Third Person's POV
"Bakit? Bakit mo ito ginagawa, Zoe?" Halata sakaniyang mga mata ang pagkabigla sapagkat hindi siya makapaniwala.
Ngumisi si Zoe saka tinignan sa mata ang kasama. "It's for the best. You don't know how to play my game. You don't have the right to question me."
Huminga ng malalim ang babaeng nasa harap niya ngayon. "Ang sabi mo hindi madadamay ang pamilya mo dito. Ang sabi mo walang madadamay," kalmadong saad niya.
"This game requires sacrifices. That's what I believe." Ngumisi si Zoe saka tumingin sa chess board na nasa mesa niya. "Pati si Angelo alam ang plano ko," dagdag niya. "at sabi niya pabor siya dito."
Napailing na lamang ang babae saka tumingin kay Zoe. "You're so unpredictable, Zoe." Tanging bulong niya.
"Any game becomes boring when it lack thrills, you know?" Saad ni Zoe saka tumingin sa mata ng babae. Tumango nalang ang babae.
"I know you've been observing me yet you warn me about things. You're quite good, Ria Danniel Arugay." Isang nakakalokong ngisi ang pumorma sa labi ni Zoe.
Nanigas si Ria sa inuupuan niya, pero hindi niya ito pinahalata. I know who I am dealing with, bulong niya sa kaniyang isip, so this is Zoe Bianca Nightshade, huh?
------
"Asan si Zar?" tanong ni Kyzer kila Tristian.
"Kasama niya si Ciel ngayon. Nagdadalaga na prinsesa natin!" Nagniningning ang mga mata ni Kenzie. Napailing na lamang sila. Nakita nila kaninang tumatakbo si Ciel hila hila si Czarina. Pinabayaan na lamang nila ito, tutal pinagkakatiwalaan naman nila si Ciel.
"Ano kayang meron kay Ciel, ano? Kahit ganun ang ugali ng taong yun, nakakasundo parin natin siya," nagtatakang saad ni Clayton.
"I don't know either," tugon ni Kyzer, "But there's something about him.... nevermind." Naglakad si Kyzer palayo. Oo. May kung anong personalidad ni Ciel na gusto niyang makita. Masama man ito o mabuti.
------
".... I killed him. I accidentally killed him," pagtatapos ni Czarina sa kwento. Nanigas si Ciel. Hindi niya alam kung bakit pero hindi siya natakot man lang o lumayo kay Czarina. Nanigas siya sa sobrang pagkabigla.
"He provoked me. He said that the hatred that's nesting inside my chest will vanish. I was... you know, shocked to the point I couldn't move my body." Naalala niya kung paano ibinigay sakaniya ang kutsilyo. Kung paano niya itinutok sa sikmura nito saka ibinaon. Aksidente; yun ang alam niya. Dahil yung lalaki mismo ang nagpahintulot na gawin iyon.
Nanginginig si Czarina sa takot. Dugo... napakaraming dugo sa kamay niya. Naalala niya kung paano siya nanghina nung mga oras na iyon. Kung paano siya husgahan ng mga tao.
Bulungan... napuno ng bulungan ang paligid. Mga bulungang nilikha niya sa kaniyang sariling utak. Mga narinig niya noon.
Simula noon, ayaw na niyang makakita ng dugo o makarinig ng mga bulungan sa paligid sapagkat tuwing nakakakita siya ng dugo at nakakarinig ng bulungan tungkol sakaniya, bumabalik ang nakaraan niya.
Tinakpan niya ang magkabilang tenga niya. "H-Hindi ko sinasadya," paulit ulit niyang sambit. Konti nalang tutulo na ang mga luhang namuo sa kaniyang mga mata.
Bigla siyang yinakap ni Ciel. Isang napakahigpit na yakap. Natigilan si Czarina sa panginginig. "I didn't know that you killed someone in your past. Still, you chose to tell me every single detail about it... even if it pains you," sabi ni Ciel. "You really trust me that much, huh? I'm honored."
BINABASA MO ANG
TEQ2: 10 Ways To Become Emotionless
AksiyonI was betrayed because I was kind. They thought it's ok with me if they hurt me because I always smile. Telling them it's fine but the truth is I'm not. Yeap. I have many friends. But they are not real. They're just there when they need something. I...