Chapter 2

8.7K 185 5
                                    

Inabot ng dalawang araw bago na comply lahat ni Mitch ang lahat ng requirements sa kanyang scholarship. Kasabay na rin ng araw na iyon ang pag-enroll nya sa nasabing paaralan.
Pumasa sya sa entrance examination ng university. Kinuha nya ang kursong napupusuan. At iyon ay ang Bachelor of Science in Business Management.

Matapos magawa ang lahat ng dapat gawin nag-umpisa na rin syang maghanap ng mawoworking-an na establishment.
Gusto nyang magwork ng ilang oras para nman makadagdag iyon sa perang dala nya.
Sinuwerteng matanggap sya bilang isang crew sa isang fast food chain di kalayuan sa bahay na kanyang tinutuluyan.
Kaya inayos nya ang lahat na kailangan para i-submit iyon sa kanilang manager.
Isang sakay lamang iyon galing sa tinitirhan nya. Tuwing umaga lang sya nagpapaluto kay Aling Rosita. Sa labas na lamang sya kumakain tuwing tanghalian. Sa gabi nman bumibili lamang sya ng food.

Kahit nagstart na ang kanilang klase patuloy pa rin sya sa pagtatrabaho sa nasabing fast food dahil ayaw nyang bitiwan ang pagkakataong binigay sa kanya. Hangga't kaya nyang pagsabayin ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho roon ay di nga iyon bibitiwan. Naisip nyang mas mainam ng meron syang makakapitan sakaling unti unti mauubos ang kanyang pera.

Noong una nahirapan syang makapag-adjust sa kanyang bagong routine. School, work at bahay lamang ang kanyang pinupuntahan. Kalaunan matapos malaman at maiayos ang kanyang class schedules ay di na ganun kahirap ang kanyang naramdaman. Madali nyang iyong nakagamayan sa pamamagitan ng pagsasaayos ng kanyang school at working time.
Minsan kapag sobrang pagod sya nakakaidlip sya sa work lalo na kapag madami syang assignments at projects na nakakapagbigay ng stress ng isip nya.
Marami syang subjects kasi first year pa lamang. Dahil full load ay pinilit nyang pagsabayin ang school at part time job nya hanggang kaya nyang pagsabayin iyon ay wala syang problema. Ang kanyang determination ang nagpupursige na kayanin nya ang lahat ng iyon para sa kanyang minimithing pangarap.
Ika nga no pain no gain. At iyan ang isa sa kanyang motto.

Nang malampasan nya ang second semester medyo nabawasan ng isang subject ang dating walo subjects na meron sya kaya naman medyo nakahinga sya ng maluwag.

Favor iyon sa kanya. She's still a working student. But ibang shift ng time na sya pumapasok dahil sa new schedule meron sya.
Nabago kasi ang bakanteng oras nya kaya nagpalipat din sya ng oras sa pagpasok sa fast food. Maputi na lamang at madaling mapakiusapan ang kanyang manager na agad pumayag.

Dati half scholar sya sa university meron syang mini- maintain na high grades at lalo nya pa iyong pinag sikapan mapataas para maging full scholar na sya . Isa sya sa mga dean's list sa department nila. Kaya nman pagkasecond year nya sa university medyo nagbawas sya ng oras ng pagtatrabaho. Medyo mahirap ang major subject nya kaya kelangan nyang pagtuunan iyon ng pansin.

Lumipas ang maraming buwan at sa wakas nasa huling taon na sya ng kolehiyo.Malaki ang kanyang pasasalamat sa naging biyaya sa kanya ng nasa itaas. Naging regular na sya sa nasabing fast food dahil sa mahabang oras na bakante sya at na promote sya ng di inaasahan bilang assistant supervisor ng fast food dahil sa kanyang pagpupursige sa trabahon na sya nyang ikinagalak. Di nya iyon inaasahan ngunit nagpasalamat pa rin sya sa panginoon.

Thesis at training na lamang kasi ang kelangan nyang pagtuunan ng kanyang pansin kaya mas mahaba na ang oras ng kanyang pagtatrabaho sa part time job nya.

She's processing her intern documents in a big steel company sa pinakasento ng manila. Kapag nakapasok sya roon malaki ang chances na maaaring ma- absorb sya ng nasabing company kapag nagandahan sa performance nya. At iyon ang pinakamimithi nyang mangyari. Alam nyang malaki at may malawak na sangay ang kompanyang iyon kaya nman di nya mapigilang huwag mag-ambition na makapagtrabaho roon.

Tinapos nya muna ang paggawa ng final thesis bago magtraining.
Mapalad sya at isa sya sa mga natanggap ng HR ng nasabing kompanya.
Halos maglulundag pa nga sya sa tuwa ng tawagan sya ng HR department at pinapareport sya after a week.

$MARRIAGE OF CONVENIENCE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon