H24

189 6 1
                                    

May nagbabasa pa ba nito? 😭 Or is this a ghost story? Literally! I need some comments po. Negative can do. 😭  Eto na po update! Sana may mag-comment naman! Nakaka-ano lang kasi, chapter 24 na pero ni-hoy ni-hay wala hahahaha 😅✌

***

Rejected Proposal





CHRISTINE's PoV

Parang hindi pumasok agad sa sistema ko ang sagot niya. He said, 'I did.' It took me some minutes to catch up. A few minutes ago, he proposed to me. No, we're totally engaged right now! Then, malalaman kong nag-proposed siya sa ibang babae bago ako. Isa na ba akong malaking tanga at hindi man lang inalam ang naging buhay niya o kung sino ang mga nakasalamuha niya sa loob ng limang taon.




Nakita ko si Kuya Adrian na naglalakad patungo sa inupuan ni Kristof kanina. He grabbed the mic with full of confidence while smiling... at me. As if he's too happy seeing me in this situation.






"Nasa state of confusion ang pinsan ko sa oras na ito, so..." he paused. Lumapit siya sa nagsisilbing background. Hinawakan niya ang puting tela at hinawi ito pababa. Nakita ang malaking projector screen. Nakatingin sjya sa akin nang may ngisi. "I'm glad, J kept this for years." saad niya.






"Darn. He's humiliating me." bulong ni Jeryl sa tabi ko.



Hindi ko maialis ang paningin ko sa malaking projector hanggang sa umilaw ito. Kung ano man ang makikita ko ay handa kong tanggapin ng maayos ang situation. Hindi ako magiging makitid sa pag-iisip. Ang importante, ang ngayon. Ang kami sa ngayon.






Nagsimula nang mag-play ang video. Napatitig ako sa lalaking seryosong nakatingin sa camera. Ilang beses ito huminga ng malalim.




"Do I look like nervous?" tanong nito sa taong may hawak ng camera.





"Hindi, J! Mukha ka lang matatae kahit anong oras!" someone answered and a laughed from the background heard.





"You're not helping!" Jeryl hissed.




"Nandyan na si Christine!!" this time, boses ng babae.





Nilingon ko si  Frances at kinindatan niya lamang ako. Binalik ko ang paningin sa palabas. Bakit ako nine-nerbyos ngayon?





"J! Dun ka na! Dali!" someone pushed Jeryl.




Naka-pwesto si Jeryl sa gilid kung saan medyo madilim. Nakatayo habang may hawak na cake na may nakasinding kandila. So, that is the version of Jeryl 5 years ago. Gwapo nga talaga siya. Halos wala naman pinagbago sa ngayon maliban nga lang sa katawan dahil mas matikas at bahagyang lumaki ang katawan niya.



Lumipat ang kinukuhanan ng video camera. This time, ako ang kinukuhanan habang abala ako sa paglinga sa paligid. I know the place, iyon ang park sa village kung saan kami nakatira.



Nakita kong lumabas si Jeryl kung saan habang may hawak na cake. Napangiti ako sa nakita ko.



"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday, babe!"




Kita ko ang sarili ko kung paano nagpigil ako ng tawa sa video habang nakatingin kay Jeryl na nakangiti habang naglalakad papalapit sa akin... at kumakanta pa.




"Ang sweet ng boyfriend ko!"  I exclaimed.



"Ako pa ba?" maangas na tanong ni Jeryl sa akin.




HEARTLESS DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon