Girl's POV
"Zar. Dalian mo. Late na tayo." Walang emosyong sabi ng kuya ko. Napanguso ako saka umismid. Kasalanan nila. Di nila ako ginising ng maaga.
"Kahit kailan talaga anak. Ang tagal mo kumilos." Umiiling na wika ni Daddy.
"Sadyang mana lang sayo yan Gelo." Natatawang saad ni Mommy. Napangiti ako ng malapad. Nakakatuwa sila.
"Sa dami ng pwede niyang mamana ba't ang pagiging matagal ko pa?" Nakanguso na sabi ni Daddy. Aww. My Dad looks adorable! *u*
Bumaba na ako sa hagdan. Actually, kanina pa ako tapos, pinapanood ko lang sila. Teehee! :3 "Andito yung pinag-uusapan niyo o." Sarkastiko akong ngumiti.
Napatingin sila sakin, "Sa wakas! Halika na! Sabay sabay na tayo." Wika ni Daddy saka lumabas.
Napailing nalang ako saka napangiti. Kahit kailan talaga... ang kulit ng pamilya ko. Kaya ko sila mahal eh.
"Zar. Sabay ka na sa kuya mo. Sasabay ang Mommy mo sakin." Sabi ni Daddy saka ako hinalikan sa pisngi. Pati si Mommy hinalikan ako.
"Ok Dad. Bye Mom. See you at school Dad!" Masigla kong sabi saka kumaway sakanila.
"Mag-iingat kayong dalawa." Sabi ni Mommy saka ngumiti ng matamis at sumakay sa kotse ni Daddy. Maging ako ay sumakay narin. Pinaharurot ni kuya ang sasakyan.
Si Mommy isa siyang doktor sa hospital nila kasama si Tito Xander. Si Daddy naman ay isa nang principal sa school na pinapasukan ko. Si Tita Zoe? Ayun. Presidente na ng kompanya nila.
Monzia Czarina Nightshade pangalan ko. Weird, huh? Hayaan niyo na. Ganyan talaga pag meron kang weird na magulang. :D
Madaming umaaligid sakin na kaibigan ko daw. Especially the girls. Lumalapit sila sakin kasi siguro... ako ang anak ng principal ng school saka kabilang ako sa grupo ng kalalakihan. Yeap. I'm one of the boys. Sila kasi yung mga anak ng mga kaibigan nila Daddy at Mommy nung high-school eh. Unfortunately, walang babae. Although si Tita Zia may anak na babae, elementary palang siya. Kaya here I am; Life with boys ako ngayon.
The Nobodies yan ang grupo namin na grupo nila Mommy noon. And yeap. Ginawa akong leader dun. Ayaw daw ni kuya. Sayang. Mas bagay niya nga e. Speaking of kuya... pangalan ng kuya kong ubod ng sungit ay Kyzer Richardson Nightshade. Madalang siyang ngumiti at napakaseryoso. Pero sweet yan pag trip niya. Pag trip niya lang.
"Zar. We're here." Sabi niya saka bumaba. Pati ako bumaba na rin. Sabay kaming naglakad. Umakbay siya sakin, "Zar. Daming nakatingin. =___=" Sabi niya sakin. Tumawa ako ng mahina saka inakbayan din siya kahit di ko abot. ^u^
"Charismatic kasi tayo onii-san." Sabi ko saka ngumisi.
"Yooo ZarZar! Kyz!"
Napalingon kaming dalawa ni kuya. Tinanggal ng kuya ko ang pagkakaakbay niya sakin. Si Kenzie kumakaway samin. Nag bump fist kami pati silang dalawa ni kuya, "Soo how's life, guys?" Bati niya samin saka ngumiti.
"All is well." Sagot ko saka tumawa ng mahina, "Pero dumating ka." Dagdag ko. Nakita kong ngumuso siya. Hahahaha! Nakakatuwang pagtripan. :3
Kenzie Dela Vega. Anak ni Tito Kenneth at Tita Gette. Masayahin yan. Super. Parang ako siya kaya kami nagkakasundo. Malandi din minsan. Anong magagawa natin? Malandi talaga ang mga lalaki. Depende nalang sa personalidad nila.
"Zie!" Ngumiti ako ng malapad, "Joke lang yun. Don't take it seriously bro." Sabi ko saka siya tinapik sa braso. Sumilay ang ngiti sa labi niya.
Yeap. Tawag ko sakaniya Zie. Wala lang. Pati nung mga bata kami may nickname kami sa bawat isa.
BINABASA MO ANG
TEQ2: 10 Ways To Become Emotionless
ActionI was betrayed because I was kind. They thought it's ok with me if they hurt me because I always smile. Telling them it's fine but the truth is I'm not. Yeap. I have many friends. But they are not real. They're just there when they need something. I...