CHAPTER 33

6.9K 161 0
                                    

  Medyo masakit ang ulo ni Mitch ng magmulat sya ng mga mata. Inilibot nya ang paningin sa kabuuhan ng silid na kinaroroonan.

Nang mapatuon ang kanyang mata sa malaking picture frame ng babae at lalaking pawang nakasuot ng puting damit at nakangiti. Bigla syang napabalikwas ng bangon mula sa malaking kama na kinahihigaan. Tutop ang ulong tiningnan nyang mabuti ang kanyang paligid kung tama ba ang nakikita ng kanyang mga mata at hindi sya namamalikmata lamang.

Kinusot-kusot nya pa ang mga mata ngunit ganun pa rin ang kanyang nakikita, pamilyar ang silid na kinaroroonan nya. At di sya pwedeng magkamali. Silid iyon ng magaling nyang asawa. Ang damuhong iyon! Nanggigigil nyang himutok sa sarili habang umuunat ng kanyang kalamnan. Di nya mapigilang huwag muling mapasulyap sa malaking kwadra sa silid kung saan nakikita nya ang kanyang mukha at ni Charles   na pinalagay pa talaga nito sa wall na malapit sa harap ng kama nakasabit. Kung saan madali mong makikita kapag nagmulat ka ng mga mata. Ibig sabihin nasa bahay nga sya ng lalaki. Biglang kumulo ang kanyang dugo sa isiping ito ang may pakana ng pagkawala ng malay nya sa mall.

  Nanggigigil syang nagmadaling bumangon para hanapin ito at harapin ng mapasulyap sya sa kanyang sarili sa mirror na malapit sa pintuan. Nakasuot na sya ng mahabang night dress na may mahaba ding manggas. Binihisan ba sya ni Charles? Ang naglaro sa kanyang isipan. Well, sino pa nga ba ang mangangahas na magbihis ng damit nya kundi ito lamang!
Huli nyang naalala nasa fast food sila ni gabby. At bigla syang na rattle pagkaalala sa kanyang anak.

'Si Gabby!'ang sigaw ng isip nya. Biglang syang nataranta ng maisip ang anak sa mall ng mawalan sya ng malay.

Kaya may pagmamadali syang lumabas  ng silid. Walang pakialam kung may kanipisan ang suot na damit. Ang importante sa kanya ang mahanap ang anak. Labis syang nag-alala sa anak baka nawala na ito o kung may masamang nangyari dito di nya mapapatawad ang lalaki kapag nagkaganunoon.

Pagbaba nya may nauulinigan syang mga tinig na nanggagaling sa kitchen. Napalapit sya doon ngunit di lumikha ng ingay, maingat syang naglakad palapit sa kitchen. Habang papalapit naririnig nya ang maliit na tinig ni Gabby kaya nakahinga sya ng maluwag. Di nya akalaing pigil nya na pala kanina pa ang kanyang paghinga sa pag-aalalang di safe ang kanyang anak.

Sinilip nya ang mga ito. Nakatayo ang kanyang anak sa taas ng upuan kaharap si Charles. May ginagawa ang lalaki at maigi itong nagmamasid.

"Mimi said, I won't eat hotdogs, bacon and any preserved foods. It's not healthy. "Ang sabi nito sa lalaking medyo nakatalikod sa gawi nya.

Si Gabby naman medyo nakatagilid sa pintuan kaya di sya ng mga ito napapansing nasa may bungad ng kitchen at nakasilip.

"You won't eat these everyday. Only sometimes. "Ang tugon nman nito sa bata.

"Do you think Mimi love to eat these all? "Ang muli nitong tanong.

"I think so."ang sagot muli ng lalaki sa anak.

"When Mimi gonna wake up? She sleep too long! "Ang narinig nyang reklamo nito kay Charles.

Napahinto si Charles sa paglalagay ng pagkain sa tray. Mukhang iniaayos noon ng mabuti ang mga pagkain nakalagay sa malaking tray. Tumingin ito sa anak saka napangiti.

"She will wake up later."anito saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

"I want to have my bath now. But I don't have clothes with me! "Ang muli ay narinig nyang reklamo nito kay Charles.

"I'll buy you a clothes again. We will go shopping on the mall after this. Do some lots of clothes and toys shopping. "Turan nito sa anak.

"Can I have big toys too? I wanna have toys to play here. And Hilda doesn't know how or what to play. She isn't funny!"Muli ay narinig nyang  complain nito sa ama.

$MARRIAGE OF CONVENIENCE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon