H19

336 11 3
                                    


CHRISTINE'S POV

Mahigpit ang hawak ko sa aking cellphone habang tinatahak ang mahabang pasilyo patungo sa opisina ni Doc Sungit. Hindi ako natutuwa sa nangyayari. Hindi makatarungan ang nais niya dahil lang sa sarili niyang kagustuhan. Paano ang opinyon ko? Pa'no ang karapatan ko? Hindi lang pumayag si Papapi sa gusto niya no'ng kinausap niya ito three days ago ay eto ang back up plan nya?! That man is really getting into my nerves!

After that night three days ago, he's been the most jerk person I've ever known in my entire life. Why? Simply because he stayed in my office for three days. Wala raw siya ginagawa rito sa ospital kaya naisip niyang pumunta sa opisana ko para sa dalawang bagay daw. Una, para makita niya raw ng personal na ginagawa ko ang trabaho ko. Pangalawa, para makatulong daw ang prisensya nya para makaalala ko. Pag araw-araw ko raw siya makikita ay may posibilidad na unti-unting babalik ang alaala ko. But it never happened! Dahil tatlong araw ako na-bwisit sa pagiging arogante nya. Nakailang palit ako ng interior design plot para sa bar nya. Nakailang rejection ang natanggap ko sa kanya. And now, he's really ruining my life!

Malakas kong binuksan ang pinto ng kanyang opisina. Umangat ang kanang kilay niya habang nakatingin sa akin. Kita ko ang pag-igting ng panga niya na siyang dumagdag sa inis ko. “What brings you here?” kaswal na tanong niya bago binalik ang tingin sa monitor ng laptop niya.

Taas noo akong nakatayo sa harapan niya habang pinapakalma ang sarili. Alam kong walang magagawa ang galit ko. I composed myself. “Ano ang tumatakbo dyan sa isip mo para idamay mo pa ako?” tanong ko.

“Idamay saan?” walang ganang tanong niya habang tutok na tutok pa rin sa laptop.

Napabuga ako ng hininga dahil sa inaasta niya! “Alam mo ang ibig kong sabihin.” matigas kong sabi.

“Ayaw mo ba?” tanong niya nang di man lang ako tinitignan.

“Ano?” wala sa sarili kong tanong.

“Ayaw mo ba?” pag-uulit niya.

“Sino ba ang arkitektong gustong magtrabaho dito sa ospital?” pagtataray ko.

“I don't know.” sagot niya sabay sulyap sa akin.

“Ha!” di ko napigil hindi mapabuga muli ng hangin. “Pinapangunahan mo ba talaga ang mga tao sa paligid mo without their consent?” walang gana kong tanong.

Nakita kong napatitig siya sa monitor ng laptop ng ilang segundo. Humigpit muli ang hawak ko sa cellphone ko na nag-vibrate. Hindi ko alam kung nagsisisi ba ako sa tanong ko o sinisi ko ang bibig ko. Nang tinignan niya ako ay blangko ang kanyang mukha. Gusto ko man umiwas ng tingin pero di ko nagawa. Kailangan ko panindigan ang katapangan ko na kung saan ko man nakuha. Ngunit alam kong hindi natutuwa ang taong nakaupo sa harapan ko. Kaso hindi rin naman nakakatuwa na dito dapat ako magtrabaho. I'm an Architect and hospital is not a proper work place for me!

“If you don't want to work here, it's fine. Leave.” malumanay niyang sabi na may halong malamig ang mga mata. "I wont force you." dugtong nya.

Hindi ako nakapagsalita sa narinig ko. He's pushing me away. No, he wants me to leave. It's somehow painful in my part. Wala man ako maalala kung ga'no at pa'no ako bilang Christine noon ay alam kong gusto ko siya bilang Christine ngayon. He's treating me as who I am right now.

"Wow." usal ko. Tumaas ang isang kilay  niya. "You're making things worst." asik ko habang masama ko siyang tinitignan ngunit balewala lamang sa kanya.

"I'm at my worst, then expect things at worst." walang ganang sabi niya.

Arogante na masungit talaga!

HEARTLESS DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon