ScaredCHRISTINE's PoV
Habang binabaybay namin ang south bound ay tila normal lang naman ang paligid. Pakiramdam ko false alarm ang lahat. Wala naman kakaibang sumusunod sa amin. Sa dami ng nakapalibot sa sasakyan namin ay sino ang magtatangkang patayin ako?
Sinulyapan ko si Kuya Arc na seryoso lang ang tingin sa daan habang nagmamaneho.
Si Kuya Arc naman ay may kausap atang babae sa cellphone dahil dinid na dinig ko ang tawag niya na 'BABE'.
Samantala itong katabi ko ay nakapikit lang habang diretso ang upong pambabae. Nakasandal ang ulo sa backrest ng upuan. Muli ako nakaramdam ng pagkainis sa taong ito dahil nag-aasar siya kanina. Tama ba naman gawin niyang biro na bagay daw ang doktor at arkitek. Kung nasa ibang sitwasyon lang kami ay alam kong mananaig ang kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero hindi. Lalo pa't maraming bumabagabag sa akin. Marami akong dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa nararamdaman ko para sa kanya. Malay ko, ito ang paraan para hindi ako tuluyang mahulog sa kanya.
Malapit na kami sa tole gate nang may putok ng baril ang umalingaw-ngaw sa paligid. Napatingin ako sa unahan ngunit mabilis na iniyuko ni Kuya Adrian ang ulo ko.
"Yumuko ka lang!" inis na sigaw niya sa akin.
Tinapik ko ang kamay niya na hawak ang ulo ko.
"Oo na." pagpipigil ko ng inis sa ginawa niya.
Mabuti naman at binitawan niya ako at naupo ako ng maayos para ayusin ang buhok ko.
"Diretso lang." ma-otoridad na sabi ni Kuya Arc sa kausap sa bluetooth earpiece niya. "If they'll block, pull the trigger, instead." dugtong niya na tumambol sa aking dibdib.
Pagdating namin sa tole gate ay may pinakitang itim na card si Kuya Arc sa babae at mabilis kami pinadaan. Hindi kami nagbayad ng tole gate fee!
"If you heard a gun shot, just duck Christine." utos ni Kuya Arc.
"O-okay." nautal kong sagot.
"Where's all your men, J? They must be here now." pag-usisa ni Kuya Adrian kay Doc Sungit.
Nilingon ko si Doc Sungit. Dumilat ito habang seryosong nakatingin sa labas ng bintana. "I think so too." buntong hininga niyang tugon.
Bumuntong hininga si Kuya Adrian. "I'm counting on you, J." seryosong sabi ni Kuya Adrian sa kaibigan.
"What the!" sigaw ni Kuya Arc nang sunud sunod na pinagbabaril ang sasakyan namin.
Mabilis ako iniyuko ni Doc Sungit. "Cover your ears. Close your eyes. Don't you dare disobey me." matigas niyang sabi sa akin.
Sinulyapan ko siya at gano'n na lamang ang gulat ko ng sobrang lapit ng mukha namin. Naagaw ng atensyon ko ang hawak niyang baril.
"O-okay." nautal kong usal habang nakatingin sa baril.
Ipinikit ko ang mga mata ko sabay tinakpan ang magkabilang tenga habang nakayuko lamang. Rinig na rinig ko ang putok ng mga baril at ingay ng ugong ng mga sasakyan. Nangangatog ang mga tuhod ko. Gusto kong silipin ang mga ginagawa ng mga kasama ko ngunit natatakot ako. Halos marinig ko na ang sariling tibok ng puso ko na tila tinatambol dahil sa kaba.
"Arc, wala na bang ibibilis yan?!" sigaw ni Kuya Adrian.
Hindi nagsalita si Kuya Arc ngunit naramdaman ko ang biglang pagbilis ng sasakyan na tila may hinahabol. Nag-angat ako ng tingin, nakikipagpalitan ng putok ng baril si Kuya Adrian at Doc Sungit mula sa bintana.