H12

308 12 0
                                    

CHRISTINE's PoV



Inis kong pinunasan ang parehong kong pisngi. Napaka-iyakin ko talaga lately. Eto ba ang sinasabi ni Ced na bully ako noon? Napasimangot ako habang nakatingin sa kalangitan. Hindi ko na tuloy na-enjoy ang sunset. Ayaw ko man umalis muna ay madilim na ang paligid. Hindi naman sa takot ako sa dilim kaso paano na lang pag may shokoy na bigla na lang lumitaw, hindi ba? Tapos gagawin niya akong reyna niya. Nagtaasan ang balahibo ko sa naiisip ko. Mabilis ako lumayo sa dagat at nagmadaling tinahak ang daan pabalik sa villa. Hindi naman ako nahirapan makita ang daan pabalik dahil napakaliwanag ng labas ng villa, idagdag pa na kulay puti ang istraktura, talagang magliliwanag ang paligid. Habang papalapit ako rito ay siyang pagbagal ng bawat hakbang ko. Marami akong katanungan na handa ko ng alamin ang sagot ngunit natatakot ako na tila hindi ko kayang tanggapin ang maaaring kasagutan. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o iintindihin na lamang sila. Papakinggan at hahayaan na lang ba sila? Magpapanggap na wala akong alam?




Mula sa kinakatayuan ko na katabi ng puno ng niyog ay naagaw ng pansin ko ang isang sasakyan na kulay itim na dumating. Napatingin ako sa dalawang tao na sabay na bumaba. Isang lalaki at isang babae. Parang pamilyar sila sa akin kaya sinundan ko sila ng tingin hanggang sa pumasok sila sa villa. Mas lalong ayaw ko atang bumalik muna sa loob. Pero saan naman ako pupunta? Madilim na rito sa tabi ng dagat.

Tumingin ako sa gawi ng mga nakagaraheng sasakyan. Wala ang sasakyan ni Doc Sungit. Iyon siguro ang ginamit nilang tatlo sa boy's out daw. Mukhang wala akong magagawa kundi ang bumalik na lang sa loob at magkunwaring walang alam?

Huminga ako ng malalim bago humakbang muli pero napatingin muli ako sa garahe kung saan ang kulay itim na sasakyan ni Kuya Adrian. Saglit ko tinitigan at nagpalinga linga sa paligid kung may tao. Napangisi ako sa ideyang pumasok sa isipan ko. Ayaw ko bumalik sa loob, then, shall I leave for a moment? Mabilis akong tumakbo at binuksan ang pinto ng oto ni Kuya. Napangiti ako ng hindi ito naka-lock. Hindi na ako nagtaka kung nasa start engine ang susi. Ito ang ugaling hindi maalis alis ni Kuya Adrian, hindi niya ugaling tinatanggal ang susi sa start engine. Mabuti na lamang ay hindi pa nananakaw ang mga ginagamit niyang oto.

Pinaandar ko na ang kotse at mabilis na pinaharurot ito palabas ng villa. "Christine, what's great on Kuya Adrian's bad habbit? It's helpful sometimes." hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang kinakausap ang aking sarili.




Binaba ko ang glass window at nilabas ang isang kamay ko habang dumadampi ang malamig na simoy ng hangin rito. Ang daang palabas ang may kahabaan mula sa highway na napapagiliran ng malalaking puno sa magkabilang bahagi ng daan kung saan may mga light post sa bawat pagitan ng dalawang puno.

Pagdating ko sa highway ay nagdesisyon pa ako kung left or right lane ba ang tatahakin ko. Nang may dumaan na pick up kung saan may lulan itong mga kabataan habang sinisigaw ang 'PARTY here we come!' ay mabilis ko sila sinundan.



"Party, huh?" bulong ko sa aking sarili. Wala naman masama kung maki-party ako. Pero wala pala akong dalang pera. Napatingin ako sa dashboard at binuksan ito. Hindi ako nagkamali na nandito ang mga credit card niya at ilang cash. "Burara talaga kahit kailangan." sabi ko habang isa isa binubulsa ang mga ito.

Wala naman siguro masama sa itsura ko. Gabi naman kaya okay na ito. Maganda naman ako kaya hindi mapapansin ang suot ko.

Huminto ang pick up sa harap ng isang bar. Wala na akong sinayang na segundo at naghanap ng parking space.

Pagbaba ko ay dumeretso na ako sa loob. Medyo maaga pa para sa mga party goers pero marami ng tao. Dumadagundong ang malakas na musika habang may mga nagsasayawan sa gitna.  Nakipagsiksikan pa ako para lang makapunta sa bar counter. Karamihan sa mga nandito ay nakasuot ng tulad ng suot ko. Siguro nasa isang resort din sila at naisipang mag-bar. Ang iba naman ay naka-beach outfit na halos kita na ang dapat hindi makita.



HEARTLESS DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon