Dumating ang araw na pinakahihintay ng excited na anak na si gabby sa pagdating ng mommy heart at daddy Kenny nito.
Tumawag nakaraang week ang mga ito buhat sa new York. Magbabakasyon ng mahaba haba sa pilipinas.
Kaya nman agad nyang pinalinis ang villa ng mag-asawa kung saan sila nakatira ng kanyang anak. Simula ng bagong dating sya sa palawan hanggang ngayon doon pa rin sila nakatira. Dito na ipinanganak at lumaki ang kanyang anak.
She remember the day she met the good couple.
Lulan na sya noon patungong palawan. Wala syang kakilala sa pupuntahang lugar. Nakatabi nya ang mag-asawa sa pantatluhang upuan sa plane. Mababait ang mga ito , nakipag-usap sa kanya habang nasa himpapawid sila. Tinanong kung saan sya pupunta kung sino ang kaanak nya sa palawan ng sabihin nyang sa mismong city sya ng palawan tutungo. Sinabi nyang wala syang kakilala o kamag-anak na sasadyain. Gusto nya lamang doon magtungo at magsimula ng bagong buhay kasama ng anak na nasa sinapupunan. Nagulat ang mga ito ng malamang ulila sya walang ama ang kanyang anak dahil sinabi nyang ayaw ng ama ng kanyang anak ang magbuntis sya. So naawa ang mga ito at inanyayahan syang doon muna tumuloy sa kanila hanggang makahanap sya ng matitirhan.
Nang malaman ng mga itong business management ang kanyang tinapos. Inalok sya ng mga itong maging partner sa bubuksang business. Isang steel at glasses ang produktong ibibinta.
Kahit nagdalawang isip syang tanggapin iyon sa huli pinili nya ang makakabuti sa kanilang mag-ina. Nahikayat daw kasi ang mga itong magbukas ng business na iyon dahil in demand iyon sa lugar nila. Since may business rin ang mga ito sa ibang bansa naghahanap sila ng maging partner doon. Financial ang offer nito ang kanya ay management naman.
Nagkasundo sila at simulan ang bagong business anim na buwan pa lamang ang tyan nya noon.
Nainganyo lamang syang tunguhin ang palawan noon ayun na rin sa naririnig nyang kwento sa kanya ni hilda. Ang tagalinis ni Charles sa bahay nito. Pinagkukwento nya ito tungkol sa pinaggalingan nitong lugar.
Habang nagpapamasahe sya rito. Nag-aral kasi ito, isang massage therapist ang babae. Di nga lang nito nagamit dahil mas malaki ang pinapasahod ni Charles rito kesa sa pagmamasahe. Binabayaran nya ito sa tamang rate sa nagpapamasahe sa massage parlor.
Noon ayaw nitong tanggapin pero ng sabihin nyang di nman sya ang nagpapasahod rito tinanggap na rin nito. Isang libo ang bigay nya kapag nagpapamasahe sya ng buong katawan. Sa pamamagitan lamang ng masahe sya nakakarelax sa lahat ng pressure at stress sa office.
Wala nman talaga syang balak puntahan ang lugar nito ngunit ng malaman nyang may maliit na buhay na pala sa kanyang womb. Ang lugar nito ang unang pumasok sa kanyang isipan. Di sya pweding bumalik ng ilocos dahil alam ni Charles na tagaroon sya at muli nyang binili ang dating lupa at bahay na binenta nya noon. Pinatayuan nya ito ng commercial building dahil malapit iyon sa sentro.
Mayron syang pinagkakatiwalaang tagapamahala doon na kaibigan ng mga magulang.
Binibisita nya ito twing tatlong buwan. Bumibiyahe sya ng balikan sa plane. Di sya nagtatagal doon. Minuto lamang nyang kakausapin ang matanda. Tikom ang bibig nito sq lahat ng nagtatanong about sa kanya.
Kaya safe sya dito.
Matapos malinis pinaalahanan nya ang nasasakupan na darating ang kanilang big boss. Kaya nagkumahog ang lahat pati na rin ang nasa opisina na sinabing pagdating ng mga ito.
Pati ang kanyang pinamamahalaang empleyado sa kabilang dako ng palawan binilinan nya rin. Sa paglipas kasi ng mga taon nag -expand ang business nila. Maraming client galing ibang lugar ang kumukuha sa kanila. Pinapashipping lamang iyon. Kahit marami na silang kakompet sa business na iyon sila pa rin ang binibilhan ng mga nagpapatayo ng building sa buong palawan.
![](https://img.wattpad.com/cover/87095271-288-k213264.jpg)
BINABASA MO ANG
$MARRIAGE OF CONVENIENCE(COMPLETED)
Romantizm#1-secretidentity #1-hiding #1-otherwoman #2-blackmail #2-babydaddy #2-fanfiction #4-blackmail #5-forced "What is this? "Ang napakunot noo nyang wika. Sinilip nya ang laman noon. Gusto nyang masiguro na tama ang kanyang nakita sa loob nyon saka ibi...