Reunion
***
CHRISTINE's PoV
Aking inihinto ang gamit kong sasakyan sa labas nang isang kulay ginto na establishmento, kung saan may mga ilang medya ang nasa labas na tila naghihintay sa mga darating na panauhin ngayong gabi. Hindi ko tuloy maiwasang sipatin ang itsura ko sa salamin bago bumaba. Pagkababa ko ay inasahan ko na ang sunud-sunod na flash ng mga camera. Naiilang man ay nagawa ko pa rin ngumiti habang papasok sa loob. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Gusto ko man bilisan ang paglakad ko ay hindi ko magawa. Pagkalipas ng ilang sandali ay nakapasok rin ako sa wakas.
Sumalubong sa akin ang isang classic intrumental song. May mga taong naglilibot sa mga bagay na nakapalibot sa buong venue. Ang ilan ay naka-dikit sa dingding. Hinanap ng aking mga mata ang bida ngayong gabi. Nakita ko itong nakikipag-usap sa mga ilang bisita kung saan katabi niya si Lorene na nakangiti habang nagsasalita rin. Nagpalinga linga ako muli kung nandito na rin ba sila Kuya Adrian ngunit wala pa ang mga ito.
Napag-desisyunan kong lapitan muna ang mga collection ni Jun Ah. Halatang pinaghandaan niya ang bagay na ito. Mula sa ilaw hanggang sa sahig ay makikita talagang pinaghandaan. Ang sahig gawa sa isang uri ng salamin kung saan nakikita mo ang iyong sarili. Ang dingding ay kulay puti. Ang mga ilaw na ginamit ay napakaliwanag. Sa gitna kung saan ang munting enteblado ay nakalagay ang FOREVER YOUNG COLLECTIONS in black bold letters sa puting dingding. Napansin kong piling-pili lamang ang mga imbitado dahil hindi gano'n karami ang lamesa.
Ang una kong nakita ay isang bolo kung saan nakalagay ang pangalan ni Lapu-lapu. Nais ko man hawakan ay napapalibutan ito ng salamin. Ginu-good time lang ba kami ni Jun Ah? Seryoso? Bolo ito ni Lapu-lapu?!
"How about Magellan's sword? Nandito rin ba kaya?" bulong ko sa aking sarili habang nagpapatuloy sa paglalakad.
Bawat bagay na nakikita ko ay masasabi kong ibinuhos lahat ni Jun Ah ang pera at oras para dito. Siya pa naman ang tipo ng tao na pag may ginusto ay gagawin niya ang lahat para maisatupad ito. Sino ba naman ang mag-aakalang aabutin niya ang pangarap niya noong mga bata pa kami? We were too young before that we still don't know what really dream mean is. Sabi nga nila, nagbabago ang tao habang tumatanda. Maybe he's too matured enough. Or naka-set lang talaga ang isip niya sa bagay na ito. Alam niya ang gusto niya.
Tumigil ako sa paglalakad nang makita ko ang ilang mga nasa dingding. Mga paintings na likha nang ilang international artist at local artist like Juan Luna. His famous Spolarium - 1884, The Battle of Lepanto - 1887 and The Blood Compact - 1886. Na-a-amazed akong nakatingin sa mga ito. Hindi ko inakalang gagastos ng ganitong kalaki si Jun Ah para sa pangarap niya. Though, he's rich... still unbelievable! Ang mga ganitong master piece ay hindi lahat ng tao ay kayang magkaroon ng ganito kahit gaano pa kayaman. At isa pa, ang mga ganitong obra ay nasa pambansang museo o nasa gobyerno.
"Architect Kim?" Nilingon ko ang tumawag sa akin mula sa aking kaliwa. Isa itong matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na polo na nakatupi hanggang siko. Nakangiti ito sa akin ng matamis. "You look great, Architect." dagdag niya.
Saglit ko siya tinitigan habang nakangiting nakatingin siya sa akin. Nakakailang ang mga titig niya kaya ako na ang unang umiwas. "Hindi naman sa ano, ahm, sino ka?" nahihiyang tanong ko sa lalaking kaharap ko.
Mahina siyang tumawa. "My bad, I'm Kristof Reyes." pagpapakilala niya sa kanyang sarili sabay ang paglahad ng kamay niya.
Kristof Reyes? It sounds familiar with me. Saglit ko siya tinitigan habang iniisip kung saan ko ba siya nakita. Pamilyar sa akin ang dimple sa kanyang pisngi. Ngunit ang tindig niya ay hindi. Kristof... Nagitla ako nang pinalaki niya ang kanyang parehong pisngi na parang monay o bola.