H34

106 1 0
                                    

CHRISTINE

Baliw na ba ako? tanong ko sa sarili habang nakatingin sa kabuuang imahe ko sa salamin. I feel so happy that I can't express myself. A type of happiness that so hard to describe. Iyong masaya ka dahil masaya ka. 

"Are you really okay?" tanong ni Frances sabay hawak sa magkabilang balikat ko mula sa likod.

"Oo naman." sagot ko.

Tumaas ang kanang kilay niya. "You know what, I know and understand that you're excited and nervous at the same time but can you please relax?" sabi niya na ikinangiti ko. "In love ang gaga." bulong niya pero rinig ko naman.

Pinagmasdan ko ang aking sarili muli sa salamin. Am I still dreaming? Na kaka-amused of seeing myself wearing my wedding dress. Si Jeryl ang pumili nito kaya mas dumagdag sa saya ko. Minsan lang ikasal ang babae, make it memorable. 

"Makita ka lang ni Jeryl ngayon, tutulo laway nun." sabi ni Francheska.

"Talaga?" natawang pagkatanong ko.

Simula noong gabi na may nangyari sa amin. Mas naging maingat at maalaga si Jeryl sa akin. Minadali na niya ang araw ng kasal namin. Dahil gusto niya magkasama na kami araw-araw. 

"Tapos na kaya ang mga lalaki?" tanong ni Frances habang inaalalayan ako sa pagtanggal ng suot ko.

"Baka tapos na." sagot ko.

Kinuha ko ang damit ko at sinuot muli ang mga iyon. Pagkatapos ay may dalawang babae na pumasok sa malaking kwarto na kinaroroonan namin para kunin ang wedding dress at ibalik sa manikin. Pinapanood ko sila sa dahan dahan nila pagsuot sa manikin. Simple lamang ang wedding dress. Sabi nga ni Jeryl, "I chose the one that I think would fit perfectly to you." oh aarte pa ba ako?lol

"Ms. Kim, our team will send your dress the day before your big day." nakangiting sabi ng isa.

Ngumiti ako. "Okay. Thank you." tugon ko.

Lumabas na kami ni Frances. Nadatnan namin ang mga lalaki na aabay sa kasal. Si Kuya Adrian, Kuya Arc, Harry, and Joshua. Yes, Joshua is part of the circle now. Niloloko niya nga lagi si Jeryl na nakaabang lang daw siya para bawiin ako. Sira ulo. While Kristoff didn't make it. Busy pa siya sa trabaho. Basta hindi naman daw siya tataba kaya fit daw ang damit niya. 

Regarding with girls, si Frances ang Maid of Honor. Some of my cousins and Jade too na mas nauna ang fitting the other day. 

And I saw my groom to be. Naglalakad habang may kausap sa phone. Lately, napapansin ko ang madalas na may kinakausap itong si Jeryl. Lalo na ang pag-iiba ng expression sa mukha.

Nang makita ako ay binaba niya agad ang phone. Nakangiti siya lumapit sa akin.

"How's the fittin'?" tanong niya sabay hawak sa kamay ko.

Naglalakad kami palabas sa boutique. "Well, perfect."sagot ko. " Sino iyong kausap mo kanina sa phone? "tanong ko.

" Doc Ryan. There's a patient with some serious condition just arrived. They're asking for back up." sagot niya.

"Dapat pumunta ka na." sabi ko ng nasa labas na kami. 

"Adi." tawag niya kay Kuya Adrian. "Do me a favor. Send Christine home." dugtong nya. 

When said 'home', it refers to his house. Yes, we're living together. Hindi sana papayag ang pamilya ko, it's Doctor Jeryl Cayetano who will take care of me. So why not a yes. Mag-iinarte pa ba sila? Syempre hindi na. 

"Sige. No problem." sabi ni Kuya Adrian. 

"Thank you." ngiting sabi ni Jeryl bago bumaling sa akin. "Call me as you get home." bulong niya. Tumango ako. He kissed my forehead. 

HEARTLESS DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon