Chapter 22

6.6K 147 1
                                    

  Pagbaba nila nasa sala ang mag-asawa. Parehong nanunudyo ang tingin ng mapasulyap sya. Nakadama sya ng pamumula ng mukha at hiya. 
  Lumapit sya sa mga ito at  humalik.
"We'll going to the park. Do you want to go too? Let's take a walk and drop by in the near restaurant for breakfast. "Ang aya nya sa dalawa.
"No, thanks. We better stay here. "Ang tanggi ni heart. Nakangiti nitong ininguso ang dalawang naghihintay sa kanya sa labas.
"Urrg! This two boys can't wait longer. They wake me up just to join them to do exercise in the park! "Ang di nya napigilang isiwalat sa dalawa.
"Enjoy their company darling. Am sure you'll like it. Charles is a good man. Though he's separate from his wife for years now. Gabby would love to have a father. "Ang makahulugang wika ng babae sa kanya.
  Napamaang syang napatitig sa babae. Pati ba nman ito ilalakad si Charles sa kanya? Ang naisabulalas nya sa isipan lamang. Kung alam lang nitong sya ang asawa ng lalaki na nang-iwan rito. Ewan nya kung anu ang masasabi nito.
   "I'll go ahead. "Ang paalam nya sa dalawa saka tumalikod at naglakad palabas ng bahay.
  Nakita nyang nakatayo ang dalawa sa labas ng Estima car na ginagamit nya parati. Eight seaters iyon kaya malaki.
"Come on let's start walking before it's dawn! "Ang seryoso nyang wika sa dalawa. Nakita nyang nagkatinginan ang mga ito bago nagsalita ang anak nya.
"We won't walk, we'll ride. Daddy Charles will drive us to the park. "Anito saka lumigid sa kabilang pintuan ng sasakyan. Binuksan iyon at saka puwesto ng upo sa unahan.
"Nakita nya nmang binuksan din ng lalaki ang driver side saka pumasok ng mapansin nitong di sya kumikilos sa kinatatayuan para sumakay sa likuran.
"Aren't you going to go inside  the car? "Ang nakakunot noo nitong wika.
"Sabi nyo magja-jogging kayong dalawa but pa kayo sumakay ng car? Malapit lang ang park Mister nasa kabilang kanto lamang! "Ang pang-iinis nyang saad rito.
"I know but after that we'll go somewhere. "Ang sabi nito saka tinitigan sya. Nagbabanta ang mga tingin nito kaya padabog syang lumapit at sumakay sa likuran ng driver seat.
Nakahalukipkip sya ng pinastart nito ang sasakyan.
    Naisip nya, ito ang magmamaneho samantalang bagong salta lang ito sa lugar nila. Alam ba nito ang mga daan na dapat nitong daanan? Ang naitanong nya sa isipan ng marinig ang boses ni gabby.
"Daddy turn left. "Utos nito kay Charles. Napailing iling sya. Kaya nman pala malakas ang loob ng lalaking magmaneho kasi daig pa nito ang may GPS para sa tamang daan na dadaanan.
Kabisado ng anak ang pasikot sikot sa lugar nila. Observant ito masyado. Minsan nga kapag busy ang kanyang isipan at nagkamali sya ng liko ito ang sisita sa kanya.
  Narating nila ang park na ang anak ang nagmamando sa lalaki kung saan liliko saan sila magpapark.
Kaya nman pagkapark nila. Nauna na syang lumabas sa mga ito. Di pa man sya nakapag start magwarm up ng katawan nakaramdam na sya ng pawis. Gusto nya sanang alisin ang track suit ngunit siguradong masisita sya mamaya kaya binuksan nya na lamang ang zipper nyon.
   Hawak sa isang kamay ni Charles si Gabby ng lapitan sya at igiya papasok sa loob.
"We'll walk around the park. Do you want to come? "Ang yaya nito. Napasulyap sa nakabukas nyang track suit.
"It's getting hot! "Ang agad nyang depensa ng makita kung saan nkatutok ang mata nito.
"I didn't say anything. "Anito saka tinalikuran sya.
"Suplado !"ang nausal nya ng mahina.
Pagkaalis ng dalawa naghanap sya ng mauupuan. Tinatamad syang mag-exert ng effort para pagpawisan. Kaya uupo na lamang sya sa isang bench na naroroon sa may di kalayuan kung saan sya nakatayo. Naglakad sya patungo roon saka prenteng napaupo.
Naisandal nya ang ulo sa sabdalan noon saka naipikit ang mata. Ninamnam ang malamig na dapyo ng simoy ng hanging pang-umaga.
"You seems pretty enjoying the cool breeze! "Ang wika ng lalaking may baritonong tinig.
Gulat syang napadilat at napatunghay sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan.
"Falcon! What are you doing here?! "Ang na surprise nyang tanong rito.
"Just dropping here to sit and stay for a few minutes before going to gym."Anito. Pinaglakbay ang mata sa kanyang mukha.
"Oh, I see. "Ang tangi nyang nasabi.
"Are you alone? "Ang narinig nyang wika nito. Lumapit ito sa kinauupuan at tumabi sa kanya.
"No, Gabby and our visitor go for walking  "ang agad nyang wika rito. Naglagay sya ng distance sa pagitan nila.
Isa ito sa mga suitors na bumibisita sa kanya sa opisina.
"I see. So how's Mr and Mrs Gordon doing? "Ang Nakangiti nitong sabi sa kanya. Inayos nito ang pag-upo. Umupo ito paharap sa gawi nya. Matamang nakatitig sa kanya.
"They're fine. "Aniya.
"Won't you mind if I take you out for dinner later? "Ang saad ng lalaki sa kanya.
Napabaling sya rito, tumitig sa mukha ng lalaki.
Mabait nman ito kaso mayabang. May kaya ang pamilya nito katunayan ito ang kalapit resort nila sa kanyang bahay bakasyunan. Malawak ang nasasakupan ng resort nitong pag-aari. Magandang lalaki rin nman kaso ayaw na ayaw ng anak nya rito. Di kasi mahilig si falcon sa mga bata. Kapag nakikita ng anak nyang nasa opisina ito agad itong sisimangot sa lalaki.
Di nya alam ang isasagot. Nirerewind nya pa sa isipan ang kanyang gagawin sa araw na iyon.
Sasagot na sana sya ng marinig ang boses ni Charles.
"I mind! She won't be dating With you! So stop courting my woman! "Ang madilim na mukha ni Charles ang bumungad sa harapan nila. Katabi nito ang anak na nakasimangot na napatitig sa katabing lalaki.
"Who is he? Why he's rude! "Ang nagtatakang baling nito sa kanya.
"Am her hus-.............. "ang sagot ni Charles sa katabi na agad nyang pinutol.
"I'll call you later falcon. Bye. "Ang wika nya. Mabilis syang napatayo mula sa pagkakaupo sa tabi nito saka hinila ang dalawa palayo roon.
"Why you cut what I want to tell him? Are you afraid he knows am your.--"ang galit nitong wika na di nya uli hinayaang matapos nito ang sasabihin. nasa tabi nila ang anak nya at anuman ang lalabas sa bibig ni Charles tyak malaking questions ito sa anak nya.
"Enough! I wont go out with him, ok? So please stop! "Ang naririndi nyang asik rito.
Tumitig ito sa kanyang mata waring inaarok ang katotohanan sa kanyqng sinabi .
"I don't want you to go out with Mr falcon Mimi. He's not a nice man. He dislikes children! "Ang sabad nman ng kanyang anak.
Sabay pa silang napabaling rito. Nakatingin ito sa kanilang dalawa.
Kaya niyuko nya ito at kinarga.
"Am not honey. I only want to date you. "Ang napangiti nyang turan rito saka ito hinalikan sa pisngi at niyakap.
Nakamasid lamang si Charles sa kanilang dalawa. Blanko ang expression. Di nya alam kung anung tumakbo sa utak nito. pagkasabi kasi ni gabby na he dislikes children may kung anung emosyon ang gumuhit sa mukha nito na agad din pinalis. ni Charles bago nya pa man makita iyon.
    Tahimik silang umalis ng park. Akala nya agad silang uuwi pero nagulat sya ng bigla itong huminto sa isang restaurant na nadaanan nila kanina habang papunta pa lamang.
"We'll eat breakfast before we go back. "Anito saka lumabas ng sasakyan matapos nitong mapark ang car sa tabi. Lumigid ito sa kinauupuan ng anak at kinuha ang bata. Kinarga saka sya pinagbuksan ng pintuan.
Nagtataka man sa kilos nito. ipinagkibit balikat nya na lamang iyon. Pumasok silang tatlo sa loob at naghanap ng table. Hinayaan nya lamang ito. ito ang nagplace ng order. Si gabby lamang ang tinanong nito kung anu pa ang gusto ng anak. Ito ang pumili ng pagkain nya. Nagulat sya ng dumating ang order nito. Kabisado pa rin nito ang gusto nyang pagkain. Lihim nya itong tiningnan habang nilalagyan nito ng pagkain ang plato ng anak.
Naisip nyang anu kaya ang magiging reaksyon nito kapag nalaman nitong anak nya si gabby? Ang naglalaro sa kanyang isipan.

$MARRIAGE OF CONVENIENCE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon