Czarina's POV
Pagkagising ko, agad akong naligo at nagpalit. Kakausapin daw ako ni Sizon e. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako. Nakita ko kasi ang ekspresyon niya kahapon. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko. Lumitaw nanaman ang imahe ko na maraming dugo sa kamay at iyak ng iyak. Hindi ko alam kung dapat akong matuwa sa huling pagsubok dahil naipasa ko, mas nararamdaman ko pa nga ang takot. Laging bumabalik ang nakaraan kong pilit kong kinalilimutan.
Umiling ako para mawala ang ilusyon na nililikha ng aking isipan at lumabas ng kwarto ko. Nag-uusap usap sila sa baba; sila mommy, daddy at kuya. Napataas ang kilay ko dahil seryoso sila. Nang nakita nila ako, tumahimik sila.
Since wala akong ganang kumain, nagpaalam na lang ako na aalis. "Mom, Dad, I'll go now." Tumango naman sila pero nilapitan ako ni Mommy saka binigyan ng tinapay.
"Di pwedeng wala kang kinain." Ngumiti siya saka ginulo ang buhok ko. Tumango ako saka tuluyang umalis. Di pa naman ako nakakalayo kaya nagsalita ulit si Mommy. "Pagkatapos niyong mag-usap, deretso ka agad dito, ha?" Lumingon ako saka tumango.
Nakarating agad ako dito sa OF. Wala ngang specific time pero wala akong pakialam. Gusto kong mapag-isa. Masyadong traumatic ang nangyari sa akin kagabi. Halos hindi ako nakatulog dahil hindi mawala sa isip ko iyon. Umupo ako sa baba ng puno saka humiga. Pinagmasdan ko ang mga ulap. Minsan iniisip ko sana ulap na lang ako, walang ginawa kundi lumutang sa ere nang walang pinoproblema.
Ilang oras ang nakalipas, may tumawag sa pangalan ko, si Sizon. Napalingon ako sa kaniya na nakatayo sa harap ko. Agad akong tumayo saka pinagpag ang damit ko.
"Ano na ang sasabihin mo?" tanong ko sa kaniya. Ayoko ng paliguy-ligoy pa. Nakita ko rin ang mga mata niya. Hindi rin siya nakatulog. Namumula pa ang kaniyang mga mata. Huminga siya ng malalim saka ako tinignan sa mga mata.
"I will stop courting you, Monzia," walang emosyong sabi niya sa akin. Walang hesitasyon sa kaniyang mga mata. Walang bahid na ekspresyon.
"S-Sizon. B-Bakit?" tanging lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko nanlambot ang mga tuhod ko sa narinig ko. Katatapos lang ng huling pagsubok, Sizon. Hirap na hirap na ako.
Tumingin siya deretso sa mga mata ko. "I realized that I don't love you. I've been fooling myself, Monzia."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko kasabay ang pagkirot ng puso ko. "Bakit?" mahinang sabi ko, "bakit kung kailan tinanggap ko na sa sarili kong mahal kita? Bakit ngayon pa, Sizon?"
Pumorma ang ngisi sa labi niya. Hindi ko ito inaasahan. "Gusto mo bang malaman ang totoo, Monzia? Bakit nga ba ako lumapit sa'yo? Ba't ako humingi ng tulong sa'yo? Pwede namang iba ang tawagin ko, hindi ba?" Hindi ako makatingin sa kaniya kaya iniwas ko ang tingin ko. Marahas niyang hinawakan ang pisngi ko at itinapat sa mukha niya. "I am your fucking enemy, Monzia. Ang pamilya natin ay magkatunggali. Bakit ako lumipat sa paaralan na pagmamay-ari ng kalaban? May misyong ibinigay sa akin, Monzia. Alam mo ba kung ano iyon?"
Hindi ako makasagot. Hindi. Hindi si Ciel ang taong nasa harap ko ngayon. Ibang tao siya. Nagpapanggap lang siya na si Ciel.
"Para manmanan ka. Para patayin ka. Lumipat ako sa paaralang iyon dahil kailangan kitang patayin," nakangising pagsagot niya sa sarili niyang tanong.
"Bakit hindi mo ginawa iyon? Bakit hindi mo ginawa nung una tayong magkita?" Hindi ko alam pero walang luha na tumutulo sa mga mata ko. Ni isang butil, wala. Sobra na ba akong nasasaktan ngayon? Sobrang nasasaktan hanggang sa wala na akong maramdaman. Bakit? Bakit nagkaganito ako ngayon?
Pero Sizon. Magsinungaling ka. Sabihin mo sa akin, nagbago ang isip mo. Sabihin mo sa akin, minahal mo ako. Parang awa mo na, Sizon. Kahit kasinungalingan lahat, magbubulag-bulagan ako.
BINABASA MO ANG
TEQ2: 10 Ways To Become Emotionless
AcciónI was betrayed because I was kind. They thought it's ok with me if they hurt me because I always smile. Telling them it's fine but the truth is I'm not. Yeap. I have many friends. But they are not real. They're just there when they need something. I...