Czarina's POV
Marami akong nalaman tungkol sa nangyari noon kay Mommy pero ang pinagtataka ko lang, bakit kailangan sabihin sa akin ni Tita Zoe ang lahat ng ito? Saka saan niya ako poprotektahan? Lutang ang isip kong pumasok sa paaralan. Bilib rin ako kay Mommy. Nagawa niyang tanggapin muling kaibigan si Tita Heart. Naiinggit ako sa kabaitan niya. Ako nga, nung nalaman ko lang na pinag-uusapan ako nila Yui sa likod ko, agad ko silang tinulak palayo sa akin. Ni hindi ko pinakinggan ang rason kung bakit nila ginawa iyon. Ngayon alam ko na ang lahat. Si Tita Zoe ang may pakana nun oara daw mapalapit sa akin si Sizon. Pero sabi niya, since tinanggap na namin ang tadhana, wala na daw siyang magagawa 'roon. Masyado daw kumplikado ang istorya naming dalawa ni Sizon kaya hindi na niya pinakialaman pa. Pero sumilay ang nakalolokong ngisi sa labi niya nung sinabi niya iyon. Aish. Ewan. Bahala na sila sa gusto nilang gawin.
Pumasok ako sa silid, tumahimik ang lahat. Napataas ang kilay ko pero di ko na pinansin pa. "Yo Zar," bati sa akin ng mga kaibigan ko. Tumango lang ako saka ngumiti ng tipid.
Umupo na ako sa tabi ni Kenzie. Agad kong binuksan ang librong hawak ko at nagbasa. Medyo maingay ang klase dahil wala pa ang guro.
Natigil ang pagbabasa ko nang maramdaman kong tumabi sa akin, hindi ko alam kung sino pero bigla akong kinabahan.
"Hello, Zar. It's been a while," bati niya sa akin.
Sabi ko na nga ba. Xyla.
"Yeah. Though I'm not expecting you to be here," malamig na tugon ko nang di siya tinitignan.
"Expect the unexpected, darling." Hindi na ako umimik pa, pinagpatuloy ko ang pagbabasa ko.
"You still love him, right?" Hindi ko alam kung nangaasar siya o ano e. Kaunti na lang, sasabog na ako. Kaunti na lang, tangna, mapapatay ko siya.
Napapikit ako ng mariin sa inis. "I don't give a fuck anymore," tugon ko.
"Hn." Kahit hindi ko siya tinitignan, alam kong napangisi siya. "Ang tagal niyo. Naiinip na ako."
Huminga ako ng malalim saka siya tinignan. Wala akong pakialam kung ano ang tinutukoy niya. I won't concern myself with her, with them. "Stop bugging me. It's annoying."
Nasulyapan ko ang pagdating ni Sizon. Nawala na agad sa akin ang atensyon ni Xyla. Ang bilis, ah?
Hindi ko na sila pinansin pero pakiramdam ko, kumikirot ang puso ko. Bakit? Akala ko ba wala na akong nararamdaman sa kaniya? Bakit kailangan ko pang masaktan? Akala ko ba, tapos na? Akala ko ba, tanggap ko na? Bakit nasasaktan pa rin ako?
Dumating na ang guro kaya ginawa na namin ang daily routine namin. Nasulyapan ko na sobrang clingy ni Xyla kay Sizon. Naramdaman ko na lang ang inis. Di ko maipaliwanag. Sobra akong nabadtrip. Tangna. Pag ito nagpatuloy pa, di ko na alam ang gagawin ko sa kanila. Teka. Nagseselos ba ako? O fudge. Imposible. Wala na nga dapat akong pakialam e. Pero tangna, ano itong nararamdaman ko?!
-------
Third Person's POV
Hindi akalain ni Xyla na ganun ang magiging bati sa kaniya ni Czarina. Hindi rin naman niya masisisi kasi parang inagaw niya si Ciel sa kaniya. Pero makikita mo sa mga mata ni Czarina na naiinis sa mga nakikita niya.
"Kaunti na lang, sasabog ka na, Zar." Napangisi na lang si Xyla saka tinignan si Czarina na nakikinig sa leksyon ng guro.
"Lahat may limitasyon, pati ang pagtitiis. Let it show, Zar. Let your emotions flow." Natigil siya saka mas lumawak pa ang ngisi. Nakaisip siya ng plano para makapag-usap ang dalawa. Ngunit alam niyang may bantay siya. Laging nakabantay sa kaniya si Shayne Luna. Kakausapin niya na lang si Kyzer sa cellphone.
BINABASA MO ANG
TEQ2: 10 Ways To Become Emotionless
ActionI was betrayed because I was kind. They thought it's ok with me if they hurt me because I always smile. Telling them it's fine but the truth is I'm not. Yeap. I have many friends. But they are not real. They're just there when they need something. I...