EPILOGUE

11K 248 28
                                    

Makalipas ang tatlong buwan muling pinakasalan ni Charles si Mitch sa simbahan. Doon ginanap sa mismong rest house nya sa Palawan.
Sa loob ng tatlong buwang iyon ay pinatunayan ni Charles kung gaano ito kaseryusong buuhin ang pamilya nila. Sinuyo at nilagawan sya nito. Araw araw nito ipinaparamdam sa kanya kung gaano sila ka importante rito. Kung noong una mas top priority nito ang business ng lalaki ngayon ay silang mag-ina na ang inuuna nitong aaikasuhin.

Ngunit magkaganoon man ay di agad lumambot ang pakikitungo ni Mitch sa lalaki. Lalo na kapag sumasagi sa isip nya si Frida. Bigla na lamang syang sinusumpong ng pagiging selosa nya. Well, kahit sino man ding babae kapag alam mong may nauna sayo sa buhay ng lalaking pinahahalagahan mo ay di mo maalis na di nakadama ng insecurities. Kaya nman sa galit nya doon nya ibinubunton Kay Charles ang inis at pagkairita nya Kay frida. lahat ng iyon ay tinanggap ng lalaki. Kahit pa nga pinapahirapan nya ito ng to do minsan.

Oo minsan bumibigay din sya rito pero mayron pa ring pumipigil sa kanyang ibigay ang sarili ng buong buo rito. Nandoon pa rin ang kanyang takot na baka magbago ang pakikitungo ng lalaki sa kanya.
At di nya pa rin maiwasang mag-isip na isang araw ay makikita nya na nman muli si Friday sa paligid.

At para masigurong di nga ito makakabalik ng pilipinas si Charles na mismo ang nag utos sa kanyang paimbestigahan ang babae. Di nman talaga ganun ka lalim ang ugnayan ng dalawa. Nang umalis sya medyo umiiwas na si Charles na mapaugnay Kay frida dahil nasa Kay Mitch na ang buo nitong atensyon. Minsan nga ay pinagtataguan ito ng lalaki. At since busy sa business at sa paghahanap Kay Mitch si Charles di na nito ininda pa si frida sa buhay nya. Hinayaan nya na lamang ang babae kung anuman ang gusto nitong gawin.

Nang mapag-isip isip ni Mitch ang tunay nya damdamin saka nya ibinigay ng buo ang puso at tiwala rito na humantong sa kasalan dahil sa sobrang katuwaan ni Charles.
Pinalakihan ni Charles ang rest house. Ginawang tatlong palapag dahil iyon ang magiging pangalawang pugad ng kanilang pagmamahalan.
Syempre si Gabby ang one and only ring bearer nila.
Pawang malalapit na kaibigan lamang ang inimbitahan nila. At ang mga kakilala ni Mitch sa mismong isla.

Simple lamang ang kasal nilang dalawa. Simply lang rin ang gayak nilang mag-asawa di na sila nagbihis ng bongga at mamahalin.
Inayusan ang buong rest house ng mga puting bulaklak. Ang iba ay nagsilbing hanging flowers sa tabi ng dagat. Nilagyan ng artificial trees saka inilagay ang mga bulaklak na tila kurtina.

Nasa tabi ng dagat ang nagsilbing altar nila. Pinagawaan ng dalawang palapag na hagdan kung saan sa taas nakatayo ang pari. Samantalang nilagyan nman ng foam ang hagdan na kung saan sila luluhod na dalawa.
Pagkatapos ng ceremony masaya silang binati ng mag-asawang Heart at Kenny Gordon.

Dumating din sina Alfrene at ang foreign husband nitong si Jack.
"I want to envy your husband for meeting you first before me. "Ang pagbibiro nito sa kanya ng batiin sya.
Tinawanan nya lamang ito.
"Your beauty mesmerized most of our male guest love.. "ang mahinang bulong ni Charles sa kanya habang nasa reception sila. Inaasikaso ang kanilang mga bisita.
"Let them stare, my attention is only for you. I won't look for another man because I can't find a husband like you. "Ang
nyang bulong rito na ikinatuwa ni Charles.

Sinaklit sya nito sa bewang at bahagyang pinaliyad at tinitigan.
Nagulat pa sila ng makarinig ng request sa mga bisita. Kasabay ng pagtunog ng mga pingkian ng baso ang sigaw na...

"Kiss! Kiss! kiss! Ng mga naroroon at nakamasid sa kanila.
Pilyong inabot ni Charles ang kanyang labi at mainit iyong dinampian ng halik. Naglapat ng ilang segundo bago sya nito pinatayo at niyakap ng mahigpit.

"Thank you love for giving me a second chance. "Madamdamin nitong wika sa kanya na sinuklian nya ng mainit na halik.

Naghoney moon sila sa amerika kasama si Gabby. Susunduin na rin kasi nila ang mga magulang ni Charles. Doon ang mga ito maglalagi sa palawan. Masaya ang mga ito ng makita ang kanyang anak. Na agad nakagaanan ni Gabby ng loob. Pinasyal sila ni Charles sa iba't ibang parte ng Amerika saka muling bumalik ng pilipinas pagkatapos ng kalahating buwan na honeymoon.

Di kasi pweding matagal silang mawala na dalawa dahil sa kanilang trabaho. Muling nagtrabaho si Mitch sa company ni Charles. Sya na ang nagpatakbo nito ng tuluyan. Si Charles kasi ay bumibiyahe pabisita sa ibang business nito sa loob at labas ng bansa.

After two months nagdalantao si Mitch sa second incoming baby nila ni Charles. Ganun na lamang any tuwa ni Gabby ng sabihin iyon ng dalawa.

Mas lalo pa nyang nadama ang pagmamahal ng dalawang lalaki sa kanyang buhay. Sa araw araw na nagdaan pinapakita at pinaparamdam ng dalawa ang pagmamahal sa kanya. Kaya nman makalipas ng pitong buwan nagsilang si Mitch ng isang malusog at magandang batang babae. Kamukhang kamukha ito ni Charles na tinawag nitong Charlene.

"Yehey! I've got a little sister now! "Ang di napigilang sigaw ni Gabby ng ihatid ang bagong baby sa ward nya.

Katabi nya si Charles. Samantalang si Gabby nasa kabilang dako ng bed nya.

"Yes honey, isn't she's beautiful? "Ang turan ni Charles na marahang hinaplos ang maliit na kamay ng anak.

Gumalaw ito kaya napangiti si Mitch.

"She's indeed beautiful daddy just like Mimi! "Ang palatak nitong wika.

"If she will grow up, am gonna be her protector! "Ang hayag ni Gabby at binayo ang dibdib na pinaliyad pa sa harap nila.

"Good son. You need to protect her from her suitors! "Ang napangiti nmang sang-ayon ni Charles rito.

"Heh! Di pa nga malaki ang ating prinsesa ganyan na ang pinagsasabi nyong dalawa! "Ang sita nya sa kanyang mag-ama.

Nagtawanan lamang ang mga ito pagkatapos maghi-five at saka sya niyakap ng dalawa.

"We love you Mimi.. "Masuyong saad ng anak na humalik pa sa kanyang pisngi.

Wala ng sasaya pa sa bagong blessings na dumating sa buhay nilang mag-asawa. Lahat meron na silang dalawa pawang kontento sa pagmamahal ng isat isa kasama ng dalawa nilang mga anak.

$MARRIAGE OF CONVENIENCE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon