H30

169 3 0
                                    

Please po not edited! So bear with wrong grammars. Thank you!

Happy reading!!!


***



Adrian's PoV

Dumating ang ambulansya at agad na isinikay si Christine para dalhin sa ospital nila J. Limang taon na ang nakakaraan simula noong naramdaman ko ang ganito. Natatakot at sobra ang kaba.

"I'll drive J's car." Sabi ni Harry habang nakatingin kami sa ambulansya na papalayo.

Naramdaman ko ang pagtapik ni Arc sa balikat ko. Wala sa sarili ako sumakay sa sasakyan. Nakatingin ako sa mga lalaking isa-isa dinadampot ng mga pulis. Naalibadbaran ako nang Makita kong ngumisi ang lalaking pumalo ng bat sa ulo ng pinsan ko.

"Saan ka pupunta, Adrian?" tanong ni Arc ngunit mabilis ang mga lakad ko hanggang sa tumama ang kamao ko sa mukha ng lalaki.

Bumagsak ito. Mabilis ko pinulot ang bakal malapit sa paa ko ngunit pinigilan ako ng mga pulis. I want to kill this bastard! All I want is to kill this man!

"PULL YOURSELF TOGETHER!" sigaw sa akin ni Arc habang hinihila ako pabalik sa sasakyan.

"Hindi mo nakita ang ginawa niya kay Christine?!" di ko maitago ang inis at galit ko.

"We saw what happened. Are you crazy? Don't be a criminal over a criminal. " he nagged.

Huminga ako ng malalim bago sumakay. "You drive." Mahinang sabi ko.

Bumusina si Harry at sumenyas na mauuna na dahil kausap ni Arc ang isa sa mga pulis. I tried to call J pero walang sumasagot. I bet he left his phone in his car. Maya't-maya ay umalis na rin kami patungo sa ospital. Wala kaming kibo ni Arc hanggang sa nakarating kami. Dumeretso kami sa emergency, nadatnan namin na nire-revive ni J si Christine. Napasuklay ako sa buhok dahil sa galit at kaba. Panay ang bulong ni J na tila nakikiusap kay Christine.

"I can't take this." Sabi ni Arc bago umalis.

Biglang dumating si Tito Danilo. Inutusan niyang umalis si J at ito na ang bahala. May dalawa pang doktor na sumunod. Naupo si J sa gilid habang nakatingin sa kama kung saan nakahiga ang pinsan ko. Puro dugo ang mga kamay at damit nya. Ngunit mas pansin ang walang buhay niyang mga mata.

"Adrian, ano ang nangyari?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Tita Amanda na hindi ko man lang naramdaman ang pagdating nila ni Tito Ernesto.

"Tita, sa labas na po muna tayo." Pag-anyaya ko sa kanila.

Kung gaano ka-emosyonal si Tita Amanda ay ganung kakalmado ni Tito. Siya mismo ang umakay sa asawa palabas.

"Prepare the OR." Rinig kong sabi ng isang doktor.

Napatingin ako sa kanila at nakita kong naka-oxgen mask na si Christine. Mabilis na lumapit si J rito. Lumapit na rin ako.

"Kausapin ko ang mga magulang niya." Sabi ni Tito Dan at sumunod ang dalawang doktor.

"Good job, babe." Umiiyak na sabi ni J sa pinsan ko. "You're really brave." Dugtong nito. 

Hindi ko na rin naiwasan ang hindi maluha. Good job, Christine. Agad na dinala ang pinsan ko sa OR. Sumunod ako habang hawak hawak ni J ang kamay ng pinsan ko. Pagdating namin sa labas ng OR ay nakita kong nakaupo sila Tita Amanda at Tito Ern na halos hindi alam ang gagawin dahil sa sitwasyon ng anak. Nakita ko kung paano nahulog ang mga luha ni Tito Ern. Narinig ko kung nakailang pagmamakaawa ang ginawa ni Tita Amanda na gawin nila ang lahat mailigtas lamang ang anak. Tito Danilo nodded. Dalawang doktor ang pumasok sa OR. Pinigilan ni Tito Danilo si J na wag pumasok sa OR. Inakay ko si J upang maupo. I even told him to wash his hands or clean himself.

HEARTLESS DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon