Chapter 18~ Fifteen Seconds Seduction

2.2K 56 3
                                    

Third Person's POV

"Seryoso ka sa gagawin mo, Zar?!" Gulat ang nasa kaniyang mga mata. Napailing na lamang si Czarina saka tumingin kay Yves.

"Yves, I'm serious. Saka once in a lifetime ito. Ngayon ko lang ito gagawin. Pramis." Itinaas niya ang kaniyang kamay saka ngumiti ng malapad.

Napapikit na lamang si Yves. "Teka. Ba't sa akin mo lang sinasabi?"

Ngumisi na lamang si Czarina. "Alam kong marami kang alam sa ganito. Tulungan mo ako. Paano gagawin ko?"

Nakita ni Czarina na sumilay ang nakakalokong ngiti. "Okay. Tutulungan kita."

----------

"Aish." Iniuntog ni Ciel ang kaniyang noo sa pader. Napapikit siya sa sobrang hiya. Lumitaw ulit sa isip niya ang pinag-usapan nila kanina.

"Nakita ko lahat ng ginawa mo kay Monzia kahapon," panimula ni Raphaela. Nagulat si Ciel dahil akala niya siya lang ang tumatawag kay Czarina na ganun. Nakita ito ni Raphaela kaya napangisi siya. "Minsan ko lang tawaging Monzia si Zar. H'wag kang mag-alala."

Lumaki ang mga mata ni Ciel pero agad bumalik sa normal. "Wala po akong pakialam," tugon niya.

Tumaas ang kilay niya. "Talaga lang ah?" Biglang sumeryoso ang ekspresyon ni Raphaela. "Pero totoo ba ang nararamdaman mo para sa anak ko o isa ito sa plano ng ate mo?" deretsahang saad nito.

Huminga ng malalim si Ciel. Masyadong mapagmatyag ang pamily Nightshade, naisip niya. Magagaling sila. "Hindi niya ito plano. Ang totoong plano niya ay ang patayin ko si Monzia." Tumingin siya kay Raphaela. "Pero hindi ko nagawa. Nung una kong nakita ang anak niyo, nakaramdam ako ng awa kaya di ko tinuloy. Oo. Sinira ko ang plano ng ate ko."

Lumaki ang mga mata ni Ciel. Hindi niya akalain na masasabi niya iyon sa taong ngayon lang niya nakilala. Nagulat din pati si Raphaela. Naniniwala na siya na walang intensyon si Ciel. Ngunit imposibleng walang susunod na gagawin si Grace.

"Totoo ba ang nararamdaman mo sa anak ko?" seryosong tanong ni Raphaela kay Ciel.

Iniwas ni Ciel ang kaniyang tingin. "Hindi ko alam," tugon niya. "Pero gusto ko siyang protektahan sa ate ko. Kaya ko ito ginagawa ngayon ay para maging hadlang ako sa plano niya. Wala akong kinakampihan dito. Wala kaming kinalaman."

"Nakakatuwa kang bata ka. Kabaliktaran ka talaga ng ate mo," sabi na lamang ni Raphaela.

"Buong buhay ko sinunod ko siya. Ngayon ko lang siya susuwayin. I knid of respect her because she's amazing," sabi niya, "pero binulag siya ng paghihiganti. Simula nang iiniwan siya ni Zoe Nightshade, ibang Grace na ang nakikita ko."

Napangisi na lamang si Raphaela. Nakakatuwa si Ciel sapagkat nagawa niyang sabihin ang mga katagang iyon na inakala ni Raphaela na hindi niya masasabi. Sa sinabi ni Kyzer sa kaniya na si Ciel ang tipo ng tao na tipid sumagot, pilosopo at mahangin. Hindi siya madaldal. Siguro nga, sabi ni Kyzer sa kaniya, siguro nga simula nung nakilala niya si Czarina nagbago siya.

"Mr. Sizon. Yun ba ang dahilan kaya ka lumipat sa paaralang ito? Ang gawin ang plano ng ate mo? Ang kunin ang tiwala namin saka sisirain? Sabihin mo sa akin, Ciel. Iyon ba ang dahilan kaya ka naririto?"

Napapikit si Ciel, wari'y nagtitimpi. "Ilang beses ko bang kailangang sabihin na hindi ko sinunod ang ate ko? Kung sinunod ko ang plano niya, matagal nang wala si Monzia sa paaralang ito. Nasa libingan na siya," saad niya.

"AISH!" Napasabunot na lamang si Ciel sa buhok niya. "I can't believe I said those things without even hesitating."

"What things?" Lumingon si Ciel, nakita niya si Czarina. Linapitan siya ni Czarina saka hinila ang kwelyo nito palapit sa kaniya. Nabigla si Ciel sa ginawa ni Czarina. Ramdam ni Ciel ang paghinga ni Czarina, ganun kalapit ang mukha nila sa isa't isa.

TEQ2: 10 Ways To Become EmotionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon