Chapter 15~ Mushy Ciel

3K 71 2
                                    

Third Person's POV

"Natalo ka sa pustahang ito, Ciel, may ipapagawa kami sa'yo." Ngumisi si Kenzie saka tinignan ang barkada nito. Si Ciel naman ay tumaas ang kilay. Ano kayang binabalak nila?

"Tangna kayo. Kung kagaguhan lang yan di ko gagawin," sabi ni Ciel. Akmang aalis na siya ngunit nagsalita si Yves. Natigilan si Ciel saka napatingin sakanila.

"What the fudge are you guys thinking? And you call yourselves Monzia's best friends?!" singhal sakanila ni Ciel.

"Gustong gusto mo naman e. O ano? Payag ka?" nakangising sabi ni Yohan.

"Ayoko," sambit ni Ciel. Tumalikod na siya pero tinigilan siya ni Yohan.

"Op op. Ano ulit yung consequence pag di niya ginawa, Kenzie?" Clayton

"Di na siya pwedeng lumapit pa kay ZarZar." Natigilan si Ciel saka lumingon sakanila.

"Seriously, guys?" tanging sambit niya.

"Yea." Sabay sabay silang tumango. Huminga ng malalim si Ciel. Hindi niya kayang hindi lumapit kay Czarina.

"Fine. I'm gonna do it."

Nagkatinginan ang mga kalalakihan saka nag-apiran. Naayon sa plano nila ang pangyayari.

-------

Naglalakad si Ciel papasok sa eskwelahan kasabay ang kaniyang paghikab. Hindi maipaliwanag ni Ciel ang nararamdaman. Kinakabahan siya na hindi niya alam. Hindi siya nakatulog kagabi sapagkat iniisip niya kung paano niya gagawin ang pinapagawa nila Yves sakaniya. Wala sa personalidad niya ang maging corny. Pero sabi nila Yves tutulong sila. Ang kailangan lang daw niyang gawin ay ilayo siya sa eskwelahan para magkaroon sila ng oras para sa paghanda. Ang problema, di niya alam kung paano.

"Yo," bati ni Ciel sa barkada ni Czarina nang makita niya ito sa tabi na nakaupo. Si Czarina naman ay napatingin lamang sa binata. Nararamdaman nanaman niya ang kakaibang pakiramdam kaya iniwas niya ang tingin niya.

Si Kenzie naman ay napangisi saka tinignan ang namumulang kaibigan. "Yo ZarZar. Umayos ka ng upo. Tatabi sa'yo si Ciel."

"Oo nga Zar. Babaeng upo," sabi naman ni Yves.

"Tch." Umupo ng maayos si Czarina nang hindi tumitingin kay Ciel. Si Ciel din ay nag-iinit ang mukha. Sobra siyang kinakabahan sa gagawin niya. Umupo siya sa tabi ni Czarina.

"Uhh." Tumingin siya sa mga best friends ni Czarina; nakangisi lahat sila. "Hi Monzia," bati niya sa dalaga.

"Yo," sambit ng dalaga nang hindi tumitingin. Napakamot sa batok si Ciel. Tumunog na yung bell ngunit walang gumalaw sakanila.

"Uhh. Tayo na?" Lumaki ang mga mata niya kasabay ang paglingon sakaniya ni Czarina.

"That's not what I meant! M-Mali lang ang pagkakasabi ko!" depensa niya sa sarili niya. Nagpipigil ng tawa ang mga kasama nilang lalaki. Sinamaan niya ito ng tingin.

"Tara," sabi na lamang ni Czarina saka tumayo at naglakad. Sobra siyang namumula. Hindi niya alam kung bakit ganun ang nangyayari sakaniya. Napapangiti siya nang di niya napapansin.

"Tangna. Ano ito?" bulong niya sa isip. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Hindi niya maipaliwanag.

-----

Nakadungaw lang sa bintana si Ciel, nag-iisip kung ano ang pakulong gagawin niya. Narito na sila ngayon sa kanilang silid, kasalukuyan nang nagsasalita ang guro sa harap nila.

"Tch. I'm gonna do it. I'm gonna ask Monzia out," bulong niya sa sarili. Naglabas siya ng pirasong papel saka sinulat: Monzia, oo o hindi?

Inilapag niya sa mesa ni Czarina nang di tumitingin sakaniya. Nakita niya na lang ang pirasong papel sa harap niya, binasa niya ito.

TEQ2: 10 Ways To Become EmotionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon