As promise, second ud for tonight!
Christine's POV po pa rin tayo. 😊
Enjoy reading!
***
Goodnight
***
Palabas na ako ng restaurant kung saan naganap ang meeting with my newest client. Pasakay na ako sa sasakyan ko ng may isang pulang rosas na tumambad sa aking harapan. Isang bata ang nag-aabot sa akin. Hindi sya mukang pulubi na nagtitinda ng mga bulaklak dahil maganda ang bata at ang suot nito.
Bahagya ako umupo para magpantay kami. "Para sa akin?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti ito. "Opo. Pinamimigay po ni Kuya Pogi."
Kinuha ko ang bulaklak at nagpalinga linga pero wala naman ibang tao sa paligid maliban sa mga pumapasok sa restaurant.
"Sino si Kuya Pogi?" Tanong ko.
"Hindi ko po kilala pero pogi po sya. Sige ho, baka hinahanap na ako." Nagpaalam sya at umalis na pabalik sa loob ng restaurant.
Isang linggo na ako nakakatanggap ng bulaklak. At laging pulang rosas ito. Sumakay na ako sa sasakyan at inalagay sa passenger seats ang mga dala kong gamit pati rin ang rosas na katatanggap ko. Walang card o ano man kaya clueless ako kung sino ang nagbibigay. Hindi ko ito iniipon. Dahil isang tao lang naman ang alam kong magbibigay nito sa akin. Si Joshua. Hanggang kailan ba sya titigil? Kahit isang milyong piraso ng bulaklak pa ang ibigay nya araw araw ay walang magbabago. I already moved on. Nothing to bring back.
Pagdating ko sa opisina ko kung saan ang sarili kong firm: ang 'EDGE'. Sinalubong ako ng personal assistant ko. Nadatnan ko ang ilang tauhan na abala sa mga ginagawa. EDGE is consist of 15 persons including me kaya kahit papaano ay nakakahabol kami ng deadlines pag malalaking projects ang kinukuha ko dahil marami ang kumikilos.
"I'll be working for 6 hours, so I won't accept visitors or anyone." Sabi ko sabay upo at kinukuha ang mga kailangan ko para sa new project. Kailangan ko makagawa ng floor plan ngayon.
"Yes Maam." He said. "Anything you need before you'll start?" Tanong nya habang paupo ako sa harap ng working table ko.
"Coffee please." I said.
"Sure maam" he said and left.
Habang nag-iisip ako ng exterior design ay maya't maya ay dumatig na ang kape ko. Nagsimula na akong gumuhit ayon sa gusto ng kliyente ko. Though yung dalawang projects na ginagawa ko ay on-going, itong gagawin ko ay isang villa. A friend of mine asked me to design a villa for his soon to be wife. I decided to make two rooms with a kitche and living room. Boongalo style. Gusto nya naman simple lang. So let's make it simple. This project is personally for me. In short, hindi talaga ito kasali sa trabaho ko. Tinanggap ko ito dahil regalo ko na rin sa kanila. He insisted to pay me daw pero tumanggi ako.
Naalala ko na naman tuloy ang gabing nagtitigan kami ni Doc Sungit tungkol sa kasal na yan. Kung hindi pa sya hinila ni Kuya Adrian para makihalo-biro sa mga ibang bisita ay baka magdamag na kami nagtitigan. Kung noon ay hindi ko mahulaan ang iniisip at kinikilos ni Doc Sungit ay mas dumoble noong gabing iyon. I don't get his point on talking about it. Though alam kong sinasakyan nya lang ang biro ni Kuya Adrian ay naging iba ang epekto nito sa akin.
Idagdag pa na todo tukso si Lorene sa akin na malulungkot lang daw ako pag tulad ni Doc Sungit ang mapapangasawa ko dahil masungit ito at walang pake sa mga babae. In short, I'll be living in hell daw.
Sa kabila ng pang-aasar sa akin ay bigla ko na lang naisip na hindi na rin masama kung tulad nya o sya mismo ang magiging asawa ko kung magandang lahi naman ang kapalit pag nagka-anak kami. Halos sampalin ko ang sarili ko dahil dyan!