Chapter 25~ Battle of Superiors II

2.3K 55 0
                                    

Third Person's POV

Second Day of the Event

"Ow shit. Bakit ako ang marami ang kalaban? Bakit ako lang?!" reklamo ni Czarina.

"Nah. Sa lahat ng gang, sa atin ang pinakamataas. Siguro sinadya nilang pahuliin tayo para nagsimula na silang maglaban laban. At iyong nanalo sa laban, sila ang makakalaban mo," paliwanag ni Kyzer sa kapatid.

"HA?! This is unfair. Magrereklamo ako." Naglakad papuntang oraganizer si Czarina pero hinarangan siya nila Kyzer at Ciel, tumigil siya.

"Unfair mo mukha mo. Tama lang yan. Parang agawan ito ng pwesto e. Kung natalo ka sa kanila, sila na ang magiging lider ng lahat ng mga gang. Gusto mo ba iyon?" biglang sulpot ni Yves.

"Aish!" Napanguso na lang si Czarina. "Kahit na. Ang daya talaga eh."

"Makapagsalita ka parang ang hina mo. Asaan iyong ZarZar na walang inuurungan?" sulpot ni Kenzie.

Napapikit si Czarina. "Oo na." Tinanggal na niya ang sweater niya saka ibinigay kay Kyzer. "Lalabanan ko sila."

Naglakad na sila papunta sa gitna. Tumahimik ang mga tao. "Ayan na pala ang star of the event, ang pinuno ng The Nobodies! Sinadya namin na mahuli kayo para maglaban ang mga lider na nandito at kung sino ang nanalo, sila ang lalaban sa'yo. This is a Battle of Superiors anyway. Nanalo ka kahapon sa dalawang pagsubok. Alam mo naman na kapag natalo ka sa kahit isa, hindi na ang grupo niyo ang mamumuno sa mga gang dito sa lugar natin," mahabang paliwanag niya.

Tumango lang si Czarina saka uminom ng tubig. Ibinigay niyang muli ang tubig sa kuya niya.

"Alam mo naman ang magiging laban ngayong umaga, hindi ba? Fist Fight."

Umalis na ang mga kabarkada ni Czarina. Narinig muli ni Czarina ang boses ni Ciel mula sa kaniyang earphone. "Kaya mo yan, Monzia."

Napangiti na lang si Czarina saka tinignan ang mga kalalabanin niya. Lima sila. Hindi niya alam kung kani-kanino sila kabilang pero ang alam niya, kailangan niyang matalo lahat sila.

"Let the game, begin!" Pumagitna ang limang nanalo. Oo. Sabay sabay niyang kalalabanin ang limang ito. Pinalibutan siya ng mga kalaban. Huminga muna ng malalim si Czarina saka pumikit. Pinakiramdaman niya ang kaniyang mga kalaban.

Unang sumugod ang nasa likod at harap niya kaya agad siyang tumalon. Nagbungguan ang dalawa kaya natumba sila. Sumunod yung dalawang nasa gilid niya. Iniangat niya ang kaniyang dalawang paa para masipa sila pareho. Tumama sa mukha nila kaya napahiga sila.

Yung isa, susuntukin sana siya sa kaniyang likod pero kaagad iniwas ni Czarina ang sarili saka sumipa paikot. Natamaan ang taligiran ng natira.

"WOAAAAH!" hiyaw ng mga nanunuod.

Muling tumayo ang dalawa. Iyong isa sisipa, iyong isa susuntok. Hinawakan parehas ni Czarina ang kamao nung isa at paa nung isa. Tumalon siya para sipain sila pareho. Nang pahiga na sila, agad tumakbo si Czarina sa kanilang mga likod, hindi para saluhin sila, kundi para tamaan ang vital points nila at tuluyan silang matulog.

Tinamaan ng dalawang daliri niya ang magkabilang batok ng dalawa kaya agad silang nawalan ng malay. Hindi napansin ni Czarina ang atake ng isa sa harap niya kaya nasuntok siya sa mukha. Napaupo siya sa lakas ng pagkakasuntok sa kaniya. Tinulak pa siya ng kalaban palikod kaya tuluyan siyang napahiga. Aapakan pa sana siya ng kalaban ngunit agad niyang naharangan ang paa ng kalaban saka binali. Napahiyaw sa sakit ang kalaban niya. Hindi pa siya nakuntento, sinipa niya ang sikmura nito. Bago pa makahiga ang kalaban niya, tinamaan niya ang vital points ang magkabilang braso niya. Hindi na niya maigalaw. Tuluyan siyang napahiga at nawalan ng malay.

TEQ2: 10 Ways To Become EmotionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon