H16

292 13 12
                                    

WARNING!

THIS CHAPTER IS LONG ENOUGH TO MAKE YOUR BUTT NUMB ON READING, PLUS, BEAR WITH MY GRAMMARS! THANK YOU!

ENJOY READING!



***

SEEKING FOR TRUTH



CHRISTINE's PoV

"Miss Kim, he's on the line." nagkukumahog na sabi ni Niko.

"Tell him, I'm busy." walang ganang sabi ko.

"I already told him... for the... 5th time, Miss Kim." nag-aalinlangang turan niya sa akin.

Binitawan ko ang lapis na hawak ko bago nilingon si Niko. "Tell him, I'm still busy. And I will always be busy." nakangiting sabi ko.

Napakamot siya sa batok. "But Miss Kim, he said you should talk to him now or he'll file a case. The contract with Mr. Cayetano was effective last week. You declined 3 meetings, 10 calls. In short-"

"Fine." naiinis na sabi ko dahilan para 'di niya maituloy ang sasabihin. Nagulat siya sa biglang pagtaas ng boses ko. Huminga ako ng malalim. "Tell him, I'll call him tonight." mahinahon na dugtong ko.

"Actually, he said now." mahinang tugon ni Niko.

Tumaas ang kanang kilay ko. Napaka-demanding talaga ng taong iyon. Akala mo kung sinong...sinong lalaki!

Bago pa kung ano ang masabi ko ay tumayo na ako at inangat ang receiver ng telepono. "What in the world do you want, Doc Cayetano?" tiim bagang tanong ko sa kabilang linya.

Rinig ko ang pagsinghal nya bago nagsalita. "What's your plan, Architect Kim? I was waiting for a week for your report regarding with my bar but it seems that you're ignoring and rejecting my calls and even appointments with you." sabi niya na may halong inis at pagka-irita.

Napatingin ako kay Niko na nagpaalm na para lumabas. Tumango na lamang ako. "I'm busy. And about your bar, I'm working on it. I'll set an appointment with you when I'm finish. I need time, Doc." malumanay kong paliwanag.

"For a week, you're not yet done even it's floor plan? Are you kiddin' me?" sarkastikong aniya.

Mariin akong pumikit habang kagat ang ibabang labi ko. Kung gaano siya kasungit ay gano'n rin siya ka-arogante.

Lihim akong huminga ng malalim. "When do you want to see the floor plan, Doc?" pormal kong tanong.

"Tonight. 7:00 pm." sagot niya.

"Hindi ako pwede mamayang gabi. Tomorrow. 8:00 am sharp." sabi ko.

"Then cancel whatever your plan tonight. See you." mabilis niyang sabi bago ako binabaan ng telepono.

Padabog ko binaba ang receiver ng telepono at masamang tinitigan na tila si Doc Sungit ito. Mahigit tatlong linggo na no'ong umuwi kami galing sa resort nila at ang araw na walang pakundangan niya akong hinalikan ng walang paliwanag! Pagkatapos niya akong yakapin at binitawan ang mga salitang nag-iwan ng katanungan sa akin ay bigla na lamang niya ako iniwan. Naiwan akong tulala. Gusto ko siyang sigawan noon ngunit masyado akong nadala sa nangyari.

It was like I was under his spell. And I hate myself for being stupid that time. I should pushed him. I shouldn't allowed him!

Sa loob ng tatlong linggo ay ginugol ko ang aking sarili sa trabaho. Natapos ko na ang floor plan ng bar ni Doc Sungit, kahit ang interior design ay nasimulan ko na. Ang exterior design ay patapos na. Kung makapag-demand siya ay akala mo kung sino. Hindi ko lang alam kung paano makikipagkita sa kanya lalo pa't napakalaki pa rin ng epekto sa akin ng ginagawa niya. Ako pa talaga ang nahiya sa ginawa niya. Tss.

HEARTLESS DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon