H26

216 5 0
                                    

Red House





***


CHRISTINE's PoV






Hindi ko magawang labanan ang titig niya na mas malamig pa sa yelo. Ilang beses na siyang bumuntong-hininga. Halos isang oras na kami nakaupo rito sa loob ng opisina niya. Nakapagpalit na rin ako ng damit. Wala nang kahit anong bahid ng dugo sa katawan ko.







"I'm waiting." walang ganang sabi niya.


Hindi ko pwede sabihin sa kanya ang mga sinabi ni Joshua. Kanina pa ako nag-iisip ng dahilan. Jusko!








"Jeryl, nakipagkita lang ako sa kanya to end everything. Para wala ng gulo." malumanay kong sabi sa kanya.







"And you didn't bother to tell me?" hasik niya.








"I'm sorry." sinsero kong paghingi ng tawad.








"Yeah. You're sorry." malamig niyang tugon.








Napatitig ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin. Naiintindihan ko na galit siya sa ginawa ko pero ang maging ganito siya sa harap ko ay hindi ko kayang intindihin.









"Christine." nagtaasan ang mga balahibo ko sa lamig ng boses niya sa pagtawag sa pangalan ko. He reached for my hand. Naramdaman ko ang panlalamig ng mga palad niya. "What am I to you?" tanong niya.










"Where did that come from?" tanong ko pabalik.








Nagkibit-balikat siya. "It feels like you don't need me. You're just doing what you want." malungkot niyang sagot.









"I did what I think was right. Besides, he didn't hurt me. You saw him, siya ang nasaktan sa amin dalawa." mahinahon kong paliwanag.









Binitawan niya ang kamay ko at tumayo siya. Lumapit siya sa glass wall at nakaharap rito. Tanaw ang unti-unting pagkagat ng dilim sa labas. Nanatili lamang ako nakaupo. Nakontento ako sa pagtitig sa likod niya.








"Room 118. You can check him." sabi niya.










Tumayo ako at kinuha ang bag ko. "Okay." nagdadalawang isip kong tugon.









Alam kong masama ang loob niya sa ginawa ko. Naiintindihan ko iyon at hahayaan ko muna siya. Bukas ko na lang siya kausapin. Aalis na sana ako ngunit dinala ako ng mga paa ko papalapit sa kanya. Napalingon siya sa akin. I give him an empty smile. Mabilis ko siya binigyan ng isang halik sa pisngi. He didn' see that coming.







"See? You're just doing what you want." pagtatampo niya pero nakita ko ang lihim na pagngiti niya.







Kinilig siya!








"I love you po." malambing kong sabi at mabilis na naglakad palabas ng opisina.








Tamang papasok naman si Kuya Adrian. Seryoso ito nakatingin sa akin. "Naghihintay sa'yo si Arc sa labas. Nasa bahay na rin ang sasakyan mo." sabi niya at nilampasan ako.








Great. Galit rin siya sa akin.










Dumiretso ako sa room 118. Akmang papasok sana ako nang may sopistikadang babae ang nakaupo sa tabi ng kama kung saan nakahiga si Joshua. Napakagat labi ako. Hindi man malala ang natamo niya ay naka
kalungkot pa rin na nangyari sa kanya ito dahil sa akin. Ilang segundo muna bago ako umalis. Nasa elevator na ako nang nagtext si Kuya Arc. Tinatanong kung pababa na ba raw ako. Mabilis pala mainip ang taong ito. Hay.








HEARTLESS DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon