White VillaCHRISTINE's PoV
Napatingin ako sa suot kong relo. 30 minutes bago pa mag-umpisa ang presentation ko with the Modern Arc Corporation kung saan nagpapatayo sila ng bridge between two towns. Ayon kay Niko ay nakahanda na ang lahat. Bago ako lumabas sa ospital ay nakausap ko na rin ang mga magulang ko. Sinasabi nilang wag na akong mag-alala. Sinabihan ko sila na kailangan namin mag-usap mamaya dahil marami akong katanungan na sila lamang ang makakasagot. Mas lalong ipinagtaka ko ay hindi man lang naibalita sa tv o dyaryo ang nangyari kagabi. That's too odd for that kind of incident.
"Okay ka lang ba talaga?" hindi ko na mabilang kung ilang beses niya na itinanong sa akin iyan.
Napabuntong hininga ako tumingin sa labas ng bintana. "Panaganip lang iyon Kuya. Of course, I'm okay." sabi ko habang iwinawawaglit sa aking isipan ang masamang panaginip na iyon. Sa dami ng pwedeng mapanaginipan ay iyon pa.
"You don't look like one." usal ni Kuya Adrian na halatang nag-aalala sa akin.
"Praning ka lang talaga." pang-aasar ko sa kanya.
Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. "Kung makita mo lang ang itsura mo kanina habang nananaginip sabi ni J kanina." sabi niya. Malamang masamang panaginip kaya alam kong hindi kaaya aya ang itsura ko kanina. Napasimangot tuloy ako dahil naalala kong sinabihan akong pangit ni Doc Sungit! Ako pangit?! "Ano ba iyong napanaginipan mo?" seryosong tanong nya na hindi ko inaasahan na magkaka-interesado siya sa.
"I saw you getting married to a gay." seryosong sagot ko.
Mabilis siya prumeno at halos mauntog na ako sa dashboard ng sasakyan dahil sa ginawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin at nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "What?!" bulalas niya.
Ngumisi ako habang inaayos ang sarili ko. Nagulo pa tuloy ang pinakamamahal kong buhok na pinaghirapan ni Doc Augustin kanina na kinulot. "Oo. Sumisigaw ako sa panaginip ko na gumising ka na sa masamang panaginip mo." walang ganang sagot ko.
"Niloloko mo ba ako?" tiim bagang tanong niya.\
Tinaasan ko siya ng kilay. "Nagtatanong ka tapos aakusahan mo akong niloloko kita? Bakit hindi ka na kasi maghanap ng mapapangasawa mo? Bakit wala kang girlfriend man lang? Inaabala mo ang sarili mo sa akin. Kung hindi lang kita pinsan, iisipin kong may gusto ka sa akin." pahayag ko.
Binuhay niya ang makina ng sasakyan at nagmaneho muli. Parang wala man lang narinig ang isang ito. Basta pagdating sa usapang kasalan ay tumatahimik na lamang nang hindi ko alam ang dahilan.
"How can I find someone if someone took my heart without her knowing?" mahinang tanong niya na may lungkot.
Napatitig ako sa kanya. Seryoso ang tingin niya sa daan habang umiigting ang panga. "What do you mean?" tanong ko. Wala man lang akong natatandaan na may past lovelife ito. Ang alam ko lang ay babaero siya.
Napabuntong hininga siya tsaka umiling. "Wala." sagot niya.
Alam kong may tinatago siya sa akin. O gusto niya lang talaga sarilinin. Kilala ko siya, ayaw niya ang kinaaawaan. Lahat nililihim niya. Hindi na rin ako nagtanong ulit o kinulit man lang siya dahil alam kong wala naman siyang planong mag-share ng secrets niya. Ilang sandali pa ay nasa nakarating na kami sa building ng Modern Arc Corporation. Matayog ang kumpanyang ito. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa 40 na palapag ang meron ito. Pangalawang beses na ako makakapunta rito. Ang unang pagkakataon na pumunta ako rito ay noong pumirma ako ng kontrata. Hindi ko alam kung tugma ba itong suot kong itim na dress hanggang tuhod. Ito ang nakuha ni Kuya Adrian sa closet ko sa bahay kanina. Iba pa rin talaga pag babaero dahil maganda ang sapatos na ipinareha sa damit ko. Itim rin. Para tuloy akong naglulukso. Mabuti na lang ay puti itong bag ko. Pagpasok ko sa loob ay hindi na ako nagtaka kung propesyonal ang suot o aura ng mga nagta-trabaho rito.