Chapter 8~ And Someone Came

4.1K 81 10
                                    

Czarina's POV

"Di ka pa pwedeng pumasok." Masungit na sabi ni kuya.

"Ilang araw na akong nakahiga sa kamang ito kuya. Papasok ako ngayon." Akmang tatanggalin ko ang nakatusok sakin pero tinigilan ako ni kuya. Napanguso ako. Kung sino man ang bumaril sakin, sana magpakita siya at makipaglaban ng patas. Hindi yung nagtatago sa maraming tao saka biglang magbabaril. =___=

"Stop being stubborn Zar," malamig na sabi ni kuya ko. Nainis ako... hindi kay kuya ko kundi sa akin. Naiinis ako sa sarili ko. Iniwas ko ang tingin ko.

"I am not!" Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "I am not what you think I am. I am not weak! I can manage this on my own! I don't need anyone's help!" sabat ko sakaniya.

Ngumiti lang si kuya saka ako yinakap ng mahigpit. "You know what, Zar? People who decline somebody's help are the ones who needed help the most."

I was stunned. Unconciously, my tears rolled down my cheeks. "Bro." bulong ko. Sa totoo lang natatakot ako. May mga taong nagbabanta sa buhay ko. May mga taong gustong mawala ako. Nung nagising ako sa ospital, lahat sila nandun... nag-aaalala. Ayoko silang makitang malungkot dahil sakin.

"I just want to prove something bro. That's why please... I want to go to school."

Napapikit si kuya saka huminga ng malalim. "Fine. But please, take care of yourself."

Napangiti ako. "Yes bro. Thanks!"

Gusto kong pumasok ng school kasi may gusto akong patunayan. Gusto kong ipakita sakanilang lahat na hindi na ako ang Czarina na kilala nila.

--------

"Zar. Ok ka na ba? Nabaril ka daw," bungad sakin ng mga kaklase ko. Kung dati, ngingitian ko sila saka sasabihing ok lang ako, ngayon iibahin ko ang pakikitungo ko sakanila.

Ngumisi ako. "Tingin mo papasok ako pag di pa maayos ang kalagayan ko?" malamig na sabi ko. Natahimik silang lahat. Napailing nalang ako saka umupo sa upuan ko. Wala pa ang mga kasama ko. Pati di Sizon wala pa. Sinubsob ko ang mukha ko sa desk saka pumikit.

"Czarina," rinig kong tawag sakin. Hindi ko inangat ang ulo ko. Kilala ko kung sino eh.

"What?" sambit ko nang di inaangat ang ulo ko. Harsh ba? Dibale. Mas harsh sila sakin.

"Can you at least look at me?" pagmamakaawa niya. Umusbong ang konsenya sa puso ko. Kuso. Ito ang ayaw ko eh. Pero agad kong naalala ang sinabi ni mommy. Cut off toxic friends. Pano kaya kung ipamukha ko sakanila na "toxic" sila?

Iniangat ko ang ulo ko saka tumingin sa babaeng nasa harap ko. "You know what? My mom said that I should cut off my toxic friends. And sadly, you're one of them. Oh wait. Did I just called you 'friend'? Sorry. You're not my friend now. You're my enemy," walang hesitasyon kong sabi. Natigilan ang babaeng nasa harap ko saka unti unting tumulo ang luha galing sa kaniyang mga mata.

Tumingin ako ng derestso sakaniya. Nakaramdam ako ng konsensya. Ito ang mahirap pag gusto mong baguhin ang nakasanayan mong personalidad eh. Isa pa mandin sa pinaka-ayaw ko yung may makitang umiiyak na kaibigan ko sa harap ko. At ang masaklap pa, ako ang nagpaluha sakaniya.

Hindi siya umalis sa harap ko. Yumuko siya saka pinunasan ang mga luha niya at ngumiti sa akin. "Tinatanggap ko lahat ng sinabi mong iyon. Kasalanan ko kung bakit ganiyan na ang pakikitungo mo sa mga tao ngayon. Czarina... aaminin ko. Naiinggit ako sayo. Oo inaamin ko, kaya kita kinaibigan dahil malapit ka sa taong gusto ko. Pero nung lumaon, Zar, nakita ko ang Czarina na dapat respetuhin. Nakita ko ang mga ugaling di mo pina-"

"Ano ito?" pagputol ko sakaniya, "bakit mo sinasabi lahat ng ito ngayon?" Malamig kong sabat sakaniya. I should not trust her again so easily. I might hurt again.

TEQ2: 10 Ways To Become EmotionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon