"Do what is right, and do it now."
-Atul Gawande, Better: A Surgeon's Notes on Performance***
Doc Sungit
JERYL's PoV
"Goodmorning Doc!" Salubong sa akin ng assistant ko.
I nodded. Ngini-ngitian ako ng mga nakakasalubong namin. May tila kinikilig pa. They should act professionally. Lahat na lang ba ng babae dito ngingitian ako? Lahat na lang ba sila ay may gusto sa akin? Kahit may asawa na? Kinalibutan ako sa huling naisip ko.
Napahinto ako sa paglalakad dahil biglang may sumagi sa isip ko, hindi ko alam ang pangalan ng assistant ko. I remembered he introduced himself to me yesterday but I guess I didn't pay attention.
"May problema po ba?" Nagtatakang tanong nya.
Sinenyas ko syang lumapit sa akin. Mabilis syang nakarating sa harapan ko. "Yes, Doc?"
"What's your name?" I asked.
Halatang nagulat sya sa tinanong ko pero ngumiti ito. "Ryan San Juan, Doc." He answered
"Ok." Naglakad na ako patungo sa elevator. Akmang pipindutin ko ang down arrow button nang may pumindot nito. Nakita kong si Ryan ito.
Pagpasok namin sa elevator ay tanging kaming dalawa lang ang lulan. I can feel he's looking at me. "Mind to share what's on your mind while looking at me?" Tanong ko.
Bahagya syang naubo. "Pasensya na Doc. Hindi ko lang maiwasan na tignan ka. Sa totoo lang ho, idol kasi kita. Alam mo ho ba na iniidolo ka ng lahat ng residence doctor dito? I'm just thinking that I'm lucky to be your assistant." He sincerely said.
"Don't idolized me. I'm not exactly what you think I am." I said. Tinignan ko sya na tila nag-iisip. "How's Mr.Kim? Have you checked him?" Tanong ko.
Nataranta syang tumingin sa akin. Ganun ba dapat kalalim isipin ang sinabi ko? "He's still unconscious but stable lahat ng vital signs niya." He answered.
Good. Atleast he's okay.
Pagdating namin sa 14th floor ay nakasalubong ko sila Harry at Jade na paalis na. Malayo ang tingin ni Jade habang akay akay sya ni Harry.
"She insisted to go home." Sabi ni Harry habang nakatingin lang ako kay Jade.
"Jade..." Tawag ko sa kanya. Dahan dahan nya ako tinignan. Lumapit ako sa kanya. She's looking at me blankly. "Are you really feeling alright? You can stay-" she cut me off.
"You're finally back." Payak syang ngumiti. Siguro hindi nya ako napansin kahapon pagkagising nya. "Kuya..." Pagkasambit nya ay mabilis nya akong niyakap. Rinig ko na ang pag-iyak nya. Napakahigpit ng yakap. Hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil ramdam ko ang paghihirap nya. "Wala na ang baby ko."
I hug her back. "Everything's gonna be okay." Hinaplos ko ang likod nya.
"Ang sakit, Kuya." She cried.
Napasandal si Harry sa pader habang diretso lang ang tingin. Ano ba ang dapat kong gawin para pareho na sila maging okay?
"Shhhh" pagpapatahan ko. Iniharap ko sya sa akin hawak ang kanyang magkabilang pisngi. "I'll visit you everyday. You need to promise me you'll be okay. Don't make ridiculous. Listen to your husband, huh?" Sabi ko habang pinupunasan ang basa nyang pisngi gamit ang hintuturo ko.
Dahan dahan syang tumango. Hinalikan ko sya muli sa ulo bago binalingan si Harry. "Please bear with her." Pakiusap ko.
Lumapit sya sa amin. "Yes bro."