Chapter 18

6.4K 166 0
                                    

  " Lynette, darling... I want you to meet someone. "ang narinig nyang wika ni heart sa kanyang likuran. Na inakbayan pa sya sabay pihit paharap sa kasama nito.
  Agad nyang hinanda ang sarili at naglagay ng kaswal na  ngiti sa labi . Kahit di pa sya sigurado kung tama ang kanyang hinala. Kailangang wag syang  pahahalata sa dalawang matanda na magkakilala sila ng lalaki .  Mabuti na lamang  nakasuot sya ng dark sun glasses ng sandaling iyon.  Di mahahalata ang anumang reaksyon sa kanyang mata.
"Charles, this is my lovely partner in business. The one who do all the hardwork and the reason behind the success of our business ...Lynette Sandoval. "Ang nakangiting pagpapakilala ni heart sa kanya.
"Darling, meet our very handsome friend who convince us to do business with him and put it here. Charles Allegre! "Ang magiliw na pakilala ng babae sa lalaki.
Nagtaas sya ng tingin sa lalaking lalong tumangkad sa kanyang pakiramdam. Tiningala nya ang mukha nito na di naitago ang gulat at pagkamangha. Mixed emotions ang nakita nya sa mukha nito kahit pa nga ba nakasuot din ito ng ray ban.
"Nice meeting you Mr Allegre! "Ang magiliw nyang wika kahit medyo pumiyok ang boses.  Nakapaskil ang friendly smile nya na inilahad ang isang palad para kamayan ito.
"Same here miss Sandoval! "Ang matamis  at may diin nitong wika. Hinagod ng tingin ang kanyanG kabuuhan. Naglandas ang mata nito mula sa mukha nya pababa sa katawan. Bago nito tinanggap ang nakalahad nyang kamay.
Napapitlag pa sya ng maramdaman Ang mainit nitong palad, bahagyang pinisil ang palad nya na hawak pa rin nito kahit natapos na silang nagshake hands.
   Akmang huhugutin iyon ng magsalita ang kanyang anak nakita pala nito ang naging reaksyon ng lalaki sa kanya.
"Do you like my Mimi, Mr Charles ? You look at her like you adored and love her. Just like you're staring at your wife! "Ang inosenting wika nito. Nagpababa mula sa balikat ni Kenny at lumapit sa pagitan nila.
Tinanggal nito ang kamay ng lalaking nakahawak sa kamay nya. hinawakan ang dalawang palad nya at inilagay sa  leeg nito payapos.
Nakamaang naman silang apat sa naging reaksyon ng bata.
Hinarap nito si Charles..tiningala at  tinitigan maigi.
"Gabby! You're humiliating the man! "Ang nanlalaking mata na sita nya sa anak.
"No am not! I just want to warn him not to court you. I'll get jealous! I don't like the way he stare at you. And I don't want you to give him your attention either ! "Ang wika nito seryoso ang mukha ng hinarap sya.
'Oh God! His son is starting to show his  possessive  attitude which is the attitude also of his unknown father! ang naalarmang anas ng utak nya.
"Oh, honey. I love you, ok.  Mimi won't get a boyfriend or marry anyone. You're my only man in my life. "Ang madamdaming wika nya ng niyuko ito at niyakap ng mahigpit. Iniwasan nyang mapatingin sa lalaking nakatayo sa harapan nya. matamang nakamasid sa kanila.
" oh,Such a Sweet boy. Come gabby, we have something for you. A gift! "Ang agaw pansin na wika ni heart sa kanyang anak na napalingon sa kinatatayuan ng babae.
Pati sya napalingon rin  rito. Napakibit balikat ng magtama ang mata nila ni heart. Ngumiti ito saka hinawakan ang kamay ng anak ng makalapit dito. Napatayo sya, nakasunod ang tingin sa dalawa. Nakita nyang tulak tulak ni Kenny ang mga bagahe nito na nakalagay sa luggage cart. Kasunod ang isa pang cart na may nakalagay na malaking box.
"That's for you. We both Harley Davidson motorcycles toy only for you because you are good! "Ang masayang wika ng babae.
"Really! Wow! Mimi, look I got present! "Ang sigaw nito na bahagya syang nilingon at muling napatutok ang mata sa dalawang matanda. Masaya na ito at dagling nakalimutan ang ginawa sa bisita ng dalawa.
