"Mimi, look. We caught a big red star fish! "Ang nagtatakbong wika ng tatlong taon na batang lalaki palapit sa kinaroroonan nya.
Nakaupo sya sa chair na ginagamit nya kapag gustong magpatan ng balat.
Agad nitong pinakita sa kanya ang hawak na star fish. Nasa tabi ng dagat silang tatlo, sya nakaupo habang nagrerelax at ang dalawang lalaki ay naglalaro sa tubig.
"Wow! That is beautiful honey... but you cannot take it out in the water. It'll die later on. "Aniya na hinawakan ng mukha ng napasimangot nyang anak. at hinalikan ito sa noo.
"But Mimi, I want to put it in my bedroom! "Ang napapiksi nitong wika sa kanya.
"I understand. Why don't you put it back where you found it and let it live. I'll buy you a star fish toy when I go shopping. Honey, if it will dry from heat of the sun. The smell of it is awful. Just like the smell of dried fishes in the market. "Ang paliwanag nya rito.
"Yucky! I don't want it anymore! "Ang biglang nandiri nitong wika kasabay ng pagtakbo palapit sa binatang kasama nito.
Napapangiti nyang sinundan ito ng ngiti. Wala syang pinagsisihan sa ginawang decision noon. Walang katapat na kayamanan ang ligayang hatid nito sa buhay nya.
Maya maya tinawag nya ang dalawa para pumasok sa loob ng rest house na pinatayo nya dalawang taon na ang nakakaraan.
Lahat ng pangyayari sa buhay nya ay pawang magaganda. Gabby is her lucky charm. Simula ng dumating ito sa buhay nya. Umiba ang naging takbo ng kanyang isipan. Wala syang ibang naiisip kundi ang kapakanan nito lamang.
Lahat ng naipundar nya sa islang iyon ay nakapangalan rito. Kahit ang ipon nya galing sa pagtatrabaho nakalagay sa account nito.
Ito lamang ang maako nyang tanging kayamanan na ayaw nyang mawala sa buong buhay.
Masayang ngiti ni tatay dindo ang sumalubong sa kanilang tatlo pagkapasok.
"Lolo,anu pong ulam natin ngayon? "Ang malambing nitong wika sa matanda na malawak ang pagkakangiti. Agad tinakbo ang dining table saka umupo Sa paboritong upuan nito.
"Aba! Nag-ihaw ako ng malalaking pusit at isda sa bato! "Ang magiliw nitong wika. Nakasunod silang tatlo sa anak nya.
"Yehey! You're the best lolo dindo. That's why l really love to go herE! Muah lolo dindo! Love you! "Ang wika nito na nagpakawala ng flying kiss na ikinatawa nilang tatlo.
"Oh sya, kumain ka ng marami para kapag malaki ka na. Isasama kita sa laot. "Ani ng matanda tiningnan ang mukha ng kanyang anak. Namimilog iyon ng marinig ang promise ng matanda.
"Whoa! Promise yan lolo ha, walang bawian. "Ang masayang wika nito saka nag-umpisang kumain ng pagkain na nilagay nya sa plate nito.
"You heard it Mimi? Lolo dindo will bring me in the middle of the ocean! "Ang pagmamalaki nitong anunsyo.
"Naku! Baka matakot ka gab kapag biglang may nagpakitang shark sayo! "Ang wika nman ni Leo. Anak ito ni mang dindo. kinuha nyang tagabantay kay gab kapag wala itong pasok. si mang dindo nman caretaker nya sa rest house. May pinatayo syang bahay ng mga ito sa likuran ng rest house. Gusto nitong nakabukod sila para nga daw pareho silang may privacy.
"Shark can't bite me. Am strong and not scared of it.! "Sabi nito pinakita pa ang maliit na muscle sa bisig. Nagstrong na akala mo ay body builders.
Napatawa silang tatlo na nakamasid sa bibong anak. Lahat ng mga tauhan sa opisina naaaliw rito kapag wala itong pasok sa school. Doon ito naglalagi hanggang magsara ang glass and steel corporation na pinagtatrabahuan .
Apat na taon na syang nagmamanage noon. Partnership owner sya ng mag-asawang naging bahagi ng buhay nilang mag-ina.
Ito ang naging daan para makapagsimula sya ng bagong buhay sa strange place ng palawan. Dito sya dinala ng kanyang mga paa ng araw na umalis sya ng Manila.
Gamit ang pangalan ng ina, id at iba pang identification card. Sa tulong na rin ni Alfrene na naroon na sa Australia kasama ang husband nitong Australian. Lahat nagawan ng paraan, naibook sya ng flight patungong palawan ng walang maraming questions. Dahil kamukha nya ang ina noong dalaga pa ito.
Sa recto nya pinaforge lahat ng kanyang fake documents. Simula sa pangalan hanggang sa mga diploma at iba pang mahahalagang papeles.
Pati ang kanyang looks binago nya rin. Kung dati mahaba ang kanyang buhok ngayon napakaikli na niyon. lagi nyang minimaintain. Pinakulayan ng dark redish brown na nagpaiba ng kanyang mukha.
Pati pananamit iniba nya rin. Di na sya nagsusuot ng pormal clothes or dresses. More on shorts, skirt, pants or jumper suit.
Di sya mapagkakamalang twenty eight years old. Mukha lang syang nasa early twenties sa pananamit nya.
Magiliw na palangiti. Sweet and ang full of energy ang dating si Mitch Sullivan Allegre na ngayon ay kilala sa pangalang, Miss Lynette Salvador. Ang pangalan ng kanyang ina. Walang nakakaalam noon kundi sya lamang at ang kaibigang tumulong sa kanya.
Ang kanyang anak nman ay sinunod nyang ipangalan sa kanyang ama.
Gabby Sullivan.
Pagkakaalam ng tumulong sa kanya iyon ang apelyedo ng yumaong asawa.
Apo ang turing ng mag-asawang Kenny Gordon sa anak . Nakabase naman sa New York. Bumibisita lamang once a month para I check ang kalagayan nila. Laking tuwa ng mga ito kapag naroon sa palawan naaliw sa kakulitan ng anak. Spoiled ang anak sa mag-asawang di nabiyayaan ng anak. May mga pamangkin namang na minsan ay nagbakasyon sa palawan ayaw ng bumalik pauwi sa bansa ng mga ito.
BINABASA MO ANG
$MARRIAGE OF CONVENIENCE(COMPLETED)
Romansa#1-secretidentity #1-hiding #1-otherwoman #2-blackmail #2-babydaddy #2-fanfiction #4-blackmail #5-forced "What is this? "Ang napakunot noo nyang wika. Sinilip nya ang laman noon. Gusto nyang masiguro na tama ang kanyang nakita sa loob nyon saka ibi...