CHAPTER 31

6.5K 157 3
                                    

"Santa, call the guard. Tell him to stop Mitch from leaving the building. Let him hold her for a minutes till I come down! "Ang marahas na baling ni Charles sa kanyang secretary na ng mga sandaling iyon ay tahimik sa kinauupuan nito.

Na shock ata ito sa natunghayang komosyon sa loob ng opisina nya.

"Y-yes sir!"ang agad nitong wika na di napigilang mautal at tumalima sa inuutos ng lalaki.

Tinawagan ang guard sa baba na ng mga sandaling iyon ay tinulungang makasakay sina Mitch sa taxi.
Saka lamang nito sinagot ang tawag ng makaalis na ang taxi lulan ang mag-ina. Napakaway pa ito sa mag-inang papaalis.

"S-sir, k-kaalis lang raw ng taxi. "Ang alanganing sabi ni Santa sa boss na madilim ang pagmumukha ng mga oras na iyon kaharap sya.

"Damn it! "Ani ni Charles sabay hampas sa mesa ng secretary na nagpalundag rito sa gulat.

Pati ang mga ibang empleyadong lihim na nakikinig sa kanila ay napapitlag rin gulat. Biglang naiyuko lahat ang mga ulo at isinubsob ang mukha sa ginagawa. Ayaw magtaas ng mukha at baka mapagbuntunan ng ngitngit ni Charles.

"Fired the guard! "Ang galit nitong utos sa kaharap.

"Sir! "Ang nagitlang wika ni Santa.

"Did you hear me? I said fire him now! "Ang muling ulit na sigaw nito sa babae.

"Sir, di nman po kilala nung guard si ma'am Mitch at bago pa lang po iyon sa post nito. "Ang paliwanag na sabi ng secretary nya.

Pinagtanggol ang kawawang gwardya.

"Are you saying you don't want to follow my order?! Ok, he can save his job if he can give details of Mitch car. Ask him the plate number of taxi or whatever car she used! I need it now!"Anitong nawawalan na ng pasensya.

Saka padabog na iniwanan ito at pumasok sa loob ng opisina at hinarap nman si Frida.

Napailing iling si Santa habang sinusundan ng tingin ang papalayong boss. Mainit ang ulo nito at di mapagkakailang galit na galit ito.

Naguguluhan sya sa takbo ng buhay ng boss. Iniwan ito ni Mitch ng ilang taon. At ngayon muling nagbalik at nagpupuyos sa galit na sumugod sa opisina ni Charles. May kasama pang batang lalaki na tantya nya ay anak nito. Hawig ang batang lalaki kay Mitch. Meron lang ibang features na hawig din kay Charles kung tama ang kanyang hinala. Kaya ba ito nawala dahil nagbuntis ito? Si Mitch rin ba ang dahilan ng pagtungo ni Charles ng ilang araw sa palawan? Naguguluhan sya sa sitwasyon ng boss na lalaki. Isama pa si Frida na nasa loob ng opisina nito na lalong nagpagulo ng sitwasyon.

Muli nya na lamang tinawagan ang guard para hingiin ang plate number ng sinakyan ni Mitch. Dalangin nyang sana nakuha nito para wag lalong mabalingan ang kawawang guard ng galit na amo.

Samantalang nagpahatid si Mitch sa dating tirahan nya noong nag-aaral pa lamang. Nais nyang bisitahin si Aling Rosita ,bigla nya itong namiss. Saka na lamang sya hahanap ng hotel na pwedi nilang pahingahan mamaya ni Gabby.

Pagkahatid sa kanila ng driver sa sinabing address agad silang umibis ng taxi at tinungo ang malaking gate ng bahay ni Aling Rosita.
Ito mismo ang nagbukas ng gate sa kanila . Nagulat ito ng makita sya at makilala.

"Mitch?! Akala ko kung sino ang bisita ko! "Ang masayang bungad nito na agad syang niyakap. Nang kumalas ito saka nito napansin si Gabby na nasa likuran nya.

Tumingin ito sa kanya nagtatanong ang tingin. Tumango sya kaya napangiti ito.

"Ang gwapo gwapo nman ng apo ko! "Ang nakangiti nitong bulalas sa anak ng yukuin nito.

Muling nagtago si Gabby sa kanyang likuran kaya di na nito muling tinangkang hawakan.

"Hali kayo pasok, pasok.! "Ang yaya nito at isinara ang gate ng tuluyan silang makapasok sa loob.

Pinatuloy sila ni Aling Rosita sa sala nito. Medyo nabago na iyon kesa sa dating ayos.

"Pasensya na kayo ha. Medyo makalat pa, kakaalis lang kasi ng mga apo ko kahapon. Di pa ako nakapagligpit. "Ang Medyo nahiya nitong wika. Saka nagpaalam sandali na tutungo sa kusina.

"Mimi, why she call you Mitch? Your name is Lynnette not Mitch! "Ang naguguluhang wika nito sa kanya.

"She's calling me in my middle name honey. Soon you'll understand. "Aniya.

Nakita nilang bumalik na si Aling Rosita na may dalang snacks para sa kanila.

Inilapag iyon sa harap nilang mag-ina at inaya ang anak nyang kumain.

Pinaunlakan nman ito ni Gabby na ikinatuwa ng matanda. Dahil maganang kumain si Gabby.

"Ang tagal mong di napasyal sa akin. Sa'n ka na ba ngayon nakatira?"Ang tanong nito ng makaupo sa kaibayong upuan sa harap nila.

"Doon na po ang bahay ko sa palawan, Nanay Rosita. "Ang nahihiya nyang wika rito. Alam nyang nagdamdam ito ng di na sya muling nakabalik sa bahay nito.

"Ang layo mo nman! Sa'n ang husband mo ngayon? "Ang pagbukas nito ng usapan about sa asawa nya.

"Complicated po. Saka ko na lang po ipapaliwanag sayo kapag ok na po ang aking sitwasyon."ang mahina nyang wika saka nag-iwas ng tingin rito.

Naiintindihan nito ang sinabi nya kaya di na uli ito muling nagtanong pa. Hinarap na lamang ang kanyang anak na sumasagot na sa mga katanungan nito.

Kinahapunan nagpaalam sila kay Aling Rosita na aalis na dahil hahanap pa sya ng matutuluyang hotel. Pero di ito pumayag. Dumuon na lamang daw sila. Doon na rin sila pinakain ng pananghalian sa bahay nito.

Kaya nagpaalam na lamang syang ipapasyal ang anak sa mall. Mamimili na rin sya ng iba pa nilang kailangan.

Muli silang umalis at nagpahatid sa taxi sa malaking mall. Gusto ng anak nyang maglaro sa world of fun. Iyon ang una nilang tinungo. Pagkatapos ng magsawa na ito sa kakalaro roon. Dinala nya ito sa kilalang fast food. Hinayaan nya itong pumili ng mga gusto nitong kainin. Napapangiti na lamang ang crew sa kadaldalan nito. kahit sa toys ito rin ang pumili.

Nakaupo na sila sa pandalawahang upuan magkaharap silang nakaupo at hinihintay dumating ang in-order nilang mga pagkain.

Samantalang sa isang sulok ng fast food nakamasid nman ang isang lalaking kanina pa nakabuntot sa kanila. Nakasuot ito ng kupasing jeans at white shirt na pinatungan ng maong na jacket. Saka nakasuot ng sumbrero at dark shades. Matamang nakamasid sa kilos ni Mitch. Simula sa Quezon city hanggang sa mall nakabuntot ito sa kanila.

Maya maya pa tumayo ito at lumapit sa manager ng fast food chain at kinausap ito. Saka may ibinigay na maliit na bagay. Nag-alinlangan ang manager ngunit dagli ring napalitan ng ngiti ang labi nito ng abutan nito ng pera. saka muling bumalik sa pwesto nito sa isang sulok at muling naupo.

"Yeppy! They give me lots of toys Mimi! "Ang nanlalaking mata na bulalas ng anak ng dumating ang mga pagkaing in-order.

Napangiti na lamang sya. Natutuwa sa anak na maganang kinain Ang pagkain nito.

Sya nman um-order lamang ng salad at pineapple juice.
Paunti unti lamang ang pagsubo nya dahil di sya nagugutom. Gusto nya lang may kasabay si Gabby sa pagkain. Napangalahati nya pa lang inumin ang kanyang juice ng makaramdam sya ng pagkahilo. Wala sa loob na napakapit sya ng mahigpit sa mesa nila. Dinaklot sya ng takot. Dahil naramdaman nyang biglang namigat ang talukap ng kanyang mata. Ayaw nyang ipikit iyon ngunit mas malakas ang hatak ng anumang gamot na nakahalo sa kanyang inumin.

"Gabb- "ang mahinang sambit nya sa pangalan ng anak bago tuluyang dumilim ang paningin at nawalan sya ng malay.

"Mimi! "Ang nahintakutang sigaw ni Gabby.

Lumupaypay ang kanyang kamay kasabay ng pagbagsak ng kanyang katawan sa floor. Ngunit bago pa man iyon tuluyang lumapat sa floor may mga bisig ng maagap na sumalo sa katawan ni Mitch.

$MARRIAGE OF CONVENIENCE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon