H6

395 15 0
                                    


Sorry guys kung napakatagal ng update. Busy lang talaga ako... 😊
Eto sinikap ko mag-update... 😂😂 at TWO CHAPTERS ANG UDATED NGAYON. 😊 but EXPECT ERRORS PO, tho minimal errors lang naman po. Thank you sa unawa. 😊

PS.

CONGRATULATIONS TO chrstnecruz dahil DL (dean's lister) po sya sa PUP as Architecture Student! I love you, alam mo yan! 😍 Pa-balot ka na please! 😂😂😂



***

Maybe

Christine's PoV

"Are you sure you're okay?" Tanong ko kay Papapi habang pababa kami ng hagdan kung saan naghihintay ang mga bisita sa baba.

Tumango ito sabay ngumiti. "I'm healed and strong enough, lady." Sabi nya.

I 'tss'. "Siguraduhin mo lang po." May pagbabanta sa boses ko.

"Stop being nagger. Kaya walang may balak ligawan ka." He teased.

Napasimangot ako. "Hindi ako nagger."

"Ernesto, stop teasing her. " Sabi naman ni Mamami sabay ngiti sa akin.

"I'm not." He said with a wide smile.

"Let's give this moment to him, Mama." I giggled.

Pinagitnaan namin si Papapi habang pababa. Simpleng itim na polo shirt at puting short ang suot ni Papapi habang floral red dress hanggang tuhod lamang naman si Mamami. Nasa gitna na kami ng hagdanan at kita ko na ang mga bisita na nakangiting nakatingin sa amin. Simpleng gathering lamang ang pinaghandaan namin dito sa bahay. Isang simpleng thanks giving para sa matagumpay na operasyon ni Papapi. Para sa bagong buhay nya na pinagkaloob ng Panginoon.

Pagdating namin sa baba ay sinalubong kami ng mga kamag-anak namin, mga kaibigan at malapit na mga kakilala. Tumungo kami sa hardin pagkatapos ng maikling kamustahan. A dinner in the garden is a good idea. Simple lamang ang ayos ng hardin. Dalawang mahabang dinning table na kasya ang 30 na tao. Pumwesto kami sa unahan kung saan may upuang nakalaan para kay Papapi. Umupo kami ni Mamami sa magkabilaang lamesa. Parang letter U ang form ng table. Pumwesto na rin ang mga bwisita sa kanilang upuan. Napatingin ako sa kaliwa ko kung saan may naniko sa akin. I rolled my eyes. I heard him chuckled.

"No more long speech. Let's enjoy this night. Magkwentuhan tayo!" Masiglang sabi ni Papapi.
Sunud sunod na masibagong palakpakan ang narinig. "Brace yourself." He added at sinenyas na maupo na.

Nangibabaw ang malamyong musika habang isa-isa inahahain ang mga pagkain sa harapan namin. Nabigyan ko ng pagkakataon ang sarili ko na tignan ang mga bisita. Halos lahat sa kanila ay parte ng Kim Clan. Isang half Korean si Papapi. Kaya maraming nagsasabi sa akin na mukha akong koryana. Nandito rin ang ilang member ng shareholders ng EVE. Nandito rin ang may-ari ng CAHospital na si Doctor Cayetano. Napatingin ako kay President Cayetano na may kausap sa cellphone nito. Nasa kanang bahagi sya ni Papapi sa pinakaunahan. Katabi ko si Mamami na sa kaliwa ni Papapi sa pinakaunahan. Magkaharap sila Mamami at President Cayetano may bakanteng upuan naman sa tabi nito.

Napatingin ako sa katabi ko nang may biglang sumundot sa tagiliran ko. Pinandilatan ko ng mga mata ang pinsan ko dahil muntik na akong mapatili. Si Kuya Adrian. Katabi nya ang mga magulang nya na sila Tita Monica at Tito Lucas na bagong dating lang. Ang alam ko ay aalis na naman sila susunod na buwan. Maiiwan na naman si Kuya Adrian dito.

"May hinahanap ka ba?" Tanong nya sa akin habang nakangisi.

Napatingin ako sa paligid. "Wala naman" walang ganang sabi ko.

HEARTLESS DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon