Naputol ang usapan nilang dalawa ng lumapit ang tatlo dahil excited na ang kanyang anak na laruin ang pasalubong ng mag-asawa.
Lulan ng malaking sasakyang minamaneho ni Lynette or Mitch ramdam nya ang panakaw na sulyap ng lalaki sa kanya.
Nakaupo ito sa harap katabi nya. Samantalang ang tatlo ay nasa likuran nila. Di magkamayaw ang anak sa pagkukwento ng mga ginawa nito sa school.
Naaliw ng husto ang mag-asawang tanungin ito ng tanungin dahil lahat alam nito.
Napailing iling lamang syang pinakikinggan ang pagbibida ng anak nya.
Medyo may kabilisan ang patakbo nya sa daa kaya ng di sinasadyang matama ang gulong ng sasakyan sa may kalakihang bato medyo napalundag iyon at naungtog si Charles sa gilid ng bintana.
"Oops! Sorry, I did not see the big stone. "Ang hinging paumanhin nya sa lahat. Nang di sinasadyang napasulyap sya sa katabi. Nakita nyang nakasimangot ito na magkasalubong ang kilay.
"Are you always like this? "Ang mahina nitong wika tanging sya lang ang makakarinig.
"Huh? What do you mean always like what? "Ang ani nya na di agad nakuha ang ibig nitong sabihin.
"Reckless driver! "Ang mariing wika nito tinapunan sya masamang tingin.
Napatawa sya sa sinabi nito. Ito pala ang unang beses na pinagdrive nya ang lalaki. Dahil may kanya kanya silang car noon. Never nya itong nakasabay sa sasakyan. Kaya di nito alam na di nman talaga sya ganun ka bilis magpatakbo. Kapag nagmamadali lamang sya nagpapatakbo ng matulin sa daan.
Marahas itong napabaling sa kanya. Di nagsalita pero alam nyang nayamot ito sa kanyang tawa.
Itinuon nya na lamang ang kanyang atensyon sa pagmamaneho hanggang marating nila ang villa.
Excited bumaba ang kanyang anak. Tinawag ang kawaksi para tulungan silang maipasok ang lahat ng mga bagahe ng bagong dating.
Pero hindi nya hinayaang mabuksan agad iyon ng anak hanggat di pa sila nakapagla lunch. Dahil mawiwili iyon at di gaganahan sa pagkain.
Masayang dumulog ang mga bagong dating sa hapag kainan kasama ang anak. Sya nman ay nasa labas ng bahay kausap ang isang kliyente. Gusto syang makausap ng personal.
Dahil sya lamang ang di pa dumudulog sa mesa. Di nya alam na pinasundo sya ng mag-asawa sa lalaki.
Kausap nya pa rin ang makulit nilang kliyente may katandaan na iyon at masyadong palabiro kaya di nya mapigilang wag mapatawa ng malakas.
Napakunot noo nman si Charles pagkalabas. Nakita nyang nakatalikod sa gawi nya ang asawa. May hawak na phone at may kinakausap. Napatawa ito ng malakas kaya lalong nagsalubong ang kanyang kilay na nakamasid rito.
Ngayon nya lang narinig ang tawa ng babae na ganun kalakas. Di ito ganun tumawa noon.
Nakita nyang medyo humarap ito sa gawi nya pero di sya nito napansin. Nakalagay ang isang kamay sa loob nh bulsa ng short nitong suot sa harapang bahagi. Maya maya inalis iyon at humawak sa pagkakabuhol ng laylayan ng suot nitong damit pantaas. Marahang nilaro laro. Nakapagkit ang magandang ngiti sa labi ng bigla itong magtaas ng tingin at nahagip sya sa kinaroroonan ng mapasulyap sa kanya ang asawa.
Nagtaka si Mitch kung bakit nasa labas ang lalaki. Bago sya lumabas kanina nasa hapag na ito.
Nakita nyang humakbang ito patungo sa kinaroroonan nya.
"Ok Carl. I'll see you later. Yes, I will. No. No. I won't forget. Bye. "Ang sabi nya sa kausap at tinapos na iyon.
"What are you doing here? "Ang agad nyang wika rito.
"Am looking for you. Bakit mas inuna mo pa ang tawag ng kung sinuman kesa sa pagkain. "Ang walang ngiti nitong sita sa kanya.
"You like a nagging husband! "Ang komento nya na di napigilang magpakawala ng nang-aasar na ngiti. Naglakad patungo sa pinanggalingan nito at nilampasan ang lalaki.
Di pa sya nakakalayo rito ng ilang hakbang ng mahagip nito ang isang braso. Hinila sya pabalik sa kinaroroonan nito.
"I am still your husband Mitch! Don't ever forget that! "Ang mariing wika nito na humigpit ang pagkakahawak sa braso nya.
"As far as I know Charles. Wala ng bisa ang kasal nating dalawa. Magmula ng labagin ko ang pre nuptial agreement natin! Don't you remember what's inside the agreement? "Ang inis nyang wika rito. Nagtangkang bawiin ang brasong hawak nito pero di nito pinakawalan.
"Only if I agree and sign it. "Wika rin nito na biglang sumilay ang tusong ngiti.
"What do you mean? "Ang napamaang nyang tanong.
"Mawawalan lamang ng bisa ang kasal kapag gumawa ako ng hakbang para maannull ang kasal natin. Don't you think sa ganong reason mawawalan agad ng bisa ang kasal 'natin ha? "Ang napatawa nitong saad.
"You're still my wife and will remain as my wife until we both dead!"ang wika nito. Tinitigan sya sa mata na wala ng suot na glasses. Inalis nya iyon at iniwanan kanina sa car.
Inangat ng isa nitong kamay ang kanyang mukha para lalo syang matitigan ng maigi. Sinimangutan nya ito at iniiwas ang mukha sa lalaki. Maagap nitong napigil ang pagbiling ng kanyang mukha.
"Now that I found you. We'll go back to Manila and live together. I will accept your son as my own son. he'll have a figure father. "Ang saad nito na hinaplos ang medyo namumulang pisngi sanhi ng init sa labas ng bahay.
Ipiniksi nya ang mukha at nagsalita.
"Over my dead body! I Won't go back to your life! Never! Understand?! Di na ako ang dating Mitch na asawa mo Charles, may kanya kanya na tayong buhay. So move forward! "Ang inis nyang asik rito na ikinatawa lamang nito.
"Hmmm, palaban ka na ngayon. Di ka na si Mitch na sunod sunuran sa lahat ng gusto ko. Well, mas lalo akong nagpupursiging maging akin ka muli! I'll make sure. One day, ikaw mismo ang tutungo at makikiusap sa akin! "Ang wika nito na hinimas ng isang daliri ang kanyang labi nya saka sya tinalikuran. Pumasok ito sa loob ng bahay .
Naiwan syang nagpupuyos ang kalooban. Naiinis sya sa lalaki. Masyado pa rin itong confidence sa sarili na babalikan nya pa ito.
BINABASA MO ANG
$MARRIAGE OF CONVENIENCE(COMPLETED)
Romance#1-secretidentity #1-hiding #1-otherwoman #2-blackmail #2-babydaddy #2-fanfiction #4-blackmail #5-forced "What is this? "Ang napakunot noo nyang wika. Sinilip nya ang laman noon. Gusto nyang masiguro na tama ang kanyang nakita sa loob nyon saka ibi...