Pinangko ng lalaki si Mitch saka nito hinawakan ang natakot na si Gabby.
Nagtangka itong kumuwala ngunit mahigpit ang pagkakahawak nya sa maliit nitong kamay.
Nakalabas sila ng fast food na walang may nangiming makialam. Binuksan ang hi-lux na sasakyan at inilagay si Mitch sa back seat.
Saka nya nman binalingan ang batang lalaki. Tinanggal nya ang sombrerong suot at dark glasses para makilala sya ng bata.
"Daddy Charles! "Ang gulat nitong bulalas saka ito sinugod ng yakap.
Dama ni Charles ang kaba ni Gabby. Mahigpit ang pagkakayapos nito sa kanyang leeg ng kinarga nya ito.
Pinaupo nya ito sa tabi ng driver seat saka lumigid at sumakay sa loob ng kanyang sasakyan.Pinatakbo nya iyon sa kahabaan ng usad pagong na usad ng mga sasakyan sa high way patungo sa kanyang bahay.
"Am sorry honey if I scare you. "Ang baling nyang wika sa katabing si Gabby. Tahimik itong nakaupo sa tabi. Panaka nakang napapasulyap sa nawalan ng malay na ina.
"Are you still scared? "Ang muli nyang tanong rito.
"No. You are here now and you won't leave me, right? "Tanong nito. Bakas ang pag-aalala sa boses at mukha nito.
Pero pilit tinatago ang totoong naramadaman. Nahiya itong aminin sa kanya ang totoong nararamdaman nito. Tipikal sa batang may mataas na ego gaya nya noon. Nakikita nya ang sarili kay Gabby noong maliit pa sya.
"Yes. I won't ever leave you. You and Mimi. "Aniya sa anak na inabot Ang maliit nitong palad.
Dinala sa kanyang labi at hinalikan iyon at masuyo nya itong tiningnan.
"Daddy... "anito saka yumakap sa kanya.
Di na napigilang wag itong mapaiyak habang nakasubsob ang mukha nito sa kanyang katawan. Tuluyan na ngang pinakawalan ng anak ang pigil na emosyon.
"Hush, mommy will be alright. Tomorrow she will wake up. For now, stop crying. Big boy don't cry honey."aniya na inilayo ng bahagya ang mukha nito sa kanyang katawan.
Napangiti sya ng pinalis nito ang mga luha sa pisngi saka binago ang expression sa mukha nito. Iyong Gabby na suplado at seryoso ng una nya itong makita sa airport ang pinalit nitong expression.
"That's my boy! "Aniya saka ito niyakap at kinintalan ng halik sa noo sabay gulo ng buhok nito.
Malapit ng magdilim ng makarating sila sa bahay nya.
Pinagbuksan sila ng gate ng kanyang hardinero.Nauna syang lumabas saka lumigid sa side ni Gabby ay pinalabas ito ng sasakyan.
"Hilda! "Ang malakas nyang tawag sa katulong.
Nagmamadali nman iyong napalabas agad tinungo ang kinaroroonan nya.
"Take my son inside. "Aniya saka binuksan ang likuran ng sasakyan saka muling pinangko si Mitch.
Marahan inilabas sa car saka pinasok sa loob ng bahay. Tuloy tuloy sa master bedroom.
Gilas at napamaang si Hilda ng mamukhaan ang babaeng pangko ng kanyang amo.
Si Mitch iyon kung di sya nagkakamali pero bakit walang malay ang among babae? Ang takang tanong nya sa isip. Napatingin sya sa batang nasa harap at nakasunod ang mata sa kanyang among lalaki. Hinarap ni Hilda ang gwapong batang lalaki na tinawag ng amo na anak nito.
"Anung pangalan mo? "Ang magiliw nyang tanong rito.
"Gabby. "Ang tipid na wika ng bata.
"Halika sa loob. "Ang wika nyang ngumiti rito. Ramdam nyang agam agam ng batang pumasok sa loob.
"Is this Daddy Charles house? "Ang ani ng bata na ang mga mata naglulumikot at nagmasid sa kabuuhan ng entrance ng bahay.
"Oo."aniyang napangiti uli. English speaking Ang batang dala ng among lalaki.
Baka mamaya kapag muli syang tinanong nito di sya magkandaugaga sa pagsagot.
Lihim lamang syang nakamasid sa bata na dinala nya sa sala.Naglulumikot pa rin ang mata nito ng maupo sa sofa. Nang bigla itong magsalita ay di nya napigilang mapalundag sa gulat dahil nawili sya sa kakamasid sa buong mukha ng bata. Nakatutok ang pansin nito sa wedding pictures ng mga amo na nakasabit sa harap ng sala. Malaki ang pinagawang picture frame na iyon ng mag-asawa.
"That's my Mimi! Why she and daddy Charles have pictures together? "Ang bulalas nitong tanong saka sya binalingan.
Mataman itong nakatingin sa kanya at naghihintay ng kasagutan.
'Naku! Sinasabi ko na nga ba eh. Makakapag salita ako nito ng kinamatis na English! 'Ang kausap nya sa sarili.
"She and sir Charles are husband and wife. That's it! "Ang bigla nyang sabi.
Gustong matawa sa sarili kung tama nga ba ang English nya.
Hinarap sya ng bata. Di kontento sa kanyang kasagutan."You mean to say, they're married?! Mimi is my daddy Charles wife?! "Ang wika nito na matamang tumitig sa kanya.
'Naku patay na nga! Bakit ba kasi ako pa ang pinaharap sa batang ito.'ang kagat labi nyang murmur sa sarili.
"Yes honey. I and your mom is married for six years and you're my son. I'm your real daddy. "Ang narinig ni Hildang wika ni Charles sa kanyang likuran.
Nakahinga sya ng maluwag saka nagpaalam na ipaghahanda ng meryenda ang bata.
Pagkaalis ni Hilda lumapit si Charles sa anak. Pinaupo ito sa kanyang kandungan. Naguguluhang tumingin sa kanya.
"Mimi said, my real father died when I was still in her tummy. "Anito sa kanya saka napatitig sa kanyang mukha.
"She lied to you honey. Mommy and I have misunderstanding that's why she leave me and hide in Palawan until she give birth to you. I keep on searching your mom for years until one day your mommy Heart and daddy Kenny invited me in your house in palawan. You see, I have no idea you are my son. Mommy kept you away from me"Ang sabi nya sa anak.
Di nya alam kung naiintindihan ba nito ang sinabi nya rito. Mataman lang itong nakatingin at nakikinig sa sinasabi nya.
"Are you angry with us? "Ang tanong nya rito.
"No. Even Mimi lied about you. I still love her and you. I ask Mimi to marry you so that you can be my real daddy. "Ang sabi nito sabay yakap sa kanya.
Niyakap nya rin ito ng mahigpit. Matalino ang anak kaya alam ni Charles na naintindihan sya nito. Naipangako nya sa sariling di nya na muling hahayaang mawalay ang kanyang mag-ina. Gagawin nya ang lahat para mabuo silang muli. Kung kinakailangan suyuin nya si Mitch susuyuin nya ito at muling papakasalan.
BINABASA MO ANG
$MARRIAGE OF CONVENIENCE(COMPLETED)
Romance#1-secretidentity #1-hiding #1-otherwoman #2-blackmail #2-babydaddy #2-fanfiction #4-blackmail #5-forced "What is this? "Ang napakunot noo nyang wika. Sinilip nya ang laman noon. Gusto nyang masiguro na tama ang kanyang nakita sa loob nyon saka ibi...