I'm dedicating this to JhingBautista 😍 masyado ako na-hook kay Cupid! 😂 Great story indeed that makes me believe that I have a string on my finger amd destined to someone. 😍😍😍
***
"Many life-affirming questions lead to an endless spool of disconcerting propositions and contradictory conclusions, and even more troubling, some queries prove unanswerable." - Kilroy J. Oldster, Dead Toad Scrolls
***
Niligtas
CHRISTINE's PoV
Tatlong araw na ang nakalipas pagkatapos nang surgery ni Papapi. It was successful. Natakot ako noong tila nanginig si Papapi habang inooperahan. Kita ko ang umaapoy na mga mata ni Doc Cayetano sa isang doktor na kasama nito. Hindi ko inasahan na ganoon kaiksi ang pasensya nya para sigawan at palayasin ito. But he still managed to finished it.
Napangiti tuloy ako. Sa loob ng tatlong araw ay marami akong nalaman tungkol sa kanya dahil pina-check background ko ito.wala akong gusto sa kanya pero gusto ko lang malaman kung sino ba talaga sya. Nalaman kong matalino sya simula pagkabata. Accelerated sya noong elementary at highschool kaya 16 pa lamang sya ay college na sya. Masyado syang matalino na halos siya na ang humakot ng awards noong kolehiyo. Isa rin pala siya sa pinakamagaling na medicine student. Sa edad na 26 ay isa na syang ganap na doktor.
Namatay ang Mama nya 10 years ago dahil sa sakit sa puso. Dalawa lang sila magkapatid. Etc. Ilan lang yan sa mga nalaman ko. Pero kahit saang anggulo ay hindi ko mahita kung bakit sya masungit?
"Miss Christine, the stock holders are waiting." Sabi ni Ms. Rochelle. Secretary ni Papapi. Para ko na rin sya Ate dahil tuwing off nya ay may sister bonding kami!
Pero nanlaki ang mga mata ko dahil sinabi nya! I checked my watch! I'm 5 minutes late! Ito pa naman ang unang beses na haharap ako sa kanila, tapos late pa! Mabilis ako lumabas sa opis at halos takbuhin ko na ang conference pero naalala ko na ako pala ang acting boss kaya maghintay sila.
Kumalma ako at tinignan si Ate Roch "Ate Roch, bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Tanong ko sa kanya.
She chuckled. "Ilang bese kitang tinawag Miss. You seem having a day dream. I even saw you smiling. Akala ko nakikinig ka sa akin. Hindi pala." Pormal na pormal ang pananalita nya pero halatang nang-aasar sya.
Pinasingkitan ko sya ng mga mata. "Hindi ako nagde-day dream noh. Tsaka masaya lang ako kasi ligtas na si Papapi." Paliwanag ko.
Binuksan nya ang pinto ng conference room dahilan para mapalingon silang lahat sa akin. I smiled. This is it, Christine. Bring it on!
"Good morning everyone. I'm sorry for making you waiting." I greeted them, then I sit.
Nasa harap ng mahabang pahirabang lamesa ang mga taong bumubuo sa kumpanya. Hindi ko akalain na ganito kadami ang board members nito. Nakita ko si Mr. Suarez na nasa bandang kanan ko. Nakatingin ito sa akin.
"Gusto ko magpasalamat sa lahat ng bumisita kay Papapi. I'm sorry if you didn't see him personally. Alam nyo naman siguro kung bakit. But still, thank you very much." Pasasalamat ko sa mga nagpadala ng bulaklak at nagpupumilit na makita ang Papapi ko. But CAH is too strict when it comes to rules pag nasa VIP department ang pasyento. No one's exempted.
"How's President Kim?" Someone asked.
I smiled. "He's getting better." Sagot ko habang nakatingin ako kay Mr. Suarez. "He's too tough kaya pati sakit nya nawala."i added.