Chapter 3

7.8K 179 1
                                    

  Nakasunod sya sa likuran ng lalaki na  malalaki ang mga hakbang na ginawa. Kaya nman lalo nya pang binilisan ang kanyang mga hakbang para makahabol rito. Ayaw nyang mabaling na nman ang yamot nito sa kanya.
   Piling nya kahit may katangkaran sya maliit pa rin syang tingnan kapag kasama ito.
  Tantiya nya 6'0" ang  height nito saka may matitikas na pangangatawan. Maalaga sa kalusugan ang sinundang lalaki kaya malamang alaga nito ang katawan sa fitness gym.
Nang biglang napahinto ito dahil nasa tapat na pala sila ng elevator.
  Di sinasadyang napasubsob sya sa likuran nito dahil di nya nman inaasahang hihinto ito.
'Malay nya bang bigla na lamang ito ng walang pasubali!'bulalas ng kanyang isipan.
Nanlalaki ang mga mata at napapaawang ang kanyang bibig sa pagkabigla nya at agad naitakip ang kamay kanyang  sa labi habang napatitig dito ng kagimbal-gimbal.
'Patay na! Katapusan nya na talaga!'sigaw nya sa isip.
Kasabay ng paglingon nito ay  binigyan sya nito ng matatalim na mga tingin na sya nyang ikinanginig ng mga tuhod.
"Sor-sorry s-sir.. "ang napapangiwi at napapautal nyang wika  rito. Muli lamang itong napapihit sa harapan at hinintay na magbukas ang elevator. Di sya nito pinagkaabalahan. Walang imik at halatang aburido ang lalaki. Naisip nya baka may buwanang dalaw ito o di kaya ay kulang sa sex life! Agad nyang naitakip ang dalawang kamay sa bibig dahil sa maduming isipan  at napatitig sa malapad nitong likuran. Gusto nyang mapabunghalit ng tawa sa naisip ngunit nagpigil sya ng sarili dahil baka bigla sya nitong mahuli.
Napapitlag sya ng huminto at bumukas ang pintuan ng elevator. Walang imik itong pumasok. Agad naman syang tumalimang sumunod rito baka mamaya ay maangilan na nman sya nito.
   Walang ibang sakay iyon kundi silang dalawa lamang. Pakiramdam nya nasa isa syang silid na napakatahimik. Parang wala syang kasama at di sya nito nakikita.
In short snobbish ito at di friendly! Hmmp!
  "Don't let your eyes roam around .  Follow me or else you'll get yourself in trouble later! "Ang malamig na wika nito saka lumabas ng elevator at tuloy tuloy naglakad.
Di nya napansing lumapag na pala sila third floor.  So,dito pala ang opisina ni mister sungit aniya sa isip ng sumunod rito.
Sa muli malalaki at mabibilis ang ginawa nitong mga hakbang. Nakasunod sya sa lalaki. Ayaw nyang sumulyap sa ibang bahagi ng floor na iyon sa takot na  baka mamaya mawala ito sa kanyang paningin.
"Oh, God help me please. "Ang naidalangin nya ng lihim habang hinahabol ito.
Napahinto ito sa isang magarang pintuan may nakalagay sa labas na General Manager Office.
"Oh God! He's the big boss!"ang hiyaw na bulalas ng kanyang isipan.
Kaya nman pala pormal at mahal bilhin ang ngiti nito dahil big boss pala ang lalaki. Di nya agad ito namukhaan kanina. Iba ang mukha nito sa business  magazines  na nababasa nya noon.
"What are you waiting for? Get  inside!"ang matigas nitong pukaw sa kanya. Nakatayo pa kasi sya sa labas ng office nito at nakanganga na tila wala sa sarili. Gusto nyang iuntog ang sarili sa wall na nasa tabi nya para bigla syang umayos sa harapan nito.

Para syang natauhan sa malamig nitong trato sa kanya at wala sa loob na biglang napahakbang papasok sa loob ng opisina nito.
Malaki ang opisina ng lalaki. May set ng elegant sofa na ang color ay silver gray sa kaliwang panig ng room sa kanan nman ay may nakalagay na mesa  na may dalawang upuan na alam nyang mamahalin. May mini library rin  at bar sa likurang bahagi.
May isa pang nakapinid na pinto sa loob niyon. Tantiya nya ay bathroom iyon or may iba pang gamit iyon sa loob.
"Sit down. "Anito sa kanya matapos nitong maalis ang tuxedong suot at isinabit sa rack na nasa isang tabi. Naka long sleeve na lamang ito na white at kurbatang itim.
Tumalima sya sa sinabi nito at naupo sa upuang iminuwestra sa kanya ng lalaki.
Napaupo ito sa swivel chair at matamang nakamasid sa kanya.
"So, you're an intern in my company. What's your course? "Anito pagkaupo pa lamang nya.  Seryoso ang mukhang nakamasid sa kanyang kilos.
"Business management sir. "Ang lakas loob nyang sagot rito.
"Hmmm,tell me why you want to be in the business world where you can  have lots of option to choose?"anitong curious malaman ang isasagot nya .
"Because  that's what I wanted. "Ang walang prenong sagot nya rito.
"It is?" Anitong matamang nakamasid sa kanyang mukha.
"Yes." Mapatango tanging tugon nya rito.
Nakatutok ang kanyang tingin  sa mesa nito di sya naglakas loob na salubungin ang mga tingin nito. Ayaw nyang salubungin ang mga nanunuot  at nakakapaso nitong titig sa kanya dahil tila may kung anung kuryente syang nararamdaman sa kanyang katawan. Pakiramdam nya tuloy Y isasailalim sya nito sa self crossing examination.
"Good. You're a smart girl and I like you!"anito saka tumayo at sinenyasan syang sumunod rito. Binuksan nito uli ang pintuan ng office at saka lumabas.
Iyon lang ang itinanong sa kanya ng lalaki? Ang dali lang ng interview nito sa kanya di man lang sya pinagpawisan ng kili-kili himutok nya sa sarili.
"You see that desk at the right side? That would be your table. You'll answer my phone calls but before you transfer it to my line. Let me know first who's calling, understand? "Ang baling nito ng sundan nya ng tingin ang itinuro nitong desk.
"Yes sir. "Aniyang mapatango sa lalaki.
"Ok, go in your workplace and let's start the day! "Ang wika nito na bahagya syang nginitian ng matipid.
Pagkatapos ay muli itong tumalikod at pumasok  sa loob ng opisina nito.

'My God! He gives me a smile!'tili nya sa isip.
  Napasulyap pa sya sa nakasarang pinto ng may ngiti sa labi dahil binigyan sya nito ng matipid na ngiti sa unang pagkakataon. Magaan ang kanyang pakiramdam ng tunguhin ang desk para sa kanya. Marunong nman palang ngumiti ang bagong boss nya. Akala nya wala sa vocabolary nitong ngumiti.

May kalayuan  sa opisina nito ang desk nya. Kaya di sya maaasiwa sakali mang lumabas ito bigla.
Akala nya sya lang ang tao roon nang may magsalita sa kanyang likuran. Medyo napalundag pa sya pagkagulat rito.
"Hi! You're his new secretary eh? "Tanong ng lalaking bagong dating, nasa middle age na ata ito ng lingunin nya ito.
"Temporary secretary. "Ang pagtatama nya sa sinabi nito.
"Oh. Good luck miss.....? "Anito na tinatanong ang first name nya.
"Mitch, "aniya at nginitian ito.
"I am Frank, senior executive here. "Ang wika nito.
"Nice to meet you sir Frank "Ang magalang nyang wika rito.
Ngumiti lang ito saka umalis din agad  at nagtungo sa nakapinid na opisina sa gilid nya. Pumasok ito at di na muling lumabas pa.
  
Pagkapasok noong lalaki saka nagdagsaan ang callers sa linya ng phone na nasa harapan nya.
  Nagpapa- appointment ang mga ito sa big boss. Iyong iba gustong makausap agad ang lalaki pero panay ang tanggi nitong makausap ang isa sa mga iyon. Parang gusto nyang layasan ang mesang kinauupuan. Ayaw na ayaw nya ang secretary works. Dahil ang mga ito ang pinakasinungaling sa lahat ng nagtatrabaho sa office. Napipilitang magsinungaling para pagtakpan ang boss. Wala nman silang magagawa kapag ayaw makausap ng boss ang caller so ang ending gagawa ng alibies para di sumama ang loob ng caller.
     Nang wala ng makukulit na tumatawag inayos nya nman ang mga files ng secretary nito. Lahat inayos nya alphabetically. Pati ang mga appointment nito para sa buong week. Lahat ng meeting,functions at even personal dates inayos nya din.
Nasa ganon syang gawain ng mag ring ang phone sa tabi nya.
"Yes? Allegre steel Industry hello... "ang business  tone nyang sagot sa telepono.
"Who's this? Where's Santa? "Ang wika ng babaeng may kaartehan ang boses.
"She's sick ma'am. May I know who's on the line please? "Aniya uli pilit kinalma ang sarili dahil ramdam nya ang iritatasyon sa boses ng babae.  At ayaw nyang patulan ang kaartehan nito.
"Tell your boss it's Frida! "Anito piling boss rin.
"Wait for a moment ma'am. "Aniya saka tumayo at tinungo ang pintuan ng opisina ng boss.

She knock twice before she opened the door. She heard him say come in so she go inside.
"Sir line two. A certain Miss Frida wants to talk to you. "Aniya kahit di pa sya natatapos magsalita agad nitong pinindot at inangat ang cradle. Masayang sinagot at kinausap ang babaeng nasa kabilang linya.

"I can't darling. Not now, next week maybe... "ang wika nito na tumalikod sa gawi nya .
Walang salita syang lumabas ng pintuan saka muling bumalik sa pwesto.
'So, may nagmamay-ari na palayo rito. Aniya sa isip.
   Di nya alam kung bakit para syang nadismaya sa kaalamang may babaeng tumawag rito.
   Ito si Charles Allegre ang business tycoon na iniidolo nya sa larangan ng business world.
Sa edad na thirty two malaki na ang napatunayan nito sa business. May business ito sa loob at labas ng bansa . Ang company nito ang isa sa mga kilalang steel industry  sa buong pilipinas.
  At ito ang gusto nyang tularan. Alam nyang impossible na maabot ang katayuan nito ngunit ang makapagtrabaho rito ay isang malaking factor na sa kanya.
  Gusto nyang makapagwork under his company and learn many things from him too.
Sana mabigyan sya ng chance na makasama sa team nito. If ever mangyari iyon sya na siguro ang pinakamasayang nilalang sa buong mundo.

$MARRIAGE OF CONVENIENCE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon