

Unti-unti siyang ngumiti sa akin at nag tangkang umupo mula sa pag kaka higa. Ngumiwi pa siya ng bahagya gawa ng mga tinamo niyang sugat.

''Dahan-dahan lang'' inalalayan ko siya na maka upo ng tuluyan at maka sandal sa pader.

Umiwas ako ng tingin ng mapag tantong wala siyang saplot.

''Ku-kunin ko lang yung kumot'' nag madali akong lumapit sa kama na pinag higaan ko at kinuha ang kumot.

Hanggang sa maiabot ko na ang kumot ay agad niyang tinakpan ang hindi dapat makita mahirap na baka maging bahay kubo na naman ang peg ko nito. Umupo akong muli sa tapat niya ng matitigan ko ang mga sugat niya ay naisip kong mag hanap ng medicine kit.

''Sandali lang ha'' paalam ko sa kaniya.

Pero bago ako maka tayo ay hinawakan niya ako.

''Saan ka pupunta? aalis ka na ba?'' mababakas ang lungkot sa kaniyang mukha.

''Hindi, kukuha lang ako ng pang gagamot sa mga sugat mo. Saan nga ba iyon nakalagay?''

Tila umaliwalas ang kaniyang mukha ng sabihin ko iyon, nginitian niya ako saka ako hinatak ng malumanay upang maupong muli sa kaniyang tapat.

''Wag ka ng mag abala pa, madali akong gagaling basta't nandito ka sa malapit''

Nag tataka man ay hindi na ako nag tanong pa at umupo na lamang ako sa kaniyang tapat.

''Uhmm' bakit mo ako iniligtas kay Xander? diba ikaw pa nga nag dala sa akin dito?'' tanong ko.

Itinaas niya ang kaniyang isang kamay at hinaplos ang aking pisngi.

Tila may kung ano akong naramdaman sa aking puso.

Naka titig lamang ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Ibinaba na niya ang kaniyang kamay at hinawakan niya ang aking kamay.

''Patawad kung ako pa ang nag dala sa kapahamakan mo, kung alam ko lang na ikaw ang aking-'' hindi niya itinuloy ang kaniyang sinasabi.

''Bakit di mo tinuloy?''

Umiling lamang siya at nakita ko ang lungkot na dumaan sa kaniyang mata, ngunit agad siyang ngumiti.

''Kaya kita tinulungan ay dahil sa nakita kong may mabuti kang puso. At tingin ko dapat ng matapos ang kahibangan ni Xander'' pag papaliwanag niya.

''Sana mapatawad mo ako''

Nginitian ko na lamang siya.

''Ikaw man ang nag dala sa akin sa kapahamakan, pero ikaw din ang nag ligtas sa akin na halos ikamatay mo pa kaya naman pinapatawad na kita''

Nabigla na lamang ako ng hatakin niya ako upang yakapin.

''Salamat, hindi mo alam kung gaano ako natakot na baka hindi mo ako mapatawad''

Natawa na lamang ako ng mahina saka ko siya sinuklian ng yakap.

''Ang O.A mo ha' hindi ako mapag tanim ng sama ng loob at marunong din akong tumanaw ng utang na loob''

Mag sasalita sana siyang muli ng bigla siyang bumitaw sa pag kakayakap sa akin.

Pag ka tingin ko sa kaniya ay tila galit siya sa kung ano mang bagay.

''May problema ba?'' Tanong ko sa kaniya, agad niya akong nilingon at muling ngumiti.

''Wala naman, kailangan ko ng umalis''

My Mate is a Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon