Bago sya tuluyang magpahinga, nagpaalam ang kanyang anak na doon tatabi matulog sa mommy heart nito. Ayun na rin sa pakiusap ng mag-asawa sa anak nya. Miss ng mga ito na itabi sa pagtulog ang anak. Pinayagan nya para makapagpahinga sya ng tuloy tuloy. Sunday pa nman kinabukasan at yun lamang ang araw na mahaba haba ang kanyang pamamahinga.
Kinabukasan, masarap pa ang kanyang tulog pumasok ang anak para gisingin. Binuksan nito ng malaki ang pintuan ng kanilang silid at di nag-abalang isara iyon .
Tuloy tuloy itong pumasok palapit sa bintana at binuksan ang curtain. Madali lang kasing hawiin iyon. May tali sa gilid na hihilanin para magtungo sa tabi ang makapal na tela ng curtain.
Saka ito sumampa sa kama. Nakadapang natutulog si Mitch.
"Mimi, wake up!"ang ani ni gabby sa ina.
Gumalaw lamang si Mitch at nagpalit ng position. Kaya ginising sya uli ng anak.
"Mimi, I said wake up. It's time to get up from bed! "Ang muli nitong sabi saka hinila ang makapal na kumot paalis sa katawan ng ina.
Naramdaman iyon ni Mitch dahil naramdaman nya ang lamig ng aircon na dumampi sa kanyang balat. Nalihis na pala ang kanyang suot na pantulog. Gawa sa silk iyon, spaghetti straps na pantaas hanggang sa pan-upo at ang pares ay maikling short na silk rin. Dahil madulas ang tela at masyado syang magalaw di nya alam na tumaas na ang damit. Nakahantad na ang kanyang legs sa pagkakahiga.
"Honey, am still sleeping.... please close the curtain again. "Ang sabi nya na ang boses ay pangbedroom pa. Paos na walang lakas. Nakapikit pa rin sya. Nasisilaw sya sa liwanag na galing sa bintana.
"No! It's already Six in the morning and mr sunshine is coming out! "Ang protesta nito.
"It's still early honey. You know I wake up eight in the morning. "Aniya uli. Pilit binabalik ang kanyang atensyon sa pagtulog. Kinapa nya ang kumot pero wala syang makapa sa tabi. paano hinila lahat ng anak nya pababa sa kama para wala syang mahawakan.
"Mimi, come on, get up. Daddy Charles is waiting for us. He said we'll go for a walk then jog afterwards. He's waiting outside our room, he's standing in the entrance door. "Ang muling wika ng anak nya. Nauubos na ang pasensya sa kanya.
"Let him wait....... what?! "Ang gulat at napadilat nyang wika ng rumihistro sa kanyang utak ang sinabi ng anak na nasa bungad ng kanyang pintuan ang lalaki. Wala sa loob na napabangon sya at nahila pababa ang suot na damit. Inayos iyon.
"He's here. "Ang nakangiting wika ng anak at itinuro ang lalaking may pilyong ngiti na nakasandal sa hamba ng pintuan. malagkit na Nakatitig sa kanya. Humahagod ang tingin sa kanyang kabuuhan. Nakasuot ito ng sleeve less white shirt na hapit sa katawan nito. Bakat ang mga muscles sa dibdib at ang abs ng lalaki. Pinaresan iyon ng jogging pants na gray. Kaya pala ng makita ang kanyang anak kanina na nakasuot ng jogging clothes dahil mag-e-exercise ang mga ito.
"Oh God! Why did you leave our room widely open?! "Ang bulalas nyang sita sa anak. Nanlalaki ang mata nya ng nagpacute itong muli syang sinagot.
"I always leave our door open whenever I enter inside. But you didn't complain! "Ang pag reason out nito sa kanya.
"Honey, our situation in the house is different now. We have visitor and you let him see me in my indecent exposure! "Ang wika nyang pinandilatan mata ang anak.
"He's a family now Mimi. So why you're ashamed ? "Ang inosente nitong wika.
Natampal nya ang noo ng sariling kamay. Kahit anung gawin nya parati itong may kasunod na rason.
"Ok, go out and play. "Ang tangi nya na lamang nasabi sa anak na makulit. Iniwasan nyang tumingin sa pintuan kung saan nakatayo pa rin si Charles. Ayaw nyang masalubong ang mga nanunudyo nitong Ngiti.
"I wont. we'll stay here until you finish changing your clothes! "Ang pagmamatigas nito.
"Urrrg! Gabby, honey, please? How can I change if I have two viewers! "Ang pigil sa galit nyang wika sa anak. Gusto na talagang kumuwala ng pinipigilang inis pero di nya nman kayang pagalitan ang anak.
"Daddy Charles and I will close our eyes while you are changing. Right daddy? "Ang wika nito saka nakangiting binalingan ang lalaki.
"Yes. Right! "Ang wika ng lalakina sumilay ang pilyong ngiti sa labi at kinindatan ang anak. Napatawa ito ng malakas kaya marahas syang napabaling sa dalawa. nahuli nyang pilyong ngiti ni Charles sa mga labi.
"Grrrr! "Ang inis nyang naanas sa sarili saka bumaba ng kama at tinungo ang sariling banyo.
Di pa man sya natapos gumamit ng toilet ay kinatok na sya ng anak.
"Mimi! Daddy Charles, said hurry up! "Ang sigaw ng anak sa labas.
'Daddy Charles, daddy Charles! Puro na lang pangalan ng lalaki ang lumalabas sa bibig ng anak! 'Ang yamot na himutok ni Mitch sa loob ng banyo. Di nya alam anung ginawa ni Charles sa kanyang anak at ganun na lamang kalapit rito. Well, anu pa nga ba ang ipagtataka nya eh mag-ama nga pala iyon.
Nagmadali syang naghilamos At nagbrush ng ngipin. ang planong paliligo di nya na itinuloy dahil nagmamadali ang anak sa labas.
"What took you so long? "Ang nakasimangot nitong wika. Gusto nyang isipin na lahat na ata ng attitude nito namana nito sa ama. Mababaliw sya sa dalawang lalaki kapag araw araw silang nagkasamang tatlo.
Di nya ito sinagot pinatirik nya na lamang ang mata sa sinabi nito.
Walang kibong kinuha nya ang Gray boxer shirt na ginagamit nya minsan mag-ehersisyo kapag ginanahan sya. Fitted iyon sa katawan. Saka hinugot ang kanyang pink jogging pants. Muling tinungo ang banyo matapos makuha ang kanyang underwear.
Mabilisan syang nagbihis. Pagkalabas nakita nyang kapwa nakatutok ang tingin ng dalawang lalaki sa kanya. Hakab ang suot na shirt hanggang lamang sa taas ng bewang iyon ganun din ang suot na jogging pants. Lumitaw ang magandang hubog ng katawan nya.
"What?! "Ang naasar nyang sita sa mga ito .
"Wear your track suit! "Ang sabi ni Charles sa kanya.
"At bakit kelangan kompleto ang isusuot di nman ako magjajog! "Wika nya. tumangging sundin ang utos nito. Naglakad sya palabas. akmang lalampasan ang dalawang nakaharang sa pintuan. nang walang salita syang hinawakan ni Charles sa dalawang balikat at pinihit pabalik sa loob.
"You can't leave the room without your track suit top! So better take it before I do something you doesn't want love! "Ang mahina pero mariin ang pagkakasabi nito. may halong babala.
Napapiksi sya at nakasimangot na tinungo ang pinaglagyan ng damit at pahablot iyong kinuha.
"Wear it! "Ang nakatitig nitong utos. Di sya hinihiwalayan ng tingin.
'Oh God, please, habaan nyo pa ang pasensya ko sa mga lalaking ito! 'Ang murmur nya sa isipan lamang Saka isinuot ang pantaas na patner ng jogging pants nya.
Saka lamang gumuhit ang magandang ngiti sa labi ng dalawa. Pagkalapit nya sabay na tumalikod ang mga ito at naglakad. Nagmamarkulyo sya sa inis habang nakasunod sa dalawa. Gusto nyang batukan si Charles. Sa pamamagitan kasi ng kanyang anak nakukuha nitong manduhan sya.
BINABASA MO ANG
$MARRIAGE OF CONVENIENCE(COMPLETED)
Roman d'amour#1-secretidentity #1-hiding #1-otherwoman #2-blackmail #2-babydaddy #2-fanfiction #4-blackmail #5-forced "What is this? "Ang napakunot noo nyang wika. Sinilip nya ang laman noon. Gusto nyang masiguro na tama ang kanyang nakita sa loob nyon saka ibi...