Habang pabalik ako sa aking silid ay naalala ko ang naging reaksiyon ni Blue ng tanungin ko kung tanggap ba nya ang pagiging mag mate namin.Ang engot ko kasi kainis! alam ko na ngang ganito ang itsura ko nag tanong pa talaga ako. Sino ba naman ang mag kakagusto sa isang tulad ko?
Pero masama ba ang umasa?
Natuwa lang naman ako ng malaman ko kay Chelsie ang tungkol sa mate na yun. Akala ko talaga ay kahit papano may pag tingin siya sa akin dahil nag bago ang pakikitungo niya sa akin.
Dahil kung ako ang tatanungin, kahit na ilang araw pa lang kami nag kasama...
nahuhulog na ang loob ko sa kaniya.
''Haisst'' napa buntong hininga na lamang ako,
''Luna?'' napukaw ang atensiyon ko ng may mag salita sa aking harap.
''Oh' ikaw pala Chelsie'' pilit kong pinasaya ang aking tinig, ayokong mahalata niya ang nadarama kong lungkot.
''Tapos na pala kayong mag usap ni Alpha'' naka ngiting saad nito.
Lalo siyang gumaganda sa ginawa niyang pag ngiti, buti pa siya kahit sino mahuhumaling sa kaniya. At tiyak ako na pag nakita na niya ang kaniyang mate ay sigurado akong di 'to mag dadalawang isip na tanggapin agad siya.
''Samahan na kita papunta sa iyong silid Luna'' tumango na lamang ako bilang pag sang ayon. Gusto ko pa sanang mag biro na di na ako batang paslit na maliligaw sa ganito kalaking bahay pero dahil sa nadarama ko ngayon ay mas gugustuhin ko na lamang manahimik at mag mukmok sa silid.
Pag dating sa silid ko ay pinag buksan niya pa ako ng pinto, kaya ginantihan ko na lang siya ng ngiti.
Akala ko pag ka hatid niya sa akin ay aalis na siya pero hindi, pumasok pa siya sa aking silid at isinarado ang pinto.
''Ahmm, naihatid mo na ko diba? siguro naman di na ko maliligaw sa kwarto na ito, kasi tanaw ko na yung kama ohh'' sabay turo ko sa kama na nasa gitna ng silid sinubukan ko pang mag biro para naman hind niya mapansin ang lungkot na nadarama ko.
Umupo ito sa isang upuan na naroon sa silid.
''Ngayon Luna, nasa silid mo na tayo. Maari mo na bang sabihin kung bakit ka malungkot?''
Nabigla ako ng bahagya sa sinabi niya, akala ko maigi kong naitago ang kalungkutang nadarama ko.
''He-he ano ba sinasabi mo Chelsie? naku itulog mo na lang yan ng tumangkad ka pa''
Ngumiti siya ng may simpatya sa kanyang mukha.
''Alam kong may dinaramdam ka Luna, maari mo itong sabihin sa akin. Makaka tulong iyon para gumaan ang pakiramdam mo''
Mukhang di ako uubrang mag sinungaling sa babae na ito kaya naman naupo ako sa gilid ng aking kama at huminga ng malalim.
''Hindi ako, nababagay na maging mate ni Blue at higit sa lahat ang maging Luna ninyo'' nakayuko ako habang sinasabi ko iyon dahil pakiramdam ko mag tataksil ang aking mga mata at ibubuhos nito ang emosyon na kanina ko pa pinipigil.
Naramdaman ko ang pag tayo ni Chelsie, lumapit siya sa akin at tumabi sa aking kinauupan. Hinawakan niya ang aking kamay na nakapatong sa aking hita.
''Aphrodite'' pag tawag niya sa akin. Tiningnan ko siya at nakita ko ang isang magandang mukha na walang bahid ng panghuhusga.
''Walang ibang nararapat na Luna sa amin kung hindi ikaw lamang. Alam kong napaka maikling panahon pa lamang ang pamamalagi mo dito ngunit, alam naming mga nandirito na mabuti kang tao. Alam kong nararamdaman din iyon ni Alpha Blue, pero hindi nya lang masabi dahil malamang nangingibabaw ang pride niya. Pero kahit sino mang werewolf na may mate mapa alpha man o rogue ay alam ang importansiya ng kanilang mate.''
BINABASA MO ANG
My Mate is a Nerd (Completed)
WerewolfBOOK 1: Unwanted Series ''Anong?! sa gwapo kong 'to! mukha akong kapre?!'' Loko itong aswang na 'to, tawagin daw ba akong kapre? ''Bakit ba para kang patay gutom na nakatanghod sa lamesa namin ha?! wala ka bang pang bili ng pagkain? doon ka sa bas...