H17

308 11 1
                                    

MAIN CAST

Dedicated to keithwen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dedicated to keithwen ... Thank you for voting. Hope you'll enjoy this chapter and the story!

WARNING!

EXPECT ERRORS!

***

Oplan: RMFLM

JERYL's PoV

"Ano ang nakain mo at nagyaya ka ng inuman?" tanong ni Harry habang nilalaro ang bote ng alak na hawak niya.

"Matagal na natin di ginagawa ito. You know for old times sake." sagot ko.

Napangisi siya. "Hindi ka basta basta nagyaya ng walang dahilan, J. Especially, balik trabaho ka na." turan niya.

Nagkibit balikat lamang ako. Pakiramdam ko kailangan ko ng alak para mapakalma ang sarili sa anuman nararamdaman ko sa oras na ito. May gusto akong gawin pero hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya.

"Hindi rin naman ako magtatagal sa hospital." tugon ko.

Nagulat siya. "What do you mean?!" di makapaniwalang tanong niya.

"Pansamantala lang ako habang nasa ibang bansa si Blaze at ang asawa niya." sagot ko.

"J, it's your passion. Why giving up?" tanong niya na tila naguguluhan.

Ngumiti ako bago uminom ng alak. Yes, indeed but sometimes, you need to give up something to make things better ahead.

"I can find another passion, tho." sagot ko.

"Hindi kita maintindihan. Nagpakahirap ka para maging doktor. You shouldn't give it up." pangungumbinsi niya sa akin.

I took a deep sighed. He's right. I worked hard for what I am right now, but there's something that I need to fix in me.

"Buti pinayagan ka ni Jade na lumabas ng ganitong oras?" pag-iiba ko ng usapan.

"Ikaw naman ang kasama ko kaya pumayag siya." aniya.

Nqpangiti tuloy ako bago tumayo para kumuha ng dalawang bote ng soju sa fridge. No'ng nasa Korea ako ay isa ito sa mga iniinom ko.

"Seryoso bro? Soju talaga laman ng ref mo?" nakangiwing tanong ni Harry.

"Hindi." sagot ko.

HEARTLESS DOCTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon