Aphrodite's Pov
Habang naka higa siya sa kaniyang kama ay inaalala niya ang mga pang yayari kanina lang.
Ang pag tatanggol ni Blue sa kaniya, ang kanilang unang i love you sa isa't-isa at higit sa lahat yung unang halik.
''Ieeeeeee!!! keshi nemen!!!'' labis-labis ang kilig ang nadarama ngayon ni Aphrodite.
''Ang first kiss ko!!!'' pigil ang tili niya, dahil ayaw naman niyang marinig siya ng mga lobo na para siyang sinasapian sa kilig. Ay hindi na nga pala first dahil sa Xander na yon.
Umayos siya ng upo saka hinawi ang ilang buhok na tumabing sa kaniyang mukha.
''Aphrodite! umayos ka! wag kang umaktong timang dahil naka tikim ka ng napakasarap na halik!'' pag kausap niya sa kaniyang sarili.
''Wag mong masyadong isipin ang malalambot at mapupulang labi niya!'' pangungumbinsi niya, pero maya-maya ay naalala na naman niya kaya muli siyang nag pagulong-gulong sa kaniyang higaan.
''iiiieeee! kesyelen mo to Blue!'' kala mo ay isang pasyenteng may sakit na epilepsy si Aphrodite gawa ng kaniyang pangingisay sa kaniyang sariling higaan.
''Luna!''
''Ay kabayo!'' biglang bumukas ang pinto kaya dali-dali siyang umayos ng upo at hinarap ang nag kukumahog na si Chelsie.
Agad siyang nilundag ni Chelsie saka siya niyakap ng mahigpit.
''Akala ko talaga napaano ka na, nag alala ako sayo Luna'' mangiyak-ngiyak na sabi ni Chelsie.
Napangiti si Aphrodite saka sinuklian ang yakap ni Chelsie.
''Pasensya na kung pinag alala ko kayo''
Kumalas ng yakap si Chelsie saka siya hinarap. Kita niya ang pamumugto ng mga mata nito na tanda ng kanina pa nito na pag iyak.
''Akala ko talaga di ka na babalik, kung may ng yaring masama sayo hindi ko talaga mapapatawad si Alpha Blue at higit sa lahat ang bruha na iyon!'' gigil na saad ni Chelsie
''Wag ka ng magalit kay Blue, nag paliwanag na siya sa akin kung bakit niya nasabi iyon.
''Nag kulong lang ako sa aking kwarto ng malaman ko ang ginawa mong pag alis. Hindi kasi nila ako pinayagang sumama sa pag hahanap sa iyo. Nalaman ko kay Beta Red ang ng yari kaya ka umalis, nakaramdam ako ng galit kay Alpha dahil nasabi niya sa iyo yon.''
Na touch naman si Aphrodite, hindi niya akalain na ganito ang magiging reaksiyon ni Chelsie gayong sandali pa lang sila nag kaka kilala.
''Salamat Chelsie ha,'' yun lamang ang kaniyang nasabi saka niya muling niyakap si Chelsie na sinuklian naman din nito ng mahigpit na yakap.
Ng mag kalas silang muli sa kanilang yakap. Ay nag taka si Aphrodite na tila di man lang nito napuna ang bago niyang ayos.
''ahm' Chelsie wala ka bang napapansin?'' tanong niya.
Tinitigan lang siya nito saka sumagot.
''Ang alin?'' takang tanong din naman nito.
''Ito'' saka niya tinuro ang kaniyang buhok at mukha.
''Ahh, yun ba... Halos wala namang nag bago ganoon pa din''
Nanlaki ang mata ni Aphrodite, tila di man lang ba nag bago ang itsura ko sa paningin niya.
''Pangit pa din ako sa paningin mo?'' tanong niya na ikinangiti ni Chelsie, umiling ito saka hinawakan ang kaniyang kamay.
''Noon pa man maganda ka na sa paningin ko Luna, kaya walang nag bago''
BINABASA MO ANG
My Mate is a Nerd (Completed)
WerewolfBOOK 1: Unwanted Series ''Anong?! sa gwapo kong 'to! mukha akong kapre?!'' Loko itong aswang na 'to, tawagin daw ba akong kapre? ''Bakit ba para kang patay gutom na nakatanghod sa lamesa namin ha?! wala ka bang pang bili ng pagkain? doon ka sa bas...