Chapter 23~ Hard Work Betrays No One

3K 55 5
                                    

Third Person's POV

"Hn. Sasama ka rin pala Ciel eh," nakangising sabi ni Kenzie habang tinitignan ang makina ng kotse niya.

"Tch. Just shut up," sabi ni Ciel saka inayos ang backpack niya.

"Guys. Ready na ba lahat?" tanong ni Angelo. Tumango lahat sila bilang sagot. "Oks. Alam na kung saan pepwesto. Ikaw Ciel, saan ka sasakay?"

Tumingin siya sa kani-kanilang kotse. "I don't know," sagot niya saka nagkibit balikat.

"Hn. Dito ka na lang sa amin. Makikisakay na lang kami ni RapRap kila Bianca," sabi ni Angelo sa kaniya.

"Hindi na po. Dito na lang ako kila Keezer." Tinignan ni Ciel si Keezer, tumango siya bilang pagsang-ayon. Tahimik kasi siya kaya dun na lang siya.

"Suit yourself then," sabi ni Angelo saka ngumiti.

"Wait. Where's Czarina?" biglang sulpot ni Kyzer.

"Akala ko kasama mo pa siya sa loob ng bahay? Diba may kukunin pa kayo?" Bryle

"Shh. Pumasok na nga kayo sa kotse. Hintayin na lang natin siya." Raphael

Nagsisunuran naman sila. Ang nasa labas na lang ay si Ciel at si Kyzer, pati ang magulang ni Czarina. "O Ciel. Ba't di ka pa pumapasok?" tanong ni Heart sa kaniya.

"Opo. Saglit lang po," tugon ni Ciel. Nang nakita na niyang lumabas si Czarina, pumasok na siya sa loob ng sasakyan saka agad isinara. Pinagmasdan niya ito hanggang sa makapasok sa sasakyan nila. Naramdaman na lang niya na umandar na ang sasakyan.

"So, Ciel, right?" panimula ni Heart kasabay ang pagtingin sakaniya.

"Yes," sagot niya habang nakadungaw sa bintana.

"Keezer told us you love Czarina. Let me ask you this." Tumingin na sa kaniya si Ciel. "Are you willing to sacrifice your happiness for her?"

Kumunot ang noo niya. "Everyone's creeping me out. What's with that question?" Iniwas niya ang tingin niya kay Heart saka sumagot, "Yeah. I love her. Pero kung kaya ko pang ipaglaban, ipaglalaban ko."

Napangiti ng lihim sila John at Keezer. Samantalang si Heart ay napangiti ng matamis. "You really do love her. Gambatte, ne?"

Tumahimik muli sa loob ng sasakyan. Napatingin sa kaniya si Keezer. "Dude, kung ano ang magiging desisyon mo, panindigan mo. Hindi lahat ng bagay, naipaglalaban mo."

"Why are you lecturing me, Keezer? It's not like you," nakangising pangaasar ni Ciel.

Napangisi rin si Keezer. "Nah. I just want to give you some advice. You're an idiot."

"Aww. How touchy," sarkastiko na tugon ni Ciel.

"Hm. Mom. Where are we going?" tanong niya kay Heart.

"Dun sa dati naming pinagbabakasyunan ng mga tita at tito mo," sagot ni Heart na may ngiti sa labi. "We decided na i-rent ang buong beach for three days para sa training ni Zar."

"Pinaghati-hatian niyo?" tanong muli ni Keezer.

"Yeah," sagot ni John na kanina pa tahimik. "Matulog muna kayo. Medyo malayu-layo pa ito."

Hindi na muling umimik si Keezer at Ciel.

Sa kabilang sasakyan naman kung nasaan sila Clayton at Lexie:

"Hoy Kuya. Bakit hindi dito sumakay si Kuya Kenzie?" tanong ni Lexie sa kaniya.

"Tanong mo sa iba," nakabusangot na sagot ni Clayton.

"Oi Clayton. Kapatid mo yan," sabi ni Alex sa kaniya.

"Anak, alam kong mas naging kuya sa'yo si Kenzie kaysa diyan sa kuya mo pero don't be rude," sabi naman ni Zia saka ngumiti.

TEQ2: 10 Ways To Become EmotionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon