H21

290 9 0
                                    

Patawad sa tagal ng udpate. Pagpasensyahan na lang din po ang maraming typos, grammar error o ano pa man. Hindi ko na na-edit just be able to update tonight. Maraming salamat sa nagbabasa nito! Thank you!


**

I'm officially dating her.



CHRISTINE's PoV

Kahit saan ako tumingin ay mukha niya ang nakikita ko. Kahit sa pagpikit ng mga mata ko ay imahe niya ang umiikot sa isip ko. Masyado siyang gwapo sa alaala ko! Para akong sweet 16 na kinikilig habang baliw na nakangiti dahil sa isang lalaki!

Napatingin ako sa digital clock hanging on the wall, it's 8:30 am. Pumunta ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Nakakapanibago na nagbibigay ng saya sa puso ko. Hindi na ako teenager pero mabilis ang reaksyon ng puso ko pagdating sa kanya. Iyong parang kinikilig ako, no, kinikilig talaga ako. Tinapik ko ang magkabilang pisngi ko habang nasa bunganga ko ang sipilyo. Hindi ako gano'n kaganda ngunit ano ang meron para sa akin mahumaling siya ng ganito sa akin? Bakit ang isang tulad kong plain and boring woman ang gusto niya? Nagmugmog na ako at nagpunas.

Bumaba ako diretso sa kusina. Nadatnan ko si Mamami na abala sa paghahanda sa mga lulutuin niya.

"Goodmorning, Ma. What's with the fuss?" tanong ko habang isa-isa niya binibigyan ng instruction ang mga kasama namin sa bahay. Ngumiti sa akin si Nanay Minerva habang naghihiwa ng patatas.

"I invited Dr. Cayetano for lunch." sagot ni Mamami na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.


"Bakit po? May okasyon ba ngayon?" tanong ko.

Hindi ugali ng nanay ko ang mag-imbita ng tao lalo na sa araw ng linggo. Dahil ang linggo ay araw nilang dalawa ni Papapi. Parang bonding day nila.


Ngumiti si Mamami sabay tingin sa akin. "No sweety. I just missed him eating my food." sagot niya na may halong lungkot.


Sandali ako napatitig kay Mamami habang iniisip kung gaano ba kalalim ang samahan ni Jeryl at pamilya ko dahilan para malungkot ng ganito si Mamami.


"Tulungan na kita, Ma." sabi ko ngunit mabilis na umiling si Mamami na may pagbabanta sa mga mata.


"Pumunta ka na sa hardin. Nando'n na sila Adrian at Papa mo for breakfast." saad niya. "Susunod ako." dugtong niya.


Tumango na lang ako at tumungo sa hardin. Humalik ako sa pisngi ni Papapi bago naupo. Nakahanda na pala ang mga pagkain. Napansin kong seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa kong pinsan sa isang tabi. Sabay sila tumingin sa akin. Ngumisi si Kuya Adrian sa akin.

"How was your date with him?" tanong niya.

Napatingin ako kay Papapi. Nakatingin siya kay Kuya Adrian bago siya tumingin sa akin. "What date?" tanong niya.

"It was not a date." sagot ko.

"Sino ba ang nag-aya sa'yo ng date?" tanong ni Papapi.

"Hindi nga po iyon date." mariin kong sagot.

"Alright. Pero sino ang lalaking nag-aya sa'yo lumabas kahapon?" matalinong tanong ni Papapi.


"Si Jeryl po." sagot ko.

"Saan kayo nag-date?" interesadong tanong ni Kuya Adrian.

"Hindi nga iyon date eh!" singhal ko.


"It was a date, daughter." sabi ni Papapi. Nahihiya akong tumingin sa kanya. "When a man asked a woman-" I cut him off.

HEARTLESS DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon