Nagdaan ang maraming araw,linggo at buwan. More than two years na silang magkasama ni charles. wala pa ring ipinagbago ang sitwasyon ng buhay ni Mitch.
Dedicated pa rin sya sa trabaho nya. Sunod sunuran pa rin sya sa kanyang asawa kahit minsan Gusto nya ng magmatigas rito.
Nagsasawa na sya sa kanyang daily routines. Sa kanyang paligid. NaRirindi na sya sa mga naririnig tungkol rito at kay frida. Parating nakikitang magkasama at magkadikit. Sa party or kahit anung okasyon na wala sya roon.
Akala nya noon kapag nakamit nya na ang lahat ng ambition wala na syang hahanapin pa. Pero nagkamali sya ng akalang ang makilala sa business world at maging mayaman, Tinitingala sa sosyudad ay enough na. Na doon lang iikot ang buong buhay nya. Na mamatay syang walang pagsisisihan.
Until one day.........one important person came to her life.
Magkahalong saya, lungkot at pag-aalala ang kanyang naramdaman ng araw na iyon. Di talaga sya nagkaroon ng ideya na ang mga signs na naramdaman noon ay di nya napagtuunan ng pansin.
Bigla syang nagkaroon ng bagong pag-asa. Kahit alam nyang ang kapalit noon ay ang iwan ang anumang meron sya ngayon.
"Are you sure you want to do this? "Ani ni Alfred. Ito ang dahilan kaya malakas ang loob nyang gawin ang bagay na akala nya di nya kayang gawin.
"Yes. "Ang medyo garalgal nyang nawika sa lalaki.
"You're ready to face his anger? "Anito uli. Ginagap.ang kanyang kamay sa taas ng mesa. Nasa isang sulok sila ng private place.
"I'll take it. "Ang tila may bikig sa lalamunang wika nya.
"Pwede pa nman magbago ang lahat sweet... "anito. Di nya napigilang humagulgol. Niyakap sya nito ng mahigpit. Inalo sya at pilit pinapagaan ang bigat na dinadala. hinalikan sa noo at muli syang pinayapa.
"Just don't leave me Alfred in this freaky situation am dealing now . You know how much I care for you."ang sabi nya kumalas sa yakap nito.
Simula ng makilala nya ito . Naging open sya sa lahat ng nangyayari sa kanyang buhay. Lahat sinabi nya rito . Ito ang kanyang takbuhan, hingahan ng sama ng loob. Special ito para sa kanya.
"Lahat ba ng kakailanganin natin sa pag-alis mamaya nasa ayos na? "Ang muli nitong wika sa kanya.
"Yes. Lahat inayos ko na noong nakaraang week ko pa ginawa. "Ang sagot nya sa kaharap.
"Good. Wala na ba tayong nakaligtaan gawin at dalhin sa pag-takas mamayang gabi? "Ang matamang tanong nito sa kanya.
"Wala na ata. "Ang medyo napaisip nyang wika.
"Kelangan wag kang mabalisa mamaya. Kelangan cool ka lang at wag pahahalata sa gagawin kong pagkuha sayo mamaya sa bahay nyo. "Ang paalalang wika ng lalaki.
Kinagabihan isasagawa ni Mitch Ang planong takasan ang lahat ng kanyang responsibilities. Sa company ,kay Charles at sa lahat ng anumang nakasalalay sa kanyang kamay. Kapalit kasi noon ay ligaya na ibibigay ng taong makakasama nya habang buhay.
Sa pagkakaalam ni Charles may kakausapin syang kliyente sa labas kaya sya nagpahatid sa driver nito. Di nya ginamit Ang sariling sasakyan dahil walang mag-uuwi noon pabalik. Sinabihan nya Ang driver na magpapahatid na lamang sya sa bahay mamaya.
Wala syang ibang dala kundi maliit na handbag lamang nakapaloob roon ang lahat ng important things na kailangan nya. Ayaw nyang magduda si Charles kapag nalaman nitong nawawala ang iba pa nyang kagamitan.
Ang tanging note na iniwan nya sa taas ng bed nito ay ang mga katagang.
"I BREACHED OUR AGREEMENT. " she wrote it in bold letters.. before she leaves his house, her cozy world which Charles offer her.
BINABASA MO ANG
$MARRIAGE OF CONVENIENCE(COMPLETED)
Roman d'amour#1-secretidentity #1-hiding #1-otherwoman #2-blackmail #2-babydaddy #2-fanfiction #4-blackmail #5-forced "What is this? "Ang napakunot noo nyang wika. Sinilip nya ang laman noon. Gusto nyang masiguro na tama ang kanyang nakita sa loob nyon saka ibi...