Mimi ang tawag nito sa kanya. Dapat mommy iyon ngunit ayaw nitong tawagin syang mommy dahil may mommy heart na daw ito. Mimi na lamang daw para ito lamang Ang tatawag ng Mimi sa kanya.
  Napatuwid sya ng tayo at hinarap ang lalaking alam nyang magdedemand ng explanations sa malao't madali.
"Am sorry Mr Allegre for my son's rude behavior. "Ang hinging paumanhin nyang Wika rito. Still pretending she doesn't really know him.
Tumaas ang sulok ng labi nito..nakataas ang isang kilay at  Tumawa ng mapakla ng tingnan sya sa mga mata.
Parang gusto nyang magsising kinausap nya pa itong muli. Dahil nakita nya paano sya nito tingnan ng matalim. Nang-uuyam ang ngiting kinausap sya.
"When you gonna stop pretending we don't  know each other... Mitch? Or you prefer to call in your fake name? Lynette it is!  "Ang may diing wika nito sa kanya.
"I don't know what you're talking about, i only meet you now. I don't know you, you don't know me either! "Ang wika nya na sinalubong ang nanunuot nitong tingin.
"Talagang pinanindigan mo na na di mo ako kakilala ha. Am impressed with your cleverness! Ang galing mong magtago. Di ka natunton ng mga taong unipahan ko until now. Di ko inakalang naririto ka lang pala sa probinsya nina hilda. "Ang wika nito biglang bumalasik ang mukha.
   Napaatras sya ng humakbang ito palapit.
"See? You're saying you don't know me but you automatically step backward when I came closer. "Ang napangising wika nito. Naglalaro ang nang-iinsultong ngiti sa labi.
Di na sya makapagkakaila rito.
"Magpalit ka man ng pangalan ng ilang beses, ibahin mo man ang style ng buhok at pananamit mo. You still can't deny the fact that you're my wife! "Ang wika nito muli.
   Napataas ang tingin nya sa mukha ng lalaki. Di sya nakaimik. Walang makapang sabihin rito.
"Si gabby na ba ang anak mo kay Alfred? Sya ba ang naging bunga ng inyong kataksilan?!  "Ang wika nito na bakas ang galit sa tinig.
Napamaang sya sa sinabi nito. Inisip nitong si Alfred ang naging dahilan ng kanyang paglisan. Inisip ba nitong naging kabit nya ang silahis na kaibigan na ngayon ay babaeng babae na sa ibang bansa?! Closet queen kasi ito sa office nila. Tanging sya lang anh nakakaalam ng tunay nitong pagkatao Kaya ng sabihin nyang baka mawawalan din ito.ng trabaho kapag umalis sya.  Nagdesisyon na rin itong umalis ng bansa. Tinanggap ang offer ng jowa nitong Australian. Nagpakasal sila matapos magpasex change ang kaibigan.
"Oo! At di ako nagsising nagkaanak ako! Maligaya ako sa pinili kong buhay na Di kaylan man mapapantayan ang buhay na pinalasap mo noon sa akin! "Ang wika nyang may kaakibat na panunuya.
"Bakit ka mag-isang nagpalaki sa anak nyo? Bakit ka nya iniwanan? "Ang wika nito
"Well, I only want a child. He find his happiness in other country and we agree to be friends and separate our way. That's it!  "Ang mapaklang ngiti nyang  sabi  rito na iniwasang magtama ang kanilang mata. Napamaang ito sa narinig. Di makapaniwalang magagawa nilang magkasundong maging friends na lamang at kalimutan ang namagitan sa kanilang dalawa.
"And you let it happen to your life? How about gabby did he asked about him? "Ang ani nito. Gustong malaman ang lahat ng nangyari sa kanya.
"All he knows his father died before he was born. He didn't asked many questions about his late father. and I don't want to talk about him either. He's not a part of our life. "Ang matigas nyang bigkas sa mga katagang binitiwan.
Di makapaniwalang tinitigan sya nito. Inaarok ang nasa isipan nya. Ngunit pinablanko nya iyon bago pa man nito malamang nagsisinungaling lamang sya.

$MARRIAGE OF CONVENIENCE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon