Sumisipag po ako ngayon! Hahahahahaha!
Kung fan ka ng Kdrama, kilala mo ang mga bida! Lee jong suk wife here!Dedicated to : kathipuneraaa -- hello miss author! Super love ko ung story mo! Kaya para sayo ito! I love u po! God bless!
WARNING!
EXPECT ERRORS!
***
CHRISTINE's PoV
"Hindi mo na sana ako sinundo o dinaanan. Kaya ko naman pumunta roon mag-isa." sabi ko sa napakatahimik na lalaking kasama ko.
30 minutes na ang nakakalipas, no talking! Mapapanis ang laway ko dahil sa kanya!
"And you think I will allow you to drive alone?" tanong niya.
Kinagat ko ang dila ko habang nakatingin sa labas ng bintana. He's talking that way again. He sounds like he's really concern to me. And I don't want to give a meaning on it. Kung may nakaraan man kami, I don't know what to feel now. I'm empty.
"You don't need to do this, tho." tugon ko.
"Tss."
Hindi na lang ako nagsalita. Gusto ko malaman kung ano ang alam nya tugkol sa amin dalawa. But how? He's too consistent to be quiet for long. Ayoko naman mag-mukhang desperada para lang malaman. Maybe like me, he's not to his as usual self.
Hindi biro ang bagay na nangyari sa amin dalawa. Hindi biro ang nangyayari ngayon. Para kaming pinaglalaruan. Pagkatapos nagkahiwalay, nagtapo muli ngunit wala kaming maalala. Hindi namin maalala ang isa't-isa. It's the most terrible thing ever.
I got a message from Frances. She's asking if how's the ride with my first love. Silly brat. I replied, terrible silence. Napabuntong hininga ako. I'm in the urge to know everything right this moment but I need to calm. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat alamin ang lahat. Sabi nga nila, may tamang panahon para sa lahat ng bagay. So, I should give it a try.
Huminto sa harap ng isang pizza parlor ang sasakyan. Bumaba siya at pumasok sa loob. Hindi na rin ako nag-abalang bumaba dahil para saan pa? Wala naman akong gagawin sa loob. Ayoko naman bumuntot sa kanya.
Ilang sandali pa ay lumabas na siya na may dalang box ng pizza with two cups of drinks. Nagpanggap akong malalim ang iniisip kahit ang totoo ay nahihiwagaan ako kung anong flavor ng pizza ang binili niya. Bigla tuloy ako nagutom. Konti lang kasi ang kinain ko kaninang breakfast dahil nililipad ng sistema ko ang kaluluwa ko. Hindi ako maka-move on sa magdamagang pagke-kwento ni Frances.
Sa kung paano ako nagkagusto kay Doc Sungit noon hanggang sa niligawan niya ako. Kung gaano raw namin kamahal ang isa't-isa. Hanggang sa nagkahiwalay kami dahil kay Joshua. Hindi na nasabi sa akin ni Frances kung ano ang ginawa ni Joshua dahil pagkatapos ng huling pag-uusap namin ni Doc Sungit ay naaksidente na ito.
Samantala ako, may sakit akong tinatago sa lahat. Akala ko raw noon na ang simpleng pananakit ng dibdib ko ay normal lamang. Ngunit nang araw na sobrang nasaktan ako sa pagtataboy ni Doc Sungit sa akin ay nawalan ako ng malay.
Pinayuhan daw ako ng doktor na kailangan kong maoperahan ngunit nagmatigas ako. Wala raw akong pinakinggan. Tanging si Doc Sungit lang daw gusto ko. Ngunit ni-anino ni Doc Sungit ay 'di namin nakita noon. Bagay na naging dahilan ng mas paghina ng puso ko. Hanggang sa kailangan ng mapalitan ang puso ko.
Napaupo ako ng maayos ng nilagay ni Doc Sungit sa hita ko ang box ng pizza. Mainit-init pa kaya halos mapasigaw ako sa gulat na nagawa ko naman napigilan.