Sobrang natutuwa ako sa magkasunod na update mo ate maxinejiji 😍 Kaya eto natutuwa akong mag-update din kahit meme lang itong story 😂😂😂 Thank you ate max! This is for you!
PS.
Expect errors! 😆
***
Kape
CHRISTINE's PoV
Kinaumagahan ay halos magmukha na akong kalahi ni Kung fu panda dahil sa black circles under my eyes. Hindi ako nakatulog dahil sa phone call na iyon. Kaya halos lutang ako pagdating ko sa opisana. Pero halos takbuhin ko na ang palabas ng building dahil SIYA ang unang bumungad sa aking paningin. Pumukit pa ako muli tsaka dumilat dahil para akong nananaginip pa rin pero hindi. Nandito talaga sya. Nagpalinga linga ako sa buong lobby kung may pwede ba akong matataguan pero sa masamang palad ay wala. Sa oras na ito ay pinagsisihan ko na ang pagdisenyo sa open lobby nito. Tanging front desk at waiting area sa kanang bahagi ang meron. Kaya mula sa kahit anong sulok ng lobby ay makikita ang sino mang papasok sa malaking pinto bilang main entrance.
Binalik ko ang tingin ko kay Doc Sungit na kulang na lang ay tilian siya ng mga babaeng dumdaan sa harapan nya.But because he's heartless, he just ignoring them. He's standing behind the wall while crossing his arms on his chest. He's wearing all black. Tinignan nya ang suot nyang relo. Nagitla ako nang tumingin sya sa gawi ko. Wala akong nagawa kundi ang lumapit sa kanya. Lalo pa't malapit sya sa elevator.
Naiilang man ako sa tingin nya ay nagpapasalamat akong hindi man lang ako natisod. Halos pigil ang hininga ko. "Goodmorning" alinlangan kong bati sa kanya nang makalapit ako.
Saglit nya ako tinitagan bago nagsalita. "You're 5 minutes late. I told you I'll be here 8 am sharp." Aniya sa inaantok na boses. Hindi pa ba sya natutulog? Tatanungin ko sana kas baka magtaka pa.
Kalma Christine. Si Doc Sungit ito.
"Traffic po." I flipped my hair before pressing the arrow head up. "Besides, pwede mo lang naman ipadala ang kontrata." I added.
"When I am doing business, I'm being professional." Aniya sa matigas na ingles.
Bumukas ang elevator kaya pumasok kaming dalawa. Hindi ko maiwasang wag sya sulyapan dahil ramdam ko ang mga mata nya sa akin. Hindi ako nagkamali, kunot noo sya nakatingin sa akin!
"Ikaw na ang professional." Inirapan ko sya.
"Yeah. Right." Sambit nya.
Pagdating namin sa floor area ko ay sinalubong ako ng Assistant ko na si Niko. Nagulat pa sya kay Doc Sungit.
"Goodmorning Maam." Bati sa akin ni Niko. "Goodmorning Sir." Baling nya kay Doc Sungit.
"Goodmorning Niko. Two coffee please." Utos ko bago pumasok sa opisina ko.
"No cream."
Rinig kong sabi ni Doc Sungit kay Niko. Hindi ba uso sa kanya ang salitang PLEASE?! Napailing na lang ako sabay bukas ng pinto ng opisina.
Nilapag ko ang gamit ko sa lamesa ko at lumapit sa visitor's lounge at itinuro kay Doc sungit na maupo. Napansin kong wala syang dala kahit na ano.
"Where's the contract?" Tanong ko sa kanya.
Nag-de kwatro sya at ipinatong ang kamay sa tuhod nya. "Nasa assistant mo." Sagot nya na ipinagtaka ko.
Nakita ko si Niko na may dalang folder at dalawang tasa ng kape na nakalagay sa tray. Inilapag nya ito sa center table at binigay ang kape sa amin.