"There's no way to know what makes one thing happen and not another. What leads to what. What destroys what. What causes, what to flourish or die or take another course." - Cheryl Strayed, Wild: From Lost to Found on the Pacific Crest Trail***
Panyo
JERYL's PoV
Pagdating namin sa ospital ay agad akong bumaba. Diretso ako sa information desk. Gulat na gulat naman ang nurse habang laglag ang panga na nakatingin sa akin. Sa inis ko ay hinampas ko ang front desk dahilan para bumalik sya sa katinuan.
"Where's Jade Villanueva?" matigas kong tanong dahil nagtitimpi pa ako na wag sumigaw. Natataranta syang tumingin sa monitor sa harap nya. "Hurry up!" hindi ko na napigilan ang wag sigawan ito.
"N-nasa O-OR pa po." nautal utal na sabi nya.
Halos hilain ko na ang OR upang makarating ako agad. I don't know what happened but I know something bad happened. Mabilis kong narating ang Operating Room. Nadatnan ko si Harry na nakaupo sa labas ng OR.
"Harry, what happened?"-I asked.
Nag-angat ito ng tingin sa akin. Kagagaling nya sa iyak. Napatingin ako sa mga kamay at damit nya na may dugo. "What the hell just happened?" tanong ko muli.
Yumuko siya habang ginugulo ang buhok nya gamit ang kamay niya. "N-nahulog sya sa h-hagdan." mahinang sagot niya.
"Paanong nahulog? Bakit siya nahulog?" Iniiwasan kong wag mataranta. I took a deepth breath nang umiling iling sya habang nakayuko. Kita ko ang pagyugyog ng mga balikat niya.
Magtatanong pa sana ako pero sabay kami napatingin sa pagbukas ng pintuan ng OR. Niluwa ito ni Papa habang tinatanggal ang mouth mask nya. Nagtama ang mata namin. Napaiwas ako ng tingin dahil sa nababasa kong emosyon sa mga ito. I hate it. I damn hate it.
"Pa, how's my wife? How's my son?" natataranta at kinakabahan na tanong ni Harry.
"Jade's safe." sagot ni Papa.
Mabilis syang hinawakan ni Harry sa magkabilang balikat. "H-how about my s-son? He's safe, right?" halong takot at sakit ang emosyon ang kumakawala kay Harry.
"I'm sorry but he didn't make it." nangingilid ang luha ni Papa habang sinasabi ito. Niyakap nya si Harry. "I'm sorry." ng naiyak si Papa.
Tanging hagulgol ni Harry ang naririnig sa buong floor ng OR. Wala akong ibang nagawa kundi ang matulala habang nakatingin sa kanila. Bakit kung kailan kababalik ko lang ay nangyari ito?
My bestfriend lost his son. My sister lost her son. My father lost his first grandson. And I, too, lost my first nephew.
"Please be strong, iho. My daughter needs you." Sabi ni Papa bago tumingin sa akin. "Let's talk later."
Tumango na lang ako at nilapitan ko si Harry. Nagpaalam na si Papa na aayusin ang kwartong paglilipatan kay Jade. Pati na rin ang palibing sa pamangkin ko.
"Get up, bro." Inalalayan ko syang tumayo. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya
Napiwas ako ng tingin dahil ito amg unang pagkakataon na umiiyak siya. He cried a lil when Jade almost rejected his proposal before. But this one is different. They lost their first baby.Pagkatapos ang emosyonal na pagtanggap ni Harry sa nangyari ay nandito kami sa kwarto ni Jade. My sister. Our little bunso. Tila mahimbing lamang natutulog. Hindi ko alam kung paano nya matatanggap ang nangyari. I looked at Harry. He's holding her hand while looking on her face. Nilapitan ko sya at tinapik sa balikat.
"I'll buy some food. Do you want something?" i asked him. Tanging pag-iling lamang ang nagawa niya. "Ok. I'll be back." Lumabas na ako sa kwarto. It's 8:00 in the evening. Hindi sya nagsasalita. Pinagmamasdan niya lang ang kapatid ko. Siguro iniisip niya kung paano niya sasabihin kay Jade na wala na ang anak nila.