H9

368 11 0
                                    


Pulse

CHRISTINE's PoV

Binitawan nya ang kamay ko pagkatawid namin. Hindi ako nakapagsalita hanggang sa nakarating kami sa dating inupuan namin noon sa ilalim ng malaking puno. Naupo kami sa magkabilang dulo ng bench. Nakaupong pambabae sya habang nakaupo ako ng tuwid. Bakit parang nararamdaman ko pa rin ang kamay nya sa pulsuhan ko? Oo nga pala, the pulse in the wrist is connected to the heart. Kaya ba nasabi niya iyon? Ngayon alam nya na kinakabahan ako. Doctor pala sya sa puso. Para pati pintig ng pulso ko ay alam niya kung gaano ito nagiging abnormal dahil sa kanya.

"About the bar," panimula nya dahilan para bumalik ako sa katinuan. Humigop ako ng kape. Bagay na iiwasan ko nang inumin pag siya ang kasama ko. "Make it simple but elegant. Ikaw na ang bahala sa lahat. Iyon lang tanging gusto ko." dugtong nya.


"Ok." Tanging tugon ko habang pinapakalma ang sarili.

"What's wrong with you, lately?" Nagtatakha nyang tanong dahilan para lingunin ko siya. Nakakunot ang noo habang nakataas ng bahagya ang kaliwang kilay.

Alinlangan ako ngumiti. "May mali ba sa akin?" Tanong ko.

Saglit nya ako tinitigan bagay na ikinailang ko pero nagawa ko pa rin labanan ang mga ito. Umiwas siya ng tingin. "Nevermind." Aniya sa malamig na boses.

Binalik ko ang atensyon ko sa hawak kong kape. Unti unti na nawawala ang init nito. Mahabang katahimikan muli ang namahani sa pagitan namin. Ano kaya ang iniisip nya ngayon? Sana naman kahit isang beses lamang ay maramdaman o mabasa ko man lang ang naiisip nya. He's too unreadable person. Kahit siguro ilang taon ko na sya makakausap ay hindi ko pa rin mababasa ang iniisip nya.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya kinuha ko ito mula sa loob ng bag. It's a message from Papapi. May family dinner daw kaming dadaluhan ngayong gabi kaya dapat daw akong maaga umuwi. I replied 'Ok po.' Ibabalik ko na sana sa bag ko ang cellphone ko nang tumunog ito. It's unregistered number. Napatingin ako kay Doc Sungit na napatingin sa cellphone ko kaya sinagot ko na lamang ito. Hinintay kong magsalita ang nasa kabilang linya.

"Tine, it's me." boses sa kabilang linya."May we talk." Dugtong nya.

"Sorry ho. Wrong number po kayo." mabilis kong binaba ang telepono.

"Prank caller?" tanong ni Doc Sungit.

I wish.

"Oo" sagot ko. "Alam nila pangalan ko pero di ko sila kilala." dugtong ko.

"Baka stalker."

Sabay kami napalingon ni Doc Sungit sa pinanggalingan ng boses. Isang doktora. Kilala ko sya. Sya ang doktorang simpleng maganda. Nakangiti itong naupo sa gitna at naupo tulad ni Doc Sungit.

"Hi. You look familiar." baling nya sa akin. Saglit sya nag-isip na tila tinatandaan kung saan nya ako nakita. Napa-'Ah' sya sabay pumitik pa sa kawalan. "Ikaw si Christine Kim. You designed my sister's house. Pwede mo ba ako gawan ng mas maganda roon?" nakangiting sabi nya sabay pinagsaklob pa ang parehong palad nya na tila nagmamakaawa. Nag-beautiful eyes pa. She's adorable.

Magsasalita sana ako nang sumingit si Doc Sungit. "Doc Augustin, hire someone else." sabi niya.

Sinamaan sya ng tingin ng doktora. "Bakit? Siya ang gusto ko. Mind your own business." pagtataray nito kay Doc Sungit.

"Exactly, she's my business so, back off." hasik nya rito.

Ngumisi si Doc Augustin sa kanya. "While having a coffee together?" tanong nya kay Doc Sungit.

HEARTLESS DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon