Papasok pa lamang si Mitch sa lobby ng building sinalubong na agad sya ni Alden. Isa sa huling grupo na inutusan ni Charles.
"What happened? "Anxious na tanong sa kanya. Umagapay ito sa paglalakad nya patungo sa elevator.
"Nothing much interesting. "Ang kibit balikat nyang tugon rito.
Ito na ang nagkusang pumindot ng button para bumaba ang elevator sa ground floor.
Mataman syang naghintay sa pagbaba niyon ng muli itong nagsalita.
"Did they talks to you? Did they read our proposal? "Anito na sabik marinig ang sagot mula sa bibig nya.
"Yes! And you set me up! "Ang wika nya na biglang tinapunan ito ng matalim na tingin.
"I am sorry.. "anitong nagyuko ng ulo di masalubong ang kanyang nan-uusig na tingin. Naguilty ito sa ginawa nito at ng mga kasama sa kanya.
"What comes up with your mind to let me go there without appointments? "Ang wika nya uli, nakataas ang kanyang mga kilay sabay humalukipkip na hinarap ito matapos silang sumakay lulan ng elevator patungong third floor ng bumukas iyon.
"We're desperates. And you're our last chance to try to talk to those bastards! "Anito. Biglang nagalit pagkabanggit sa mga sensitibong chinese men.
"I understand. But did you realized I am all alone to face those five Chinese men? "Ang napikang wika nya.Di ito nakaimik dahil bumukas na ang elevator at agad syang lumabas roon.
Humabol ito at pinagbuksan sya ng door papasok sa kabilang opisina.
Nakita nyang nakaupo si Santa sa desk nito. Bahagya nya itong nginitian saka dumiretso sa opisina nila.
Lahat napatutok sa kanya ang atensyon ng apat nyang kasamahan. Walang kibong nagpatuloy sya sa pagpasok at tinungo ang mesa nya. Pabagsak nyang nilagay ang kanyang bag sa tabi ng upuan saka umupo sa kanyang swivel chair at napapikit ng mga mata.
Tila biglang na drained ang kanyang utak sa pakikiharap nya sa mga Chinese men na kausap nya.Nagkatinginan ang mga ito at sumenyas kay Alden. Nagtatanong ang mga tingin ng mga ito sa lalaki. Nag thumb -ups ito kaya ganun na lamang ang saya ng mga ito. May magandang ngiti nagsitungo sa kanya kanyang cubicle at muling binalikan ang kabilang mga trabaho.
Walang may naglakas loob na ungkatin ang pagset up sa kanya ng mga ito hanggang ipatawag silang lahat ni Charles sa opisina nito.
Dahil di sya kasama doon. Di sya sumama bagkus nauna syang umuwi sa mga ito. Late meeting iyon kaya wala syang kinalaman roon. Kahit pa nga sya ang kumausap sa mga Chinese national di nya ugaling ipangandalakan ang nagawa nya sa mga ito.
Alam nyang nasagasaan nya ang ego ng limang colleagues pero wala syang intention gawin iyon. Sila din nman ang gumawa ng hakbang na ikapapahiya ng mga ito sa kanilang sarili.Kinabukasan, nagtaka sya ng pinapatawag sya ng big boss sa office nito. Urgent daw ayon Kay Santa.
Nasa canteen sya noon. She's having her late lunch. Napakunot noo sya habang patungo sa office ni Charles. Di nya na inubos ang pagkain dahil ayaw nyang paghintayin ito.
Wala syang maisip na dahilan para ipatawag ng lalaki.Kabadong kumatok sya ng sumenys si Santa na pumasok sya at di na kelangan pang kumatok dahil expected na sya ng boss.
Narinig nya ang boses ni Charles pinapapasok sya nito sa loob. Kinakabahan nyang pinihit pabukas ang pintuan saka pumasok. Napatda sya ng makita ang lahat na mga kasamahan nya sa executives office. Pawang nakayuko ang mga ulo ng limang lalaki.
"Please sit down miss Sullivan. "Ang narinig nyang wika ni Charles sa kanya. Serious ang mukhang nakamasid sa kanya ang lalaki habang patungo sya sa kinaroroonan ng mga kasamahan. Umupo sya sa pan-isahang upuan malapit kay Frank.
Tahimik syang nakiramdam sa mga ito. Hangang basagin ni Charles ang katahimikan sa loob ng opisina nito.
"Now, tell me. What happened yesterday? "Anitong nakadirekta sa kanilang lahat ang tanong nito.Napaangat ang tingin nya rito. Nagtama ang kanilang mga mata na agad nyang binawi dahil tila napaso sya sa tingin iyon. Sa loob ng ilang weeks nyang pananatili roon ay lihim nyang hinangaan ang lalaki. Iyong paghangang malalim para rito.
Walang gustong magsalita sa kanila. Sya nman di nya alam ang tinutumbok ng boss.
"Walang magsasalita sa inyo?! "Ang madagundong nitong wika. Sabay hampas ng mesa nito gamit ang isa nitong kamay.
Nagkatinginan ang mga ito samantalang sya nman napapitlag at piniling itikom ang bunganga habang iniyuko ang kanyang ulo.
BINABASA MO ANG
$MARRIAGE OF CONVENIENCE(COMPLETED)
Romantik#1-secretidentity #1-hiding #1-otherwoman #2-blackmail #2-babydaddy #2-fanfiction #4-blackmail #5-forced "What is this? "Ang napakunot noo nyang wika. Sinilip nya ang laman noon. Gusto nyang masiguro na tama ang kanyang nakita sa loob nyon saka ibi